Thursday, June 18, 2020

SM Southmall (Part 7)

By: Carl

Hello mga KM Readers, sorry kung ngayon lang ako nakapag-update. Sadyang marami lang po kaseng pinagkaabalahan these past few weeks. Hopefully po maintindihan niyo. Btw kamusta kayo? Sana okay lang kayo diyan. Stay healthy, stay calm, stay at home and stay libog saatin mga tol hahahaha. Onting tiis na lang at ppwede na ulit tayong magwalwal. Stay safe!!

Ilang araw na din ang nakalipas nung huli kaming nagsama-sama ng mga tropa ko. Sobrang nakatatak parin sa isipan ko lahat ng mga sagot na binitawan ni Iwi nung gabing iyon, at sobrang sariwa pa rin para saakin lahat ng mga nangyare nung mga oras na kasama ko si Iwi. Pagkatapos na pagkatapos ng gimik na iyon ay pumirmi muna ako sa bahay, apat na araw na lamang kase ay babalik na si Papa sa amerika.

Nakakalungkot mang isipin na lilisanin niya muli kami, ngunit wala na akong magagawa pa. Dahil pakiramdam ko'y mandatory na yung ganitong sistema sa pamilya namin.

Malakas ang ulan at nakadungaw ako sa aking bintana. Ako at si ate jenny lamang ang tao sa bahay sa mga oras na iyon, dahil umalis si Lola at Papa upang mamili ng mga dadalhin ni Papa sa amerika pati na rin ng mga gagamitin at stock sa bahay.

Habang pinagmamasdan ang malalaking patak ng ulan na bumabagsak mula sa kalangitan, hindi ko lubos maisip kung bakit wala pa ring paramdam saakin si Lerwick.
Ilang araw na din akong nagaabang sa kanya, tila nakakapagtaka dahil maski anino niya ay hindi ko pa nakikita. Agad naman akong nagising sa pagkakatulala nang biglang may naalala.

"Tangina! Inignore message ko nga pala siya." madiin kong bulong sa sarili ko, agad kong kinuha ang cellphone kong nakalapag sa aking kama.

Hindi ko pa man pinipindot ay tanaw ko na  ang pangalan niyang nangingibabaw sa filtered message. Tila sobrang tawang-tawa ako sa katangahan ko; napakarami niyang messages saakin, at hindi ako magkandaugagang basahin lahat ng iyon.   

"Mag-kita tayo sa court mamaya."
"mga 10pm siguro para soya"

Iyon na lamang ang huling chat niya saakin, 30mins ago siyang active. Hindi ko naman napigilan ang sarili kong sipatin ang oras mula sa aking cellphone. Mahaba-haba pa ang oras, alas-cinco palang naman kase ng hapon. Ramdam ko na agad ang tuwa at ang pagka-excite sa mga sandaling iyon. Nabigla na lamang ako ng biglang magsalita si erpat

"Inspired na inspired ka nak" pang-aalaska niya.

"Uy pa, kakarating nyo lang po?" pabigla kong tanong.

Agad namang humakbang si erpat papalapit sa kama ko at umupo, "Nak.. Ppwede ba si papa tumambay dito saglit?" tanong niya habang nakangiti.

"Why not pa?" tugon ko. Tila mas lalo pang lumawak ang pagkakangiti niya at kumportable na ngang umupo ng maayos sa aking kama.

"Salamat nak, sorry kung nakaistorbo ako. Well i know, may kaharutan ka, pero i hope you understand." saad niya, "Well you know, quality time." dagdag niya pa sabay ngisi.

Hindi na bago saakin ang ganitong ganap sa tuwing malapit nang umalis si erpat, even si mom before ganito din. Naging okay naman lahat, tamang tanungan, kwentuhan, at syempre di mawawala yung asaran, pero sa kalagitnaan ng pag-uusap namin ay nabigla ako sa naopen ni erpat.

"Bantayan mo maigi ang lola mo. Na-open niya kase saakin kanina na, nung nakaraang araw daw ay naninikip yung dibdib niya. I asked her kung iniinom niya ba yung mga gamot niya, oo naman daw; hindi naman daw niya yun kinakalimutan." saad ni papa.

May sakit kase sa puso si Lola, and nung time na yun ilang months lang din ang nakalipas nung inoperahan siya ng angioplasty. Mabilis namang nakarecover si lola kase hindi matigas ang ulo, and base na rin siguro sa healthy lifestyle niya.  Pero bago pa man yun, ilang beses na din siyang inatake. Kaya ganon na lamang ako ka bantay sa kanya lalo na pag napanpansin kong weird ang kilos niya.

"Bale ito nga nak, kaya ko na-open sayo to, kase i just want to ask you kung may napapansin ka bang weird sa kilos ng lola mo these past few weeks? o nung hindi pa man ako nakakauwi dito sa pinas?" tanong ulit ni papa. Wala naman akong napansin na kakaiba, at sinabi ko rin naman lahat kay erpat kaya parang nabuhayan at nakampante siya. Medyo nawweirduhan ako sa kaniya sa mga oras na iyon.

Ilang oras din kaming nagusap, halos hindi namin namalayang alas otcho na ng gabi. "Biruin mo yun? Ang oras nga naman, sobrang bilis kapag hindi pinapansin." sabat ni papa habang ngisi.

