Thursday, May 21, 2020

SM Southmall (Part 4)

By: Carl

Pinilit kong maging masaya sa mga sandaling iyon, dahil ayokong magtaka si erpat. "Tara nak kain na" sabay kuha ng chopstick

Pinilit kong ngumiti kahit na may nararamdaman akong kirot sa aking dibdib. Tinatak ko sa aking isipan na dapat ay maging positibo ako upang hindi masira ang espesyal na araw na iyon. Dahan-dahan kong pinagmasdan  ang aking ama na abot teynga ang ngiti habang kumakain. Kumalma ako sabay huminga ng malalim.

Sa mga oras na iyon, iisa lamang ang nais kong gawin; at iyon ay ang sapakin si Lerwick sa mukha. Tila nais kong mag tanim ng sama ng loob sa kanya, ngunit bakit nga ba? Para saan? at sa anong rason? Siguro dahil umasa nanaman ako sa mga sinabi niya kagabi?

"Lalayuan pala si vien ah gago ka!" bulong ko sa sarili ko habang patuloy na nilalagyan ng paminta ang ramen na nasa harapan ko.

"S-sigurado ka ba diyan? Baka hindi mo na makaain yan" tanong ni papa habang confused na nakatingin saakin.

"Ah H-hindi yan pa hahaha." Pautal-utal kong sagot. "Namiss ko lang kase yung maanghang. Try mo din po bilis" Dagdag ko pa sabay halo ng ramen. Umiling naman si papa habang nakangiti.

Sigurado akong nakumbinsi naman si papa sa rason ko. Agad ko na ngang kinain ang fuckening ramen na sagana sa fuckening paminta hahahaha, pinilit kong ubusin yon para walang masabi si erpat kahit sobrang anghang dagdagan pa ng init.
After namin kumain agad naman kami ni papa nagtungo sa powermac. Hindi matigil sa pag-ikot ang aking paningin kasabay nito ang mabilis na pintig ng puso ko, tila para akong isang preso na pinipilit taguan ang isang pulis. Hinihiling ko na hindi sana magkrus ang landas namin nila Lerwick sa mga sandaling iyon. Sadyang ayoko lang kasi silang makita at ayoko ding malaman niyang nandoon din kami sa festiv. Pagkarating sa powermac tuluyan na nga akong pinapili ni papa kung anong cellphone ang gusto ko. Medyo nakakahiya dahil alam kong malaking pera nanaman ang bibitawan niya para sa luho ko, pero alam ko namang deserve ko; ginawa ko naman best ko eh.

"Okay na ako dito pa" Sabat ko habang hawak-hawak ang demo unit ng iPhone 8+

Nagtaka ako ng biglang tumawa si papa at agad na lumapit saakin. "Nak, matagal ulit mangyayare ang pagkakataong ito, kaya kung ako sayo i'll pick the best one!" Tugon niya at sinabayan nya pa iyon ng kindat at akbay. Nahihiya man ako pero kinapalan ko na din mukha ko, tutal ganon din naman hahahahahahaha. At ayon na nga, pinili ko na yung mas angat at literal na sinulit ko talaga yung chance. Sigurado naman akong hindi nagsisisi si papa, at bakas na bakas sa mukha niyang masaya siya. Pagkatapos namin sa powermac, dumiretso naman kami sa nike para sa sapatos.

Tila sobrang saya ng araw ko, binalewala ko muna lahat ng problema at lungkot. Gabi na din kami nakauwi dahil traffic, pagkarating na pagkarating sa bahay muli akong nagpasalamat kay papa bago nagtungo sa kwarto.

"Pagod na pagod ata ang cacarl ni lola?"  tanong ni lola habang nakangiting pababa sa hagdan.

"Sakto lang la." tugon ko. Agad namang ibinaling ni lola ang atensyon niya sa mga bitbit ko. "Oh, ang dami niyan cacarl ah, wala bang parte si lola diyan?" panloloko niyang tanong. Agad naman akong tumawa at nag mano, "Magpapahinga na po ako la" sabat ko.

