By: Carl
Pumiglas ako sa pagkakayakap niya. "Kilala kita Lerwick. Hindi mo na kailangang mag-lihim pa, maiintindihan naman kita. Basta sabihin mo lang ang totoo, H-hindi mo kailangang magsinungaling para lang sa mararamdaman ko." saad ko.
Hinayaan niya naman akong kumalas sa pagkakayakap at nanatiling nakatayo habang tinitignan akong maupo sa sofa. Sandali akong umupo at yumuko habang inilagay ang dalawang kamay sa aking mukha. Hinihintay ko siyang kumibo, at dahil wala siyang imik agad ko siyang tinignan.
Nakatayo parin siya ng tuwid sa harapan ko at nakatingin saakin, kita sa muka niya ang pagkadismaya at tanaw din sa mga mata niya ang lungkot at pagtataka. Nakaramdam naman ako ng kirot sa dibdib, at pinilit na alalahanin lahat ng mga salitang binitawan ko.
"Ganyan ka na ba talaga saakin Carl?" saad niya habang nanginginig ang boses.
Nagguilty ako sa mga oras na iyon dahil hindi ako sanay na makita siyang ganon. Mabilis akong tumayo upang magpaliwag,
"Iwi hindi naman sa ganon, ang gusto ko lang ay aminin mo saakin kung ano ang totoo. W-wala kang dapat itago, K-kaibigan mo.." tatapusin ko pa sana ang sasabihin ko ng bigla siyang umalis sa harapan ko.
Kinuha niya ang susi ng kotse niyang nakapatong sa coffee table at nagmadaling lisanin ang kwarto. Hindi naman ako nagdalawang isip na habulin siya papalabas, agad siyang dumiretso sa elevator hindi niya na ako hinintay na makasakay pa. Naisipan kong gamitin ang hagdan sa sinundang palapag dahil akala ko'y masusubukan kong mahabol ang elevator ngunit nabigo ako. Kahit ramdam ko pa ang pagkahilo, isinantabi ko nalang muna ito. Wala akong choice dahil nasa mataas na floor kami, pinilit ko na lamang maghintay sa pangalawang elevator. Pagkarating sa baba tanaw ko siyang naglalakad ng mabilis sa parking lot.
"Lerwick!!" sigaw ko.
Wala na akong rason pa upang mahiya sa mga oras na iyon. Ang nais ko lamang mangyare ay ang mahabol at mapigilan siya. Wala namang gaanong tao sa parking lot dahil anong oras na iyon. Isinigaw ko ulit ang pangalan niya sa pangalawang pagkakataon. At nagtagumpay naman ako, dahil huminto siya. Agad akong lumapit sa kanya.
"Ano ba?! Kausapin mo nga ako!" madiin kong utos.
Pinindot niya ang susi ng kotse nya dahilan kaya nag-unlocked ito. Akmang sasakay na siya nang hawakan ko ang balikat niya. "Iwi, sige nanaman. Kausapin mo muna ako." pagsusumamo ko.
Para saakin iyon na ang pinakamatinding ganap na dinanas ko, dahil bukod sa may tama ako, halo-halo pa ang emosyong naramdaman ko. "Para saan? Kakausapin kita hindi mo rin naman ako papaniwalaan." tugon niya habang nakatingin sa malayo.
"No! Naniniwala ako sayo! Trust me!" sabat ko. At para mas lalo ko siyang makumbinsi hinawakan ko ang kamay niya. "Naniniwala ako sayo Iwi! Sana maniwala ka din saakin. Please.." dagdag ko pa.
Agad naman siyang tumingin saakin, "Sumakay ka sa kotse!" utos niya. Mag-aalangan pa sana ako dahil naka-boxer shorts lang ako, ngunit wala akong nagawa. Kaya sinunod ko na lamang ang utos niya. Nang makasakay na kaming dalawa sa kotse, hindi matigil sa kabog ang dibdib ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa kasama ko si Iwi, o di naman kaya dahil alam kong delikado para sa kanya ang magmaneho since nakainom kami pareho. Ini-start niya na ang engine at nagpatuloy na sa pagddrive. "H-hindi pa ako marunong mag d-drive" saad ko habang pinapakiramdaman ang pagmamaneho niya.