"Btw, bumaba ka na doon. Binilhan kita nung brownies na paborito mo, sabi saken ni Nanay mamatay-matay ka daw doon nung nakaraang buwan pa."

Hindi na ako nagdalawang isip pa at agad na nagtungo sa baba upang mag hapunan. Hindi ko naman inaalis sa aking isipan ang oras at ang nakatakda kong gagawin mamaya. Habang kumakain sa lamesa, sinasabayan ko si erpat manood ng PBA. Sobrang intense ng laban rason para mapakain ako ng matagal, habang nakabaling ang atensyon sa t.v nabigla na lamang ako nang biglang nag vibrate ang cellphone ko na nakapatong sa tabi ng aking baso.

[Nasaan ka na? Sunduin pa ba kita?.] message mula kay Lerwick

Hindi ko na tinapos pa ang kinakain ko at  agad na tumakbo patungo sa aking kwarto, kinuha ko na lamang ang jacket na nakalapag sa upuan ko at agad na bumaba. Tila gulat na gulat naman sila habang pinagmamasdan ako, binilisan kong magsipilyo at agad na ininom ang natirang tubig na nasa aking baso.

"Umaabon ata? Saan ka naman pupunta Cacarl?" tanong ni Lola habang nakaupo at kumakain ng ubas na binili nila kanina

"La, court lang po. Sasaglit lang." tugon ko, at hindi na nagdalawang isip pang lumabas sa pinto. "Magdala ka ng payong! Baka mamaya umulan ng malakas!" sigaw ni papa.

Agad ko namang kinuha ang payong na nakalapag sa sahig ng garahe at tuluyan nang umalis. Mga dalawang minutong paglalakad din bago ka makarating sa court. Pagkarating, agad kong iniikot ang aking mata upang hanapin ang kinaroroonan ni Iwi. Mula sa di kalayuan tanaw ko ang naka hoodie na black na nakaupo sa sementong upuan na nakapwesto malapit sa mga halaman. Agad naman siyang sumenyas ng kaway, rason upang mapangiti ako.

Pagkalapit ay agad kong tinapik ang hita niya, pasenyas na pinapaurong ko siya upang makaupo din ako. Agad naman siyang umusog, nakakapagtaka dahil hindi bakas sa mukha niya ang tuwa, "Kamusta? Anong ganap natin diyan?" masigla kong tanong.

Nagulat na lamang ako nang bigla niya akong tignan ng seryoso. "Bakit sineen mo lang ako? Ilang araw ako nag chchat! Antay ako ng antay tapos makikita ko kanina nag seen ka lang, wala manlang maski ilang letrang reply?" seryosong niyang tanong. "siraulo ka talaga eh!" dagdag niya pa

Agad ko naman siyang tinawanan na ikinabigla niya. "Hindi, kase gago naka ignore message ka pala saakin." tugon ko sabay tawa.

"Ayos pala eh." sabat niya, bakas sa mukha niya ang pagkadismaya

Agad ko namang hinawakan ang balikat niya, "Sorry about doon, oo mali ko." pagpapaliwanag ko. 

"Sira ulo ok lang. Medyo nagtaka lang ako. Akala ko kase may galit ka saakin." tugon niya sabay tingin sa malayo

"Gago ang puta. Galit saan?" seryoso kong tanong habang natatawa

"W-wala." malamig niyang tugon. "Pahawak nga ulit sa kamay mo." dagdag niya pa sabay ngiti

Agad ko namang ikinabigla ang sinabi niya, alam kong hindi na bago para saakin na sabihin niya iyon. Pero sa mga sandaling iyon, ibang-iba ang pagbabato niya ng salitang iyon; tila may laman ang mga ito. Hindi ko napigilan ang sarili kong mapatingin sa malayo, kaming dalawa lamang ang tao sa court. Pinilit kong huminga ng malalim at agad na nag bato ng salita

"Iwi, ano na ba tayo?" seryoso kong tanong.

Bakas sa mukha niya ang pagkabigla, tanaw na tanaw kong nanlaki ang mga mata niyang singkit dahil mula sa aking kinauupuan ay kita ko ang mga mata niya at tila nakadilat ang mga ito ng bahagya. Hindi naman ganoon kadilim sa puwesto namin, dahil may mga ilaw din na nangagaling mula sa labas ng mga bahay na medyo malapit sa court rason upang maaninag namin ang isa't isa. 

"G-gusto ko lang maliwanagan. A-ano na ba tayo? P-para sayo a-ano ako? Kaibigan mo pa ba ako?" seryoso kong tanong.

Medyo nahihirapan akong huminga sa mga sandaling iyon dahil sa kaba. Bukod sa hindi ko alam kung bakit nagkaroon ako ng lakas ng loob na itanong sa kanya lahat ng iyon, hindi ko rin sukat akalain na kasama ko siya ulit ngayon. 

"P-pasensya. Masyado ba akong mabilis?" dagdag ko pa. Wala nang rason pa para saakin ang mahiya, dahil bukod sa dalawa lang naman kami ang nandoon; gustong-gusto ko na din magising at alamin ang katotohanan, upang hindi na ako mabagabag ng mga tanong at makatulog na din ng maayos tuwing gabi.