Pagpasok sa kwarto, marahan kong inilapag sa study table ko lahat ng napamili namin at agad na humiga sa kama, nais kong magmuni-muni. Sa kalagitnaan ng pagddrama ko nagulat ako ng biglang nag vibrate ang cellphone ko. Agad ko naman iyong chineck, si Lucas.

[Carl, maaga daw bukas sabi ni coach. Sabihan mo na din si Iwi. Training daw bukas mag damag]

Agad nanaman akong nawindang dahil pumasok nanaman sa isipan ko ang mukha ng gagong iyon. Hindi ko na alam ang gagawin ko, pakiramdam ko hulog na hulog na ako. Pero alam ko sa sarili kong bawal, at hindi maaari. Alam kong may way pa, at maaagapan pa; alam kong lalaki ako, at tanging sa puke lamang ako nasasarapan. Habang kinukumbinsi ang sarili nag-isip ako ng paraan upang labanan ang nararamdaman ko, agad akong pumunta sa messenger at inignore message si Iwi. Hindi pa ako nakuntento, inunfollow ko din siya sa facebook para kahit papaano ay hindi ko makita ang mga ganap niya.

Kinabukasan, Lunes. Hinatid ako ni papa sa school. Walang akong ibang plano sa araw na iyon kundi ang maging masaya at positibo. Napag-isipan ko rin na hindi ako ganoon masyadong magsasalita o makikipag-usap para less problema nor  badvibes. Pagkarating sa school, agad akong sinalubong ng dalawang mokong - si Lucas at John. Nakangiti silang papalapit saakin at akmang yayakap, nakasanayan kase namin lahat gawin iyon  sa pagpasok, at pag-uwi. Agad ko naman silang niyakap ng mabilis

"Nasan yung isa?!" tanong ni John

Hindi ko sinagot ang tanong niya at nagpatuloy sa paglalakad. Tila nagtaka naman ang dalawa sa inasta ko. Agad na humabol saakin si Lucas

"Hey carl, what happened?" Tanong ni Lucas 

Huminto ako sa paglalakad at tinignan silang dalawa. "Wag ngayong umaga." Tugon ko sabay lakad

Hindi naman sila nag dalawang isip na tumahimik. Pagkarating sa court tanaw ko  na sa malayo si coach, agad itong pumito ng makita kaming pumasok sa pintuan ng covered court.

"Bilisan nyo na't mag ayos, mag sisimula na tayo later." Sabat nito

Dumiretso ako sa mga silyang nakabalandra malapit sa ilalim ng ring, at akmang uupo ako ng biglang may umakbay saakin. "Patingin nga ng kamay mo, ano magaling na ba?" tanong ni Lerwick sabay kuha sa kamay ko

Nararamdaman ko nanaman ang pagtibok ng puso ko at para itong nabubuhayan kaya agad ko naman iniiwas ang aking kamay rason para hindi nya ito mahawakan. Pinipigilan ko ang sarili kong hindi magsalita. "Gago ka! Kanina ka pa nandito?" pasigaw na tanong ni Lucas kay Iwi

Kinalas ko ang pagkakaabay saakin ni Iwi at dumistansya sa kanila para mag unat. Bakas sa mukha nito ang pagtataka, at agad na sumunod sa kinaroroonan ko. "Hey anong problema? May nangyari ba?" Seryoso niyang tanong. Agad kong kinuha ang earphones ko sabay Isinuot ito, nagpatuloy ako sa pag inat ng bigla niya  itong hatakin. "Ano bang problema? Parang walang nagtatanong sayo ah!" Madiin nitong tanong at mahahalata mong medyo naiinis na siya dahil sa tono ng pananalita niya dagdagan pa ng nakakunot niyang kilay. Nagpumilit parin akong hindi kumibo at agad na binawi ang earphones na hawak-hawak niya. Pagkakuha iniayos ko ito at mabilis na isinuksok sa bag ko.