Wala naman siyang imik at patuloy parin sa pagddrive. Halatang kalmado naman siya at pansin ko ring sakto lang ang takbo ng kotse. "S-saan ba tayo pupunta?" tanong ko. Ilang segundo din bago siya sumagot.
"Magkakape upang maliwanagan." malamig niyang sagot.
Matagal-tagal din siyang nag maneho, patungo sa lugar kung saan kami mag kakape. Nabigla ako nang lagpasan namin ang rotonda, "S-saan mo ba balak mag kape?" tanong ko ulit. Hindi niya na sinagot ang tanong ko at nagfocus na lamang sa pagmamaneho. Mga ilang distansya pa ang layo, tanaw ko ang sign ng isang kilalang coffeeshop - ang Starbucks. Nang makarating humanap siya ng malapit-lapit na parkingan. Medyo pababa ang style ng store, kumbaga parang underground. Sobrang lakas ng dating nito para saakin; dahil bukod sa malupet ang exterior ng shop, napaka-perfect din ng spot.
"O ano na? Tara baba!" utos niya. Hindi naman ako makakilos at nagdadalawang isip kung bababa ako, dahil hindi ako kumportable sa suot ko. "H-Ha?" tanong ko.
"Ang sabi ko bumaba na tayo!" tugon niya.
Marami-rami din ang tao nung time na yon, at masasabi mong galing din sa gimik ang iba. Iniikot ko ang tingin ko mula sa kotse patungo sa store, at bigla akong nakaramdam ng hiya. "A-ano, H-hintayin nalang kita dito." sabat ko.
Agad naman akong nagulat nung bigla siyang ngumisi habang nakatingin sa boxer short na suot ko. Naisin ko mang magalit ngunit hindi ako makaramdam ng pagkainis, bagkus natawa rin ako sa katangahanang ginawa ko. "Tangina naman kase! Bakit kase ganyan lang suot mo?" sabat niya habang patuloy na ngumingisi.
"Kingina mo, parang kasalanan ko pa to ah. Tangina ikaw ang nagpahabol-habol diyan, tapos..." dudugtungan ko pa sana ang sasabihin ko pero nagulat ako dahil pwersado niyang inaalis ang belt nya.
"O-oh?! Ano nanamang plano mo?" tanong ko. Tila napalunok ako sa ginagawa niya. Tumingin siya saakin habang patuloy na inaalis ang butones ng pantalon niyang maong.
"Puta edi mag bboxer short din! Aba syempre hindi puwedeng ikaw lang ang pagtitinginan dito." tugon niya. Napalitan naman ng tuwa ang kahihiyang nararamdaman ko, pagkahubad na pagkahubad ng pantalon niya ay agad siyang lumabas sa kotse.
"TARA NA!!" panghihikayat niya. Hindi na ako nagfocus pa sa kahihiyan at naglakas loob na ding lumabas ng kotse. Habang papalapit sa entrance, alam kong saamin nakatutok ang atensyon ng mga customers na nandodoon. Medyo nakakailang, dahil may ilang grupo ng magbabarkadang nakatingin saamin at tila nag sesenyasan, apat na babae at dalawang lalaki. Parang sayang-saya sila sa nakikita nila ngayon. Rason kaya tinignan ko ang reaksyon ni Iwi kung nakakaramdam din ba siya ng pagkailang at hiya ngunit sobrang natuwa ako sa inasta niya dahil tila wala talaga siyang pakealam sa paligid niya. Magkasalubong nanaman ang kilay niya habang naglalakad patungo sa counter, at dahil nakakahawa ang enerhiyang ipinapakita niya, ginawa ko nalang din kung ano ang dapat gawin hahaha. "Ano ba sayo? Frappé?" tanong niya saken habang nakangiti.
"No, espresso." agad naman siyang umorder. Everytime na nag eespresso kami automatic na talagang Caramel Macchiato ang binibili namin. Habang hinihintay ang order namin, sumilip muna ako sa mga cake na nakalagay sa cake fridge. "Yung favorite mong cookies oh." turo niya habang nakangisi.
Agad niyang kinuha ang wallet niya at muling lumapit sa cashier, "Excuse me miss, kunin ko na din yung last piece ng dark chocolate macadamia." hindi na niya natapos ang pagsasalita ng sumabat ang cashier na tila nag-aalangan sa isasagot. Pansin kong nakatingin din sa kanya ang lalaking sumunod saamin.