"Carl, alam kong mali pero.." hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya dahil muli akong nagbato ng tanong.

"Parehas na ba tayo ng nararamdaman? Kase Iwi, pakiramdam ko, sa ngayon hindi lang kita kaibigan. Pasensya kung hindi ko na natiis, sobrang hirap na kase magpanggap." tugon ko.

Medyo nauutal na akong magsalita, dahil sobrang bilis na din ng kabog ng dibdib ko. Pakiramdam ko sa mga oras na iyon ay napaka-selfish ko, dahil halos wala na para saakin kung maging negatibo man ang resulta ng pag-amin ko. Hindi ko na inisip pa ang lahat ng mga posibilidad na mangyayare pagkatapos ng gabing iyon.

"Hindi ko din alam kung paano at bakit eh, pero Lerwick. Higit na sa kaibigan ang tingin ko sayo." sabat ko.

"May gus.." hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang biglang sumabat si Iwi

"Gusto din kita Carl." sabat niya habang nakangiti.

Halos hindi ako makahinga dahil sa aking narinig. At upang maging klaro ay ibinaling ko ang aking atensyon sa kanya

"Matagal ko na yun napapansin sayo, pero ayokong lagyan ng malisya. Kase alam ko para sayo, kaibigan mo lang ako. At hindi tayo pupwedeng lumagpas pa doon." saad niya

"Sa loob ng ilang taon nating pagiging open sa isa't-isa halos wala nang bisa pa saatin ang salitang hiya. Hindi ko din alam kung bakit Carl, pero sobrang bilis lahat para saakin. Nung nagtagaytay tayo, nagbakasakali akong umamin. Kaso pinangunahan ako ng takot." sabat niya.

"Pero nilakasan ko naman ang loob ko, remember i asked you kung gusto mo ako. Pero sabi mo bilang kaibigan at kapatid lang." dagdag niya pa.

Hindi ko na alam ang sasabihin ko sa mga sandaling iyon, halo-halo ang nararamdaman ko. Tuwa, dahil nalaman ko na ang sagot sa katanungan ko. Saya, dahil nalaman kong gusto niya rin ako. Takot, dahil alam kong isang malaking pagsubok ang haharapin namin dahil dito.   Nagising ako sa pagkakatulala nang hawakan niya ang kamay ko.

"Okay lang ba sayo kung bubuo tayo ng relasyon?" seryoso niyang tanong. Tinignan ko siya ng seryoso, agad din naman akong gumanti sa pagkakahawak niya at mas hinigpitan ko pa iyon.

"Hey, look! alam mo wag tayong magmadali. Ang pagpasok sa isang relasyon ay pinag-iisipan ng mabuti." pagpapaliwanag ko. "Easyhan muna natin, pag-isipan natin ng mabuti lahat; ngayon kung klaro at okay na, doon na  tayo sumabak." dagdag ko pa.

Bakas sa mukha niya ang tuwa kahit seryoso siya. Tanaw sa kanyang mga mata ang pagkaseryoso. "Hindi naman kita minamadali, gusto ko lang malaman kung willing ka. Para sureball na agad diba?" kampante niyang tugon habang nakangiti 

Agad naman akong natawa sa rason niya, "Tangina kontrata kumbaga?" pangaasar kong tanong. Agad naman siyang tumango kasabay ng matatamis na ngiti.

"Siraulo ka talaga" tugon ko sabay bigwas sa braso niya.

"Aray ko naman" angal niya habang natawa sabay himas sa braso

Tila hindi na magkandamayaw ang mata niya at halos nakaguhit nanaman ang mga ito. Mas lalo kong nakita ang pag-usbong ng mukha niya na mas-ikinagulat ko. Dahil sa loob ng ilang taon naming magkasama, hindi ko sukat akalain na mayroon pa pala siyang mas nakakahulog na ngiti.

"So kailan mo ako sasagutin? Bahala ka pag ako nakuha pa ng iba. Sige ka ikaw din." sabat niya habang nakatingala at tila nangongonsensiya. Agad naman akong tumayo at nag practice mag shooting kahit walang bola.

"Talunin mo muna ako 1v1 sa basketball!!" pangaasar ko. Bigla namang nagsalubong ang kilay niya at agad na tumingin saakin.

"Saka ka na mag yabang kapag, hindi na sablay mga pasa mo saakin." tugon niya

"Ikaw lang naman may problema eh, masyado ka kaseng mabagal parang tuleg." sabat ko. Nagulat na lamang ako ng tumahimik siya at tumitig saakin ng seryoso.

"Oh bakit?" seryoso kong tanong habang nakatitig din sa kaniya.

"Halika ka nga dito, payakap saglit." malambing niyang utos.

Hindi na ako nag dalawang isip pa at agad na lumapit sa kinaroroonan niya, nabigla na lamang ako nang yakapin niya ng mahigpit ang katawan ko rason para mapangiti ako ng todo. Nakalapat ang kanyang pisngi sa aking tiyan, at dahil doon ramdam na ramdam ko ang yakap niyang sobrang higpit. Binawian ko din naman ang pagkakayakap niya at inalapat ang aking kamay sa kaniyang balikat.