"Carl ano bang problema?" Tanong ulit nito. "Alam mo ikaw hindi na kita maintindihan eh, Para kang babae kung umasta!" Dagdag pa niya. Tila nagpanting ang teynga ko nung marinig ang mga sinabi niya. Nakatingin naman saamin si Lucas at John na tila alerto at nag oobserba in case na humatong kami sa sakitan ni Lerwick.

"Coach! Canteen lang po ako saglit!" Sigaw ko. Agad kong tinignan si Lerwick ng masama kasabay nito ang pag bangga ko sa balikat niya. Agad kong nilisan ang court, sa tingin ko'y onti-onting gumagana ang paraan ko upang mapalayo ang loob ko sa kaibigan ko. Pakiramdam ko'y onti-unti na akong natatauhan dahil sa mga salitang binitawan niya. Habang naglalakad ako papunta sa canteen tanaw ko sa di kalayuan si Vien at nakangiti ito saakin. "Carl, nasa court na ba si Iwi?" tanong niya.

Agad naman akong tumango habang nakangiti. "Thank you" tugon nito. Ayokong idamay si Vien sa katangahang ito, saakin at kay Lerwick lamang umiikot ang ganap na ito kaya hangga't maaari nais kong paring itrato si Vien ng maayos. Pagkabalik sa court nagsisimula nang mag shooting sila Lucas, John at Jobert, habang si Lerwick naman ay nakaupo sa tabing silyang pinapatungan ng bag ko at  kausap si Vien. Nilakasan ko ang loob kong lumakad sa harapan nilang dalawa upang kunin ang bag ko, well i have no choice. Alam kong parehas silang nakatingin saakin ngayon, kaya kahit naiilang pinilit ko paring buksan ang bag ko at nagbingi-bingihan habang patuloy na inilalagay ang tubig na nabili ko sa canteen. Tila sobrang lalim ng pinaguusapan nilang dalawa at sa tingin ko'y sinasadya talaga ni Iwi na iparinig saakin kung ano ang topic nila.

"Try ko nalang sumama." saad ni Iwi

Agad namang humawak si Vien sa mga balikat ni Lerwick pahiwatig ng kanyang pagpupumilit. "Ngayon lang naman yun eh, and sobrang dami din naman nating ginawa schoolworks these past few weeks. You know unwind" Pagsusumamo pa nito

Tila naguguluhan ako sa mga inaasta nila, sa tingin ko'y may namamagitan na sa kanilang dalawa. Sa sobrang pagkabigla ay napatingin ako kay Iwi na siya rin palang kanina pa na nakatitig saakin. Nagtama ang aming mga mata dahilan kaya nakaramdam ako ng kakaibang kuryenteng dumaloy sa aking katawan. Agad na kumunot ang kilay nito at ibinaling ang atensyon kay Vien "Okay sige, g ako!!"  saad nito.

Mabilisan kong binitbit ang bag ko at nagmadaling lumayo sa kanilang dalawa. Ramdam ko nanaman inis ngunit pinilit ko ang aking sarili na huwag magpadala rito. "Ok guys! Start na tayo" utos ni coach.

Agad din namang tinapos ni coach ang training around 12pm. Dahil may urgent pala siyang aasikasuhin sa other branch ng campus namin. Habang lutang akong naglalakad kasama si Lucas papuntang canteen bigla akong natauhan nung may biglang humarang saakin. "Bawal dito dumaan!!" sabat nito. Agad naman akong nagulat ng makita kung sino ang nasa harapan ko - si Mico.

Bukod kay Lerwick, isa din si Mico sa mga naging kababata ko. Kapit bahay ko itong hudas na to noong sa Taguig pa kami nakatira. In short; mas nauna kong nakilala si Mico ngunit hindi naman ganoon ka lalim o katagal ang pinagsamahan namin dahil agad din naman kaming lumipat sa Las Pinas. Masasabi kong sobrang laki ng pinagbago niya, mas lalo siyang nagmukang tao hahaha. Tumangkad, singkit pa rin naman ang mata niya, pero mas lalo siyang nag mukang bumbay dahil sa kanyang kilay at sa dalawa niyang pangil na dahilan kung bakit sobrang perpekto ng mga ngiti niya.