"Ay sir sorry po, nauna na po kase si sir sa dark chocolate macadamia cookie. Ahm, would you like to try blueberry cheesecake po?" tanong ng cashier kay Iwi. Umiling na lamang si Iwi at nagpasalamat. Bumalik si Iwi sa kinaroroonan ko,
"Im sorry Cacarl, bibilhin ko sana yung cookie para sayo." sabat niya
Natuwa naman ako sa sinabi niya, "Okay lang yon, bukas na lang tayo kumain niyan pag-uwi." rason ko para maenlighthen ang mood niya. Agad naman napalitan ng ngiti ang pag-aalala niya na baka umasa ako hahaha. Pero hindi naman bigdeal para saakin, dahil talagang kape lang ang sadya ko sa mga sandaling iyon.
"Drinks for Lerwick and Carl" sigaw ng baristang katapat namin.
"Here.." inabot ni Iwi ang receipt at agad na kinuha ang Cup nya, ganon din naman ako. Napagdesisyunan namin na itake-out nalang yung kape at maghanap ng kumportableng lugar. Lilisanin na sana namin ang counter nang biglang lumapit ang lalaking kasunod ni Iwi sa cashier.
"Hi, Im sorry for what happened past few minutes ago. Uhm.. sige k-kunin mo na ito." sabat nung lalaki habang pilit na inaabot ang tray na pinaglagyan ng cookie.
"Hey! wait, no worries, its okay bro. Btw are you sure?" tugon ni Iwi. Ngumiti naman ang lalaki. Actually parang Bi yung lalaki and sa tingin ko nasa around 20 plus na siya.
"Yes, im sure!! Btw haha nakakahiya pero, tinatanong kase ng friend ko if okay lang makuha name and number mo? Ayun siya, yung girl na nasa tabi ng window." tanong ng lalaki habang turo-turo ang kinaroroonan ng babaeng tinutukoy niya. Agad naman akong napatingin sa babae, well maganda siya. Short hair, Maputi, Cute. Nakatingin siya pati ang mga kasama niya kay Iwi sa mga sandaling iyon.
"I see, so that's the catch? Ok, uhm.. I'm Lerwick and yes, i ain't single anymore." tugon niya. Nabigla naman ang lalaki at kita mo sa mukha niyang dismayado siya,
Agad namang tumingin si Iwi sa kinaroroonan ng babae at agad na sumigaw. "SORRYY!!" sabay talikod at nagmadaling lumabas ng store.
Ganon siya ka lakas! Grasya na ang dumadating sa kanya pero tinatanggihan niya pa, hahahahaha. Hindi ko din lubos maisip kung bakit siya tumanggi, sobrang nakakabigla. Tuluyan na nga naming nilisan ang shop, hanggang sa nakahanap kami ng maayos at komportableng lugar na ppweng pagtambayan.
Actually katapat lang siya ng Rutonda, sa mismong circle ng tagaytay. Meron doong terrace na pwede mong tambayan, tanaw doon yung mga citylights na nangagaling malapit sa taal. Hindi ko lang alam kung sakop parin ba ng tagaytay yun. So ayun, habang nakadungaw, nagtataka ako kase hindi maalis-alis yung mata ni Iwi sa mga kamay ko. "Baket?" tanong ko.
"Wala, tinitignan ko lang kung maayos pagkakahawak mo sa cup. Mamaya kase mapaso ka nanaman." sabat niya, sabay tingin sa view ng taal habang nakangisi.
Medyo nakaramdam ako ng kilig, dahil sobrang concerned siya saakin sa mga oras na iyon. Sandali kaming natahimik parehas, "Wait, pahawak nga." utos ko sabay abot sa kanya nung cup. Hindi naman siya nag dalawang isip na hawakan ito. Agad kong kinuha ang cellphone ko at nagpatugtog.
"Nakakabingi kase masyado yung mga kuliglig. Kaya soundtrip tayo." saad ko sabay bawi ng cup mula sa pagkakahawak niya.