"Ngayon na kaya tayo mag 1v1? Wala namang tao oh." masigla niyang tanong habang nakayakap parin saakin. Hindi ko naman napigilan ang aking sarili na batukan siya dahil sa nakakatuwa niyang tanong,

"Tuleg ka talaga eh. Kita mong basa yung court." angal ko habang nagpipigil ng tawa.

Hindi magkandamayaw ang puso ko sa saya. Dahil ngayon ay mas klaro at malinaw na ang lahat, tila mas malinaw pa sa tubig na iniinom ko kanina bago kami magkita. Ilang minuto pa ang lumipas ay bumuhos na din ang malalaking patak ng ulan rason para magmadali kaming umuwi. Malapit lang ang bahay nila Iwi sa court kaya napagdesisyunan naming doon na lamang mag patila ng ulan.

(Nga pala, hindi ko pa naoopen sa inyo kung anong itsura ng bahay nila Iwi. Madalas kase talagang tambayan yung bahay namin, hindi ko din alam ang pinaka rason kung bakit hahaha)

Well, tatlong palapag din bahay nila. And since isa lang siyang anak, kwarto niya lahat yung 3rd floor hahahaha. Mahilig magtravel si tita kaya mapapansin mo talagang puro mga imported yung ilan sa mga gamit nila, maski mga figurines. Medyo minimalist dating nung bahay nila, parang modern kumbaga. Meron kase silang tatlong iba't-ibang business na pinapatakbo at si tito lahat nagmamanage nun, kaya masasabi ko talagang mas may kaya tong gagong to kesa sakin hahaha.

Simula nung nag Jr. High School kami ni Iwi, bihira na lang niya ako ayain o bihira lang din ako pumunta sa bahay nila. Mas dama daw niya kase niyang tumambay o pumirmi sa bahay kumpara mag stay sa kanila, hindi ko rin naman siya masisisi siguro dahil nadin madalas na wala sila tita at tito kaya ganoon.

Pagkapasok na pagkapasok sa bahay ay sinalubong kami ni potpot, yung aso nilang golden retriever. Ilang buwan ko din di nakita si pot kaya di talaga ako nag dalawang isip na makipagharutan dito. "Lalong tumaba si Pot ah" saad ko

"Sobrang takaw kase eh." tugon niya habang tinutupi ang payong na dala ko

Hinubad ni Iwi yung hoodie niya at inilapag ito sa sofa, gayon din naman ako.   Agad siyang nag tungo sa kusina para kumuha ng tubig, "Psst! Cacarl, andito yung tubig sa mesa ah. Mag ccr lang ako." sabat niya.

Tumayo na din ako sa pagkakaupo at nagtungo din sa kusina para uminom. Tila nagulat ako nang may biglang nagsalita mula sa hagdan, si Tita.

 "Cacarl!! Oh my God. How are you na?" masiglang tanong ni tita habang papalapit saakin. Agad ko namang ininom ang tubig at agad ding ipinatong ang baso sa island counter.

Hindi ko expected na nandoon pala si tita, nasanay kase siguro ako na wala siya doon sa tuwing pumupunta ako. Matagal-tagal din kaming hindi nagkita ni Tita, dahilan para makaramdam ako ng pagkahiya at kaba. 

Sinalubong ako ni tita ng yakap rason kaya medyo nakaramdam din ako ng pagka-ilang. "Bakit ngayon ka lang bumisita dito? Nakakatampo ka ha." seryoso niyang tanong habang nakabusangot

"Tita, K-kase po bibihira lang din ako palabasin ni Dad." pautal-utal kong tugon

"Really?! Si Lito? When pa siya umuwi?" tanong niya.

"Mag O-one month na din po siya dito sa pinas." tugon ko

Hindi ako makatingin ng diretso kay tita kase medyo nakakaramdam ako ng hiya. Btw yes, sobrang bait ng mama ni Iwi; Naalala ko before nagselos saakin si Lerwick kase mas close pa kami ni tita kumpara sa kanya. May pagkatarantado kase nung bata si Lerwick, kapag trip ka niyang paiyakin papaiyakin ka talaga.

"Look at you! Ang laki mo na!" sabat ni tita habang nakahawak sa braso ko. "Grabe, time really flies so fast! Parang dati lang lalapit ka saakin para magsumbong kase hindi ka pinahiram
ni Iwi ng Gameboy." dagdag niya pa habang nakangisi

Hindi ko mapigilang lumingon kaliwa't kanan upang hanapin ang anino ni Iwi, halos hindi ko na din kase alam ang isasagot ko sa walang katapusang tanong ni Tita.

"Tara na sa kwarto ko Cacarl." sabat ni Iwi. Tila nakahinga naman ako ng malalim nung marinig ang boses ni Iwi.

"Oh, wait. Nag dinner na ba kayo?" tanong ni tita.

Hindi ko naman napigilan ang sariling matuwa, dahil hindi ko naramdamang nag-iba ang pakikitungo saakin ni tita.  Ramdam na ramdam ko parin kung paano niya kami i-babied before.

"Tapos na po ako." tugon ko. Akmang magsasalita pa sana si tita nang biglang sumabat ulit si Lerwick.