"Boss carl, musta?" Tanong nito habang nakangiting naghihintay sa sagot ko. Agad ko namang sinuklian ang ngiti niya at tinapik siya sa balikat. "Sobrang goods Mico!" tugon ko. "Tangina mo, akala ko kung sino! Sasapakin ko na sana mukha mo eh." Dagdag ko pa. Agad ko namang ipinakilala si Mico kay Lucas. Matagal din kaming nag-usap, saglit kaming tumambay sa gilid upang makabuo pa ng maayos na paguusap. literal na kamustahan lang at naitanong ko rin kung bakit siya napadpad sa school.

"Kumuha si mama ng bahay sa alabang, hindi sana kami lilipat kaso nagkaroon kase ng problema carl eh." saad nito, masasabi kong seryosong problema ang pinagdadaanan niya dahil bakas sa kanyang mga mata kung gaano ito kabigat. "Kamusta nga pala si tita?" masaya kong tanong upang muling sumigla ang vibes. Agad naman itong ngumiti at tumingin sa malayo

"Okay na okay naman si mama. To be honest, siya nga ang may gusto na dito ako mag-aral. Gusto ko sana sa San Beda, kaso na-open ng lola mo kay mama na dito ka daw nag-aaral. Kaya ayon" agad ko naman iyong ikinatuwa.

"Legit?!" masasigla kong tanong. Agad naman siyang tumingin sakin "Mas legit pa sa legit tol!" tugon nito. Sobrang saya ko nung malamang dito na din siya mag-grade12. Nais ko pang kilalanin ng lubusan ang kaibigan kong ito, kaya ganon na lamang ako kasaya sa mga sandaling iyon. "Sali ka varsity next sy!" sabat ko. Agad naman siyang tumango.

Napagisipan kong isama siya sa bahay, para makita siya ni erpat at ni lola. Sigurado kase akong matagal na din nung huli siyang nakita ni papa, at alam kong matutuwa sila pag nakita nila si Mico. Pagkarating sa bahay, agad ko namang pinapasok si Mico. "Tara Mics! Kahit ipasok mo na sapatos mo." Utos ko
Agad naman kaming sinalubong ni Lola at nabigla siya ng makita si Mico. "Nako! Mico?! Naparito ka Iho!" Masigla nitong tanong.

"Nakalipat na po kami sa alabang lola" tugon ni Mico sabay mano kay lola

"Teka, kayo bang dalawa'y kumain na?" tanong ni lola. "T-teka nga baka hindi pa luto ang ulam" Hindi magkandamayaw si lola at agad itong naglakad patungo sa kusina.

Tila welcome na welcome si Mico sa bahay. "Gago Carl nakakahiya." mahina niyang bulong saakin. Tinawanan ko lang siya at siniko sa braso. Sobrang lalim ng nabuong kwentuhan namin, to the point na ikinukwento ni lola lahat ng kakulitang ginawa namin noong sa taguig pa kami nakatira. "Nako! kung alam niyo lang, sabay ko kayong pinapaliguan sa tapat ng gate." kwento ni lola.

"Para kayong kambal dati, dahil sa kapal ng mga kilay nyo. Naalala ko pa, tuwang-tuwa sa inyo ang bumbay na inuutangan ko, tuwing hapon binibigyan kayo non ni Jeng ng tigbente tuwing sinisingil niya ako ng 5-6 kase nga mga mukha daw kayong bumbay" dagdag pa ni lola habang tawa ng tawa. 

Hindi rin kami matigil sa kakatawa dahil sa kakulitang inaasta ni lola, hindi siya maubusan ng kwento. Napagtanto ko na madami rin naman pala kaming pinagsamahan ni Mico, ngunit sadyang hindi ko lang talaga gaanong tanda. Kase siguro wala pa kami sa tamang pag-iisip noon.  Gabi na din nung makauwi si Mico, hinatid nalang namin siya ni papa. Pagkabalik sa bahay di nako nag dalawang isip na magpahinga.