(Wait po, gusto ko lang po sanang sabihin sa inyo na pakinggan nyo mismo yung kanta habang binabasa niyo ang part na ito. Para kase saakin ito yung isa sa mga pinaka-masayang gabi na nangyare sa buhay ko. Sa tuwing napapakinggan namin yang kantang yan, itong gabi agad napasok sa isip namin. Pero wait po haha, hindi ko naman po kayo pinipilit, kumbaga kung gusto nyo lang maramdaman yung feels hahaha. Okay lang din po kahit basahin nyo even though walang tugtog. Salamat po haha)
*Cue music - KLWKN (Full Band) by Music Hero
[Tanaw pa rin kita, sinta. Kay layo ma'y nagniningning, mistula kang tala]
Sobrang damang-dama ko ang bawat segundo, minuto, at oras sa mga sandaling iyon. Talagang napakabait ni bathala, dahil hinayaan niya muling mangyare ang pagkakataong ito na makasama ang taong ninanais ko.
"Ang ganda ng view no?" saad ko. Agad naman siyang ngumiti at tumingin sa akin.
"Hindi ka nagkakamali, sobrang ganda nga ng view." tugon niya habang nakangiting nakatigtig saakin.
[Sa tuwing nakakasama ka. Lumiliwanag ang daan sa kislap ng `yong mga mata]
Unti-onti nanamang nabubuhay ang puso ko, nakakaramdam nanaman ako ng kakaibang kuryenteng dumadaloy sa aking katawan.
"Baka giniginaw ka nanaman ah. Magsabi ka lang may jacket ako sa kotse. Ipapasuot ko din sayo yung pantalon kung sakali." tanong niya.
"H-hindi. Sakto lang, okay lang. Kaya pa namang tiisin. Walang magpapantalon para kwitz." tugon ko sabay higop ng kape.
[Pag ikaw ang kasabay, puso'y napapalagay. Gabi'y tumatamis tuwing hawak ko ang `yong kamay]
Hindi ko alam kung bakit tugmang-tugma ang tugtog sa ganap namin ngayon ni Lerwick. Sobrang saya ko sa mga sandaling iyon, daig ko pa ang nanalo sa lotto. Iba talaga ang galak at tuwang nararamdaman mo kapag ilang distansya lang ang layo mo sa taong mahal mo.
[O kay sarap sa ilalim ng kalawakan
Kapag kapiling kang tumitig sa kawalan]
Dahan-dahan akong lumalapit sa kanya, at nakatitiyak naman akong hindi niya iyon nahahalata. Dahil nakafocus siya sa tugtog at sa view na pinagmamasdan namin. Medyo nakararamdam ako ng kaba, ngunit nais kong sulitin ang nalalabing oras. Dahil ayokong magsisi bukas.
[Saksi ang buwan at bituin sa pagmamahalan. Nating dalawa, nating dalawa]
Habang parehas naming iniintindi ang mensahe ng kanta, nagulat ako ng bigla niyang banggitin ang pangalan ko.
"Carl?"
"Uhm?" tugon ko. Pinilit kong sumagot kahit na humihigop ako ng kape.
"May gusto ka ba saakin?" tanong niya.
Para akong nalunod sa pagkabigla. Ramdam ko ang pagpasok ng kape sa ilong ko. Halos hindi ko nanaman alam kung anong gagawin o sasabihin. Hindi ko alam kung manhid ba siya o nagbubulagbulagan. Akala ko sapat na ang rebelasyong nangyare kanina upang malaman niya ang tunay kong nararamdaman para sa kanya ngunit nagkamali ako. "What do you mean?" tanong ko. Tila pinipilit kong magpanggap upang hindi maipit.
"G-gusto kong malaman kung higit na ba sa kaibigan ang turi mo saakin?" seryoso niyang tanong habang nakatitig parin sa view ng taal. Lumunok ako at huminga ng malalim bago sagutin ang kanyang katanungan.
"Simula't sapul, higit na sa kaibigan ang turi ko sayo Lerwick!" tugon ko. Kita sa mukha niya ang pagkabigla, dahil agad siyang napatingin saakin. Naisin ko mang umamin ngunit pinapangunahan parin ako ng takot.
"Parang hindi mo naman alam, bata palang tayo kapatid na turing ko sayo!" dagdag ko pa.
Nangibabaw ang huni ng mga kuliglig at mga busina ng mga sasakyang dumadaan sa hi-way. Napahigop naman siya ng kape dahil, at sinuklian ng ngiti ang mga sagot ko sa katanungan niya.