"Busog ako Ma. Later nalang." nagpatuloy nang umakyat si Iwi sa taas, at agad din naman akong nag excuse kay tita para sumunod paakyat. "Don't hesitate to grab some plate in case na magutom kayo okay!" sigaw ni tita habang nakangiti.

Pagkarating sa kwarto ni Iwi, hindi ko napigilang mapahinga ng malalim. "Grabe, parang miss na miss ako ni Tita." saad ko sabay upo sa kama. "Hindi mo daw kase siya dinadalaw." sabat ni Iwi in a sarcastic way. "Gusto mo mag palit ng tshirt?" tanong niya.

Umiling nalang ako at tuluyan na ngang humiga. Habang nakatingin sa kisame hindi ko lubos maisip kung bakit muling nanumbalik sa aking isipan lahat ng ganap sa court kanina gayon din lahat ng sinabi saakin ni erpat ilang oras ang nakakalipas. Ibinaling ko ang tingin ko kay Iwi na nakatalikod saakin at nakaharap sa kanyang aparador.

Hindi ko napigilang mapalunok nang bigla niyang hubarin ang tshirt na suot-suot niya rason para ibalik ko ang pagkakatingin ko sa kisame. Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng ganito, eh simula't sapul naman ay hindi na bago saakin ang makita siyang walang pang-itaas. "Ang lakas pa rin ng ulan noh." sabat niya sabay bukas ng aparador

"A-ah. Onga eh." malamig kong tugon sabay upo.

Ipinatong ko ang aking mga braso sa aking tuhod, at mula sa aking kinauupuan ay pinagmasdan ko ang sabay sabay na pagbagsak ng ulan. Dahil nasa 3rd floor ang kwarto ni Iwi, pinapalibutan ito ng naglalakihang binta rason para matanaw mo ang view mula sa labas. Masyadong maliwanag ang ilaw na nangagaling sa poste ng meralco at iyon ang dahilan kung bakit visible na visible ang bawat patak ng ulan. Hindi ko alam kung bakit kahit gaano ka kasaya'y nagagawa ng ulan na iparamdam sayo ang kalungkutan.

Habang nakatingin sa malayo nagising na lamang ako sa pagkakatulala nang agad siyang umupo mula sa aking likuran. "Hey, Are you okay?" tanong niya

"Yes boss." tugon ko sabay tawa para di niya mahalatang nakakaramdam ako ng lungkot.

Habang nakaupo, tila naputol ang aking paghinga nang bigla niyang ipasok ang kaliwa niyang kamay sa pagitan ng braso at katawan ko rason para mayakap ako. "Are you sure? Im willing to listen." bulong niya. Naisin ko mang magkwento ngunit ayokong magpadala sa kalungkutan. Nais kong maging positibo sa mga oras na iyon, kaya pinilit ko na lamang humanap ng rason upang maalis ang awkwardness.

Ramdam kong mas lalong humigpit ang pagkakayakap niya saakin na para bang nais niyang magdikit ang katawan namin. Hindi naman na ako nanlaban pa at tuluyan na din umurong. Hinawakan ko ang kaliwang kamay niyang nakayakap saaking beywang nang sa gayon ay maramdaman niyang hindi ako naiilang sa ginagawa niya. "So kailan tayo mag 1v1?" pangaasar niyang tanong habang nagpipigil ng tawa.

"Hindi na kailangan." tugon ko. Napansin kong ilang segundo siyang natahimik dahil tanging paghinga niya lamang ang aking naramdaman, dahilan upang lingunin ko siya. Bakas sa mukha niya ang tuwa at para bang pinipigilan niya ito. "P-paanong hindi na kailangan?" tanong niya. Ngiti na lamang ang naitugon ko sa tanong niya dahil hindi ko na din mapigilan ang aking sarili dulot ng aking nararamdaman.

"Wait, so tayo na?" seryoso niyang tanong

"G na ako boss." tugon ko sabay ngiti

Halos hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko sa mga sandaling iyon, para akong nakasakay sa roller coaster na tanging ahon at baba lamang ang dinadaanan. Tanaw ko sa mukha ni Iwi ang galak at saya sa mga oras na yun, rason upang mapatunayan ko sa sarili ko na totoo nga ang nararamdaman niya para saakin. Ilang sandali pa at hindi na nga siya nakapag-pigil pa, agad niya akong hinalikan sa noo na ikanagulat ko ng husto at kasabay nito ang pagyakap niya saakin ng sobrang higpit rason upang mapahiga kami pareho sa kama.

Sandaling natahimik ang kapaligiran at tanging patak lamang ng mga ulan na nanggagaling sa labas ang tanging nangingibabaw. Habang nakalapat ang aking katawan sa kama, siya nama'y nakapatong saakin; tila parehas kaming nagpapakiramdaman at nagsasalitan sa malalalim na paghinga.

Habang nakatungkod ang dalawang niyang kamay, seryoso siyang nakatitig saaking mga mata at gayon din ako. Ramdam ko ang maiinit niyang paghinga na dumadampi sa aking mukha. Sobrang bilis nang kabog ng puso ko at ramdam ko ang kuryenteng dahan-dahan na dumadaloy mula saaking paa paangat sa aking katawan. Sobrang aliwalas ng mukha niya, para bang ibang Lerwick ang nasa harapan ko ngayon.