"Bakit mo naman natanong?" tanong ko sa kanya. Pinipilit kong umarte na parang hindi bigdeal ang tanong niya upang hindi siya mag-taka. "W-wala naman. Wala lang. Random question kumbaga." tugon niya sabay ngisi.
"Wala na akong hihilingin pa. Sobrang swerte ko sayo kaibigan." dagdag niya pa sabay gulo sa buhok ko.
Kaibigan. Kaibigan. Kaibigan. Halos magising ako sa katotohanan at sakit. Naghihintay na lamang ako ng isa pang senyales para umamin, ngunit natatakot talaga ako, dahil alam kong maski siya ay naguguluhan sa sitwasyon namin ngayon. Para hindi mawala sa wisyo ako naman ang nagtanong sa kanya.
"Kamusta kayo ni Vien?"
Muli niyang hinigop at sinimot ang huling kapeng nasa cup niya. "Okay naman. Wala namang bago. Magkaibigan pa rin." confident niyang sagot.
Medyo nahimasmasan naman ako nang malaman ang sagot niya. Hindi ko din alam pero, pakiramdam ko hindi ko pa kayang mag-adjust kung sakaling magka-jowa si Iwi. Halos magiisang taon na din kase akong single, at gayon din naman siya. Siguro nasanay lang talaga akong kasama siya kahit san magpunta.
"Sorry." saad niya
Naguluhan naman ako sa nais niyang iparating. "Wait, why? Sorry saan?" tanong ko.
"Nakita ko lahat ng ganap nung nasa balcony ka." tugon niya. Bakas sa boses niya na may gusto pa siyang sabihin ngunit pinipigilan niya lamang.
"A-ahh.." ito na lamang ang tanging salitang naisagot ko dahil nahihiya at kinakabahan ako.
"Sobra akong nasaktan nung makita kang umiiyak." saad niya. "Sorry kung pinigilan ko ang sarili kong lumapit. Naisin ko mang yakapin ka ngunit nahihiya ako." dagdag niya pa. Napahinga na lamang ako ng malalim habang nakatingin sa malayo, parang onti-onti nanamang kumikirot ang dibdib ko.
"O-okay lang yun. Na-miss ko lang sila mam..." tatapusin ko pa sana ang sasabihin ko pero agad siyang sumabat.
"Alam ko ang rason kung bakit ka nasaktan ng ganon." sabat niya sabay tingin saakin. "Pasensya kung nagsinungaling ako sayo. Iyon lang kase ang best choice ko para makaganti sayo kanina." dagdag niya pa parang nagguilty siya.
"Sinungaling saan? Anong ganti?" naguguluhan kong tanong.
"Yung about sa amin ni Vien." tugon niya.
Para naman akong nabunutan ng tinik sa dibdib. Dahil mas naging klaro na ang lahat, napatunayan nya na mismo sa pangalawang pagkakataon na wala na akong dapat pang ipangamba dahil wala naman talagang namamagitan sa kanila. Humigop ako ng kape at huminga ng malalim.
"Cacarl?"
"Uhm?" tugon ko.
"May tanong ako sayo. Gusto ko sagutin mo ng totoo at seryoso." saad niya. Nakaramdam ako ng kaba dahil na din sa tono ng boses niya.
"Para sayo, sino ang mas matimbang at importante? Ako o si Mico?" tanong niya. Hindi ko alam kung anong naisip niya at kung bakit naitanong nya saakin iyon. Hinawakan ko ng mahigpit ang cup at dinama ang init ng kapeng nasa loob nito.
"Alam mo, parehas kayong importante saakin." masaya kong tugon ko. Pero parang hindi parin siya kuntento sa sagot ko.
"H-hindi pumili ka ng isa, dapat isa lang. Hindi naman ako magtatanim ng sama ng loob kung siya pipiliin mo basta gusto ko magpakatotoo ka." pamimilit niya.
Huminga ako ng malalim at dinama ang malakas na hampas hangin na sumalubong sa amin at tumingin sa kanya. "Wala akong dapat piliin kase equal kayo para saakin." madiin kong tugon. Agad kong kinuha ang cellphone ko upang patayin ang tugtog, dahil medyo nagiging seryoso na ang paguusap namin.