"Yakapin mo ako." marahan niyang bulong rason upang magtayuan ang aking mga balahibo

Hindi ko alam kung bakit hinang-hina ako sa mga sandaling iyon. Tila nanlalambot na ang aking mga kamay at paa, at sobrang nagiinit na ang pagitan ng aking mga mata.

"Ayaw mo ba akong yakapin?" mahina niyang tanong at bakas sa tono ng pananalita niya ang lungkot.

Hindi na ako mag alinlangan pa at agad ko na nga siyang niyakap. Naka-jersey siya nung oras na yun, kaya amoy na amoy ko ang axe spray niyang nangingibabaw. Ilang sandali pa at tuluyan na ngang nagdikit ang aming mga katawan sa pangalawang pagkakataon. Nakalapat na ang mga braso niya sa kama habang ako'y patuloy parin nakayakap sa kanya. Nakaramdam ako ng pagkailang ng isiniksik niya ang mukha niya mula sa aking leeg.

Imbis na kumalas ay ipinikit ko na lamang ang aking mga mata at pinilit na tiisin ito.

"I love you Carl." bulong niya

Agad kong inialis ang mukha niya mula sa aking leeg at muli itong tinitigan.

"I love you too Lerwick." tugon ko

Dito na tuluyang bumagsak ang sensasyong kanina pa namin pinipigilan. Hindi na nagdalawang isip pa si Iwi na sunggaban ako ng sunod-sunod na maiinit na halik, pinilit niyang hubarin ang kanyang jersey habang tuloy-tuloy na nag sasalitan ang aming mga labi.

Tila naghahabol na ako ng hininga dahil sa aking nararamdaman. Ilang saglit pa at tinulungan niya akong alisin ang aking pangitaas, pagtanggal ng aking tshirt ay hindi siya nag alinlangang halikan ang aking katawan rason upang mapaungol ako ng mahina. Sobrang nagugulat ako sa inaasta niya dahil ramdam ko ang kaniyang pagkasabik. Sobrang init na ng katawan niya at gayon din ang sa akin, muli niyang idinikit ang kanyang katawan sa akin para mahalikan ang mga labi ko muli.

Hindi ko na mapiglang mapalunok dahil tuluyan na ngang nagdikit ang aming burat. Masasabi kong gising na gising na rin ang sa kanya dahil parang bakal na ito sa sobrang tigas. Habang patuloy niyang nilalaplap ang aking mga labi ay bigla niyang inilapat ang aking mga kamay sa aking uluhan at hinawakan ito ng mahigpit; maya-maya'y dahan dahan niyang ikinikiskis ang kanyang alaga sa alaga ko dahilan para mapaungol muli ako sa pangalawang pagkakataon. Tuloy-tuloy niyang ginawa iyon habang walang sawa niyang nilalaplap ang aking dibdib pati na rin ang aking kili-kili na ikinagulat ko.

Hindi magkandamayaw sa tuwa ang aking puso, habang tuloy-tuloy niyang nililibot ang aking katawan gamit ang kaniyang labi ay hindi ko napigilang mapaluha. Hindi ko rin alam ang eksaktong rason kung bakit; siguro dahil sa galak? o baka dahil sa takot?

Ilang saglit pa, agad din naman niyang napansin ang mga luhang nanliligid aking mga mata.

"Wtf?! Hey what happened?" nagaalala niyang tanong.

Agad ko namang ikinalas ang kanan kong kamay upang punasan ang mga ito. "Carl tell me please, what's the matter?" seryoso niyang tanong

Idinaan ko na lamang sa tawa ang sagot upang hindi masira ang momentum na nagawa namin. Pero parang hindi parin siya nakumbinsi rito, kaya agad siyang umupo at gayon din ako. Bakas sa mukha niya ang pagtataka at pagaalala,

"Tumingin ka nga saakin." seryoso niyang utos. Agad ko din namang sinunod iyon

"Now tell me anong problema? Bakit ka umiiyak?" dagdag niya pa

Huminga naman ako ng malalim at tumitig sa kanya. "Sorry kung naputol ko yung ganap. Hindi ko din alam, siguro tears of joy?" tugon ko sabay pinilit na tumawa

Hindi naman niya napigilang mapangiti, pero bakas pa rin sa mukha niyang hindi parin siya kuntento sa aking paliwanag. "Well nice try, but hindi ako naniniwala na tears of joy lang yan" sabat niya habang seryoso paring nakatingin saakin.


"Hindi ko din alam. Basta ang alam ko masaya ako. Masaya ako sa kung anong ginagawa natin ngayon." tugon ko

"Masaya o natatakot?" tanong niya.

Tila natahimik naman ako sa nasabi niya, hindi na sana ako magsasalita pa pero kita ko sa reaksyon niya na may hinihintay siyang salita mula saakin.

"Natatakot ka kase baka minahal lang kita dahil sa ganito?" tanong niya. "Dahil sa libog?" dagdag niya pa

Tanging pagyuko na lamang ang nagawa ko. Nagulat na lamang ako nang bigla niyang suotin ang jersey niya at agad din niyang kinuha ang tshirt ko na nasa tabi ng unan niya.

"Halika ka dito, suotin mo na to." utos niya

Dahil sa pagkabigla ay napatingin ako sa kanya. Wala na akong nagawa pa dahil tinulungan niya akong isuot ang aking pang-itaas, pagkatapos ay muli kong ibinaling ang tingin sa kanya. Pinagmasdan ko ang mukha niya ng maigi at inobserbahan kung galit ba siya saakin o dismayado.

Bigla siyang tumingin saakin ng seryoso, at bakas sa mata niyang tila naluluha din siya. "Kung iniisip mong minahal kita dahil sa libog nagkakamali ka. Tatandaan mo yan." madiin niyang sabat sabay halik sa noo ko rason para isandal ko sa kanya ng tuluyan ang aking katawan. 

"Sorry kung masyado akong nadala kanina ha." dagdag niya pa. "Sorry din kung masyado akong naging mabilis. Alam kong hindi ngayon ang tamang oras para dito, o para sa ganito.."

Magsasalita pa sana siya nang agad akong sumabat.

"Wag ka mag-sorry. Parehas naman nating gusto ang ganap na iyon. Sadyang nabigla lang siguro ako, hindi ko kase lubos maisip na ginagawa ko na ang ganitong bagay kasama ka." pagpapaliwanag ko

"Pero huwag mo na sanang isipin na ginusto kita dahil sa libog. Sa loob ng ilang taon natin naging mag-kaibigan, sigurado naman akong ramdam mong totoo lahat ng ipinaramdam ko sayong pagmamahal." saad niya.

"At ngayon, handa akong mag looking forward para sa relasyon natin. Alam kong medyo kakaiba ito kumpara sa relasyong hinarap natin noon, pero willing ako dahil hindi ka na rin naman iba saakin." dagdag niya pa

Hindi na ako nagbitaw pa ng salita at agad siyang niyakap. Agad din naman siyang bumawi sa pagkakayakap ko at mabilis akong hinalikan sa leeg.

"I love you Boss." saad niya habang nakangiti

"I love you t.."

Hindi na natapos pa ang sasabihin ko dahil parehas kaming nabigla nang agad na kumatok si Tita sa pinto. Tila parehas nanlaki ang aming mga mata nang makitang umikot ang doorknob at marealized na hindi pala ito nakalock. Bago pa man tuluyan na mabuksan ni Tita ang pinto ay mabilis kaming kumalas sa isa't isa.

"Iwi? Dito ba si Cacarl matutulog?" tanong ni tita at tila nabigla nang makitang nakaupo ako sa kama.

"Oh, gising pa pala si Cacarl eh. Come here nak, may sasabihin ako bilis" utos ni tita.

Nakaramdam na ako ng kaba at takot, halos sabay-sabay din ang pagpasok ng mga negatibong katanungan sa utak ko sa mga oras na iyon. "T-tawag ka ni Mom." pautal-utal na sabat ni Iwi

Halos hindi ko maihakbang sa sahig ang mga paa ko. "T-teka. Gago hindi ko pala nalock yung pinto." saad ko

"Muntikan na tayo! Tuleg ka kasi." sabat niya. "Bilisan mo na gago hinihintay ka na non." tugon ni Iwi sabay kamot sa ulo.

Pinilit kong tumayo at sumunod sa kinaroroonan ni Tita. Pagkalabas ng kwarto'y sinalubong ako ni Tita ng isang abot teyna na ngiti na ikinagulat ko.

"Nak, Are you free tomorrow?" masigla niyang tanong.

Sobrang hindi ko alam ang isasagot ko sa tanong niya. Lalo na't wala ako sa wisyo sa mga sandaling iyon, "F-free po saan?" pautal-utal kong tugon sabay ngisi

"Gusto sana kitang isama bukas. May kikitain kase si Tito June mo sa Baguio about sa business. And since matagal-tagal na din kaming hindi nagkakaroon ng quality time, napagdesisyunan ni Tito mo na isama kami ni Iwi." pagpapaliwanag ni Tita habang nakahawak ang isang kamay sa terrace malapit sa hagdan.

"Nakakahiya naman po tita," tugon ko sabay ngisi. "H-hindi niyo naman na po ako kailangang isama." dagdag ko pa habang nagkakamot ng balikat.

Ikinabigla ko naman ng muli niya akong hawakan sa balikat, "Hindi ka naman na iba saamin nak. I remember, last na gala namin kasama ka around 2013 pa; and hindi na yun nasundan." saad niya habang nakabusangot.

Hindi ko na alam kung anong isasagot ko sa mga oras na iyon, dahil iniisip ko rin kung papayagan ba ako ni Papa dahil ilang araw nalang din naman siyang mag-iistay dito sa pinas. Habang nakatingin kay tita, tila nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang aking pisnge at titigan ang aking mga mata ng seryoso.

"Wait? Anong nangyare sa mata mo nak? Bakit namumula yan?" nagaalala niyang tanong. Nagmadali siyang pumunta sa kwarto ni Iwi para tanungin kung anong nangyare.