"Bakit ba? ano bang meron kay Mico? Hindi mo ba siya trip kaibiganin? Ang bait-bait naman ng kababata kong yun ah." tanong ko
Nagulat na lamang ako nang bigla magsalubong ang kilay niya at bumusangot. "Ok naman siya maging kaibigan." malamig niyang sagot. Agad ko namang tinapik ng malakas ang braso niya. "Ang plastik mo gago!" sabat ko sabay ngisi.
"Eh kase feeling ko sinasapawan ako non. Syempre sanay akong saakin lang nakabaling atensyon mo lalo na kapag gumigimik tayong magttropa, sa ilang taon ba namang ganoon; syempre nasanay na ako. Alam mo namang naiinis ako kapag harap-harapang kinukuha ng ibang tao ang atensyon mo eh." rason niya.
Tila hindi ko nanamang mapigilang mapangiti sa inaasta niya. "Sus nag seselos ka lang eh." pangaasar ko. Nagulat ako ng makitang mas lalong sumalubong ang kilay niya.
"Nakakaselos naman kase talaga. Kanina nga parang wala ako sa harapan mo, parang kuntentong-kuntento ka na siya lang makausap mo buong gabi." sagot niya. "May paakbay-akbay pa kayo. Tapos hindi ka pa nga sa akin tumabi." dagdag niya pa. Halos hindi magkandamayaw sa kilig ang puso ko. Sobrang natutuwa ako sa tuwing nagseselos siya nang ganon, dahil para siyang batang nagsusumbong.
"Hoy! Tinabihan naman kita ah!" reklamo ko.
"Kase pinilit kita!!" sigaw niya. "Didiretso ka pa nga sana pabalik sa pwesto mo eh! Hindi mo pa sana ako tatabihan!!" dagdag niya pa.
"Okay sige, Im sorry." pagsusumamo ko.
"Hayaan mo na yun. Wag ka mag sorry naiintindihan kita." tugon niya. "Basta next time ayokong pinapafeel mo saakin na wala lang ako sayo kapag nandiyan si Mico." dagdag niya pa habang nakabusangot.
"Hahahaha Okay sige." sagot ko habang pinipigilang tumawa. Tumingin naman siya sa akin na parang nagtataka.
"Anong nakakatawa? Seryoso kase ako." saad niya habang pinaglalaruan ang cup ng kape gamit ang dalawa niyang kamay.
"Wala. Sabi ko nga sige, hindi na mauulit." tugon kong muli. Nabigla ako ng itapat niya saakin ang hinliit niya,
"Oh ano nanaman yan?! Hahaha" pagtataka kong tanong habang nakangisi.
"Mag-pinky swear tayo Hahaha" tugon niya. "Napaka-isip bata mo talaga eh kotongan kita diyan eh." sabat ko habang nagpipigil parin ng tawa.
"Bakit ba? Sayo lang naman ako ganito. At isa pa, gawain naman natin to dati pa diba?! Ano ayaw mo ba?" seryoso niyang tanong. "It's now or never!" dagdag niya pa.
"Wow scary! Nangonsensya ka pa ha!" sagot ko in a sarcastic way. Agad ko din namang ginawa ang request niya, at tanaw mo sa maaliwalas niyang mukha ang saya at galak. "Ayan! May deal na tayo." sabat niya. Naputol ang pag-uusap namin nang biglang may tumawag sa akin, si Mico.
"Carl nasan ka?!!" nag-aalala nitong tanong
"A-andito..." hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil biglang inagaw ni Iwi ang cellphone ko.
"Uy pre ikaw pala. Yes, magkasama kami. Babalik nalang kami mamaya kapag naisipan ko na. Sa ngayon, sarili mo nalang muna isipin mo at mag-enjoy na muna kayo diyan. Salamat pare koy! Ciao!" sabat nito sabay end ng call.
"A-anong trip mo?" tanong ko habang naguguluhang nakatingin sa kaniya.