Akmang magsasalita pa sana ako nang makita kong namumula din ang mata ni Lerwick. Doon ko na lamang napagtanto na siguro dala ito ng init na parehas naming nadarama kanina. Medyo nakahinga naman ako ng maluwag dahil napawi lahat ng pag-aalala ko na baka nakita ni tita kung ano ang ginawa namin kanina.

"Lerwick? Anong nangyare sa mga mata niyo?" seryosong tanong ni tita at tila alalang-alala siya, mahahalata mo ito sa punto ng pananalita niya.

Hindi ko na alam ang sasabihin ko. Habang seryosong sumesenyas kay Iwi; nagulat nalang ako nang bigla siyang tumawa, na siyang ipinagtaka ko gayon din naman si Tita.

"Na-siko ko kase yung M-mata niya ma, edi para kwitz H-hinayaan ko siyang gumanti. Siniko niya rin ako sa mata" rason ni Iwi sabay bitaw ng mga pekeng tawa.

Napakagago ng rason niyang yun dahil mahahalata mo sa kanyang gumaganap lang siya, pero tanaw naman sa reaksyon ni tita na naniniwala siya sa rason ni Iwi.

"Oh c'mon! Hindi na kayo mga bata. Stop Horse playing!" madiin na paalala ni tita

"P-pasensya po." sabat ko sabay yuko

Tanging pag tapik lamang sa balikat ang itinugon saakin ni Tita, "Hey Iwi, mag ayos ka na ng mga dadalhin mo bukas." utos ni tita

"Wait, why?" seryosong tanong ni Iwi

"Mag oout of town tayo sabi ng daddy. Mag-ayos ka na." sabat ni tita

"No way! Hindi ako sasama." sigaw ni Iwi

Medyo kinabahan ako nang makitang nagsalubong ang kilay ni Iwi.

"Okay dito ka lang ha. Panindigan mo yan!  Carl mag prep ka na ng mga dadalhin mo bukas. Ako na kakausap kay Lito about it" sabat ni tita

Tanaw ko sa reaksyon ni Iwi ang pagkabigla, rason para tignan niya ako. "S-sama ka?" tanong ni Iwi habang nakatingin saakin at tila hinihintay ang isasagot ko.

"Yes sasama siya kaya kung ako sayo mag prepare ka na. 3am tayo aalis bukas. Its now or never Lerwick!!" sigaw ni tita sabay labas sa kwarto.

Halos hindi pa rin magsync-in sa utak ko lahat ng sinabi ni tita. Ayokong magpakasigurado at sumagot ng Oo, dahil ayokong umasa si Iwi.

"Wait, para klaro. Hindi pa alam ni erpat na gusto akong isama ni Tita pa baguio. Now, i ain't sure kung papayagan ako ni erpat kase ilang araw nalang balik U.S na siya." pagpapaliwanag ko, "Ayokong mag salita ng agad-agad kase baka mamaya umasa ka tapos hindi naman ako payagan." dagdag ko pa.

Kita sa mukha niya ang pagkadismaya rason para tabihan ko siyang maupo sa kama. "Uy? Are you mad?" tanong ko.

Agad niya namang hinawakan ang mga kamay ko at agad na nagsalita.

"No. Sino may sabing galit ako?" tugon niya sabay ngiti

Hindi naman ako nakapagpigil at napingiti din ng todo dahil sa ginawa niya. Sa kalagitnaan ng pagmumuni-muni namin napabitaw na lamang ako nang marinig ang boses ni Tita na nag mamadaling umakyat papunta sa kwarto ni Iwi.

"Damn!! Si mama talaga." pabulong na reklamo ni Iwi

Agad akong tumayo para salubungin si Tita. Mula sa di kalayuan ay tanaw ko na siyang nagmamadaling maglakad papunta sa aking kinatatayuan habang may bitbit na isang baso ng kape.

"Okay na ang lahat Cacarl. Ihahatid nalang daw ni Jenny yung mga stuff mo here later kapag medyo tumila na ang ulan." masiglang niyang sabat habang abot teynga ang ngiti.

"P-pumayag na po si Papa Tita?" tanong ko

Tanging pag tango na lamang ang sinagot saakin ni tita at hindi parin maalis ang mga matatamis na ngiti mula sa kanyang labi. Sobrang nakakatuwa dahil, pakiramdam ko'y miyembro talaga ako ng pamilya ito. Simula't sapul, never talaga nilang pinaramdam saakin na iba ako; since lumaki ako na malayo sa mga magulang, parang naging pangalawang magulang ko na din sina Tita at Tito kaya siguro ganoon na lamang kalapit ang loob ko sa kanila.

"Guys wag na magpupuyat okay? 10pm na, remember 3am tayo aalis bukas." sabat niya. "Pauwi na daw ang daddy mo Iwi, kaya matulog na kayo bago pa siya dumating." dagdag pa niya

Hindi ko maiwasang mapatingin kay Iwi na  ganoon ding abot teynga ang ngiti at tila halos mapunit na ang mga labi.

"Before i leave you two. Iwi, 3am. Mag alarm okay? Mag prepare ka na. Ciao!" saad ni tita at tuluyan na ngang lumabas ng kwarto.

No comments:

Post a Comment