"Bakit gusto mo na bumalik?! Ayaw mo na ako kasama?! Sige tara na!" madiin niyang tugon. Agad ko naman siyang tinapik sa balikat para magising. "HUY! UMAYOS KA NGA! TARANTADONG TO" sabat ko. Umiwas siya ng pagkakatingin saakin habang nakakunot ang kilay
"Sabihin mo lang kung miss mo na yun. Okay lang ihahatid na kita doon." tanong niya habang nakatingin sa malayo. Bakas sa mukha niya ang inis
Tanging paghinga ng malalim na lamang ang iginanti ko sa tanong niya. Binalewala ko ang tanong niya. Mabilis kong inubos ang kape at nag inat-inat. "Ewan ko sayo! Hibang ka na ata!" sabat ko. Agad ko na ngang itinataas ang dalawa kong kamay para makapag inat ng maayos.
Bigla na lamang akong nakaramdam ng pagkaparalisa nang bigla akong yakapin ni Iwi mula sa likod ko. Tila nakalapat sa tiyan ko ng mahigpit ang mga bisig niya upang wala na akong kawala pa. "U-umayos ka nga!" angal ko.
Pero hindi niya ako pinakinggan at mas lalo niya pang hinigpitan ang yakap niya, rason para mas lalong lumapat ang likod ko sa dibdib niya. Agad niya namang ipinatong sa balikat ko ang kanyang baba.
"Kumportable ako sa ganto. Huwag ka munang magulo." utos niya. Medyo naiilang na ako dahil ramdam ko ang bukol niya na nakadikit sa likod ko at ramdam kong onti-onti itong nabubuhay hahaha.
"Baka may makakita saatin dito tarantado ka!" angal ko. Agad naman niya akong binitawan, at ipinaikot papaharap sa kanya. Naweweirduhan ako sa inaasta niya ngayon, nakatingin ako sa kanya habang nakangiti siyang nakatitig saakin. Basa ang mga labi niya at ang aliwalas ng muka niya, mas lalong nagpapalakas ng dating niya ang mga singkit niyang mata dahil naka guhit ang mga ito, habang nakahawak sa balikat ko ang dalawa niyang kamay. Nahagod sa mga mukha ko ang paghinga niya.
"BALIW KA NA BA?!" madiin kong tanong. Dahil hindi ko na din maintindihan ang inaasta niya parang kanina lang selos na selos siya. Tipo na halos pasan niya na ang daigdig. Tapos ngayon bigla-bigla nalang mag babago mood niya na parang wala lang naganap.
Nakatingin parin ako sa kanya at hinihintay ang isasagot niya sa tanong ko. Akmang magbibitaw pa sana ako ng salita nang bigla niya akong halikan nang mabilis sa labi. Para akong binuhusan ng malamig na tubig at nagising sa katotohanan.
"Oo at sa iyo lang ako nabaliw nang ganito" tugon niya sabay bigay ng mapangasar na tawa. Sa sobrang pagkabigla ko, hindi ko maigalaw o maihakbang ang mga paa ko.
"Tara na bumalik na tayo, tangina ang-panghi na dito hahahaha" dagdag niya pa habang naglalakad patungo sa pinag-parkingan namin ng kotse niya. Hindi parin mag sync-in saakin. Tila sobrang bilis ng pangyayari. Ramdam ko parin ang paglapat ng malambot niyang labi. At ramdam ko parin ang laway niya na nakadikit sa mga labi ko. Nahimasmasan ako sa pagkakatulala nang bigla siyang sumigaw.
"HEY BABY!!" sigaw niya habang nakadikit ang dalawang kamay sa pisngi nito. Agad naman akong napatingin sa kanya.
"YES YOU!! MAH BABY!!" sigaw niya pa habang abot teynga ang ngiti. Para tuloy akong tanga sa mga sandaling iyon, sobrang hiyang-hiya ako dahil baka may makarinig sa kanya. "BABY MO MUKHA MO GAGO!!" tugon ko sa kanya at sinimulan nang maglakad patungo sa kinaroroonan niya.
"DAMN BABY!! ARE YOU MAD AT ME?! WHY MY BABY?!!" sigaw niya. Tila mas lalo niya pa akong inaasar at sinisigurado niya talagang maririnig ng kung sino ang sinasabi niya. "BABY ANSWER ME!! BAKIT GALIT KA SAAKIN?!" sigaw niya pa ulit.
Biglang namanhid ang mga mukha ko nang makita ko ang dalawang mag jowang kumakain ng pares sa gilid na nakatingin saakin pati na rin si Kuyang tindero. Tila ngumiti lamang si Kuya saakin at muling ipinagpatuloy ang ginagawa niya. Nilalagyan niya ng plastic labo ang mga mangkok nung mga oras na iyon. Masyadong tago kase ang pwesto ni kuya, nangangamba nga ako dahil baka nakita nila yung ginawa saakin ni Lerwick.
Akmang sisigaw pa si Iwi, ngunit bigla ko siyang tinignan ng masama kasabay nito ang pag-angat ko ng kamao ko. Rason upang tuluyan siyang tumahimik.
Tila hiyang-hiyang pa rin ako. Pinilit kong mag-lakad ng mabilis ngunit para talagang sinemento ang mga paa ko sa sahig. Tila naghahabol nanaman ako ng hininga. Dahil sa sobrang bagal ng kilos ko, lumapit na siya mismo saakin sabay agad na hinawakan ang kamay ko at mabilis akong hinatak patungo sa kotse niya.
"Bakit hindi ka nagsasalita?!" tanong niya habang nakangisi
"Ang lakas talaga ng trip mo eh noh!! Para kang gago!!" madiin kong sagot.
"Ano ba yan. Galit na galit ka naman masyado saakin. Tara kiss na lang ulit kita baka sakaling manlambot ka pa lalo." pangaalaska niya habang nakangisi.
"Partida smack palang yun ah. Paano pa pala kung sinamahan ko pa ng dila." dagdag niya pa. Rason para sapakin ko dibdib niya. Agad naman akong pumasok sa kotse, at ganon din naman siya. Inistart niya na ang engine at dahan-dahang inatras ang kotse.
Nagulat ako ng bigla niyang buksan ang bintana niya at sumigaw, "Mga kuya at ate!! Secret lang natin yon ha!! Eatwell po!" Pabiro niyang sigaw. Bakas naman sa mukha ng magjowa ang tuwa.
"Sir! Walang mali doon! Masaya kami para sa inyo!" sigaw ni Kuyang tindero habang abot teynga ang ngiti. Ikinagulat ko naman iyon, dahil parang nagkamali ata si kuya sa pagkakaintindi. Sinuklian naman ni Iwi ng isang masiglang kaway si Kuya, at tuluyan nang nag drive.
Habang nagmamaneho siya nabigla ako dahil agad niyang hinawakan ang kaliwang kamay ko habang siya'y nagmamaneho. Sinubukan ko iyon alisin ngunit hinigpitan niya ang pagkakahawak nito.
"Hayaan mo muna ako. Namiss ko hawakan kamay mo eh." saad niya.
"Naiilang ako!" angal ko sabay kalas sa pagkakahawak. Hindi naman na siya nagpumilit pa, pero bakas sa mukha niya ang pagkadismaya. Hiniwakan niya na lamang ang kambyo at seryosong nagmaneho. Medyo naguilty naman ako sa ginawa ko, hindi ko talaga siya kayang tiisin o tanggihan. Medyo naguguluhan parin ako habang nakatingin sa dinadaanan namin. Ilang sandali pa at hindi na ako nakatiis, kinuha ko ang kanyang kamay at hinawakan ito ng mahigpit na lubos niyang ikinagulat.
Masinsinan ko siyang tinignan habang siya'y nakaside-view. Bumawi rin naman siya saakin ng tingin ngunit masyado siyang maduga dahil may kasama itong ngiti. Parang akong matutunaw. Ang weird dahil hindi ko lubos maisip na nakakaramdam ako nang ganito sa kapwa ko lalake, at ang malala pa doon sa kaibigan ko pa.
"Akala ko ba ayaw mo?" pang-aasar niya.
Akmang kakalas muli ako sa pagkakahawak nang bigla niya ulit itong pigilan. "Joke lang!!" mabilis niyang sabat habang tumatawa.
"Hindi ka talaga mabiro eh!!" dagdag niya pa. Mas lalo niya pang hinigpitan ang pagkakahawak at lubos na ikinabigla ko nang halikan niya ang kamay ko.
Sobrang saya ko sa mga sandaling iyon, ngunit nandoon parin ang takot at pangangamba. Hindi ako nagpadala, bagkus inisip ko na lamang na dala ito ng kalasingan niya. Pero kung sakali man, sana totoo na. Sana tuloy-tuloy na.

No comments:
Post a Comment