Ilang araw din ang lumipas. Natapos din naman lahat ng paghihirap namin, at nagbunga ito. Halos kaming Shs ang humakot ng award sa Uweek. Ilang linggo din kaming hindi nagkibuan ni Iwi, halos hindi pa kami nagkakausap o nagkakasama. Kaya't nangangamba na ang tropa at hindi matigil sa pagpapangaral na tapusin na ang alitang namamagitan saamin. "Ano bang ganap sa inyo? Taas ng pride nyo ah" Sabat ni John habang hinihipak ang sigarilyo. Hindi naman ako kumibo at nagpatuloy sa pag-nguya ng mamon na kinakain ko, habang patuloy na nagiisip.

"Tara papadoms mamayang gabi!!" Pag-aaya ni Jobert. "G ako berto! Inom na inom na din ako." Tugon ni Lucas.

"Ikaw ba Johnbaog?" Tanong ni Jobert kay John. Agad naman itong tumango kasabay ng huling pag-hipak nito sa kanyang sigarilyo. Natahimik ang lahat ng sandali na siyang ikinagulat ko, lahat sila'y nakatingin saakin at parang may hinihintay na sagot mula saakin.

"G ako pag g si Mico." Tugon ko sabay inom ng tubig.

"Sabi sa inyo eh," Sabat ni Berto. "Buti nalang una nating inaya si Mico" Dagdag pa nito habang nakangisi.

Tila matagal na nilang planado ang ganap na to. Hindi na ako tumanggi pa, dahil nangungulila na din ako sa alak. "G din daw si Iwi!" sigaw ni Lucas at bakas sa muka nito ang kasiyahan. Natahimik naman ako ng ilang segundo, bigla akong pinangunahan ng kaba. "Ano mamayang 6 kitaan. Doon nalang sa inyo antayan carl para safe" pagsusumamo ni Berto. Wala na akong salitang naibato pa, at agad na lamang akong tumango.

Pagkarating sa bahay, agad akong pumili ng susuotin ko para mamaya. Halos ilang minuto akong nakatayo sa tapat ng cabinet ko, ng biglang tumunog ang cellphone ko.

[Carl, punta nalang ako diyan mamaya. Anong susuotin mo?] tanong ni Mico. Agad ko naman itong nireplyan at nagpatuloy na sa pagpili ng susuotin.

Saktong 6pm sila nakarating sa bahay, nagulat ako dahil may kotse sa ibaba at tanaw ko iyon sa bintana mula sa kwarto ko. "Nak, nasa baba na sila." saad ni papa habang nakatayo sa pintuan at pinagmamasdan ako. "Manang-mana ka talaga saakin, galingan mo sa pag-pili ng babae! Huwag kang mag papahuli nako ka!" pangaalaska ni papa. Akmang lalabas ako ng kwarto ng bigla akong pigilan ni erpat, "Teka! gamitin mo yung pabango ko nak, bagong bago pa to wait!" utos ni papa. Agad niya saaking inabot ang pabango na nakalagay pa sa karton

"Pang bigtime to pa ah" sabat ko, agad namang tumawa si papa at tinapik ako sa balikat. Agad din akong bumaba, pagkarating sa gate tanaw ko na agad si Lucas na pormadong-pormado. "Tangina nito oh, laplapan lang naman habol mo dun gago ka" pangaasar ko.

"Wala pa si Mico?" tanong ni Jobert.

"Otw na daw" tugon ko sabay ayos ng buhok. "Kaninong tsekot yan?" tanong ko.

Agad namang nagtinginan ang dalawa kasabay ng mapangasar na ngiti, "Kay Iwi"

Tila ramdam ko nanaman ang pagdaloy ng kuryente sa katawan ko, pero upang  hindi nila mahalatang nababalisa ako pinilit kong balewalain lahat. "Kasya ba tayo jan?" sarcastic kong tanong. Agad namang nagiba ang mukha ng dalawa, "Yun nga eh, baka di na kasya si Mico." Tugon ni Jobert

Agad na nagpanting ang teynga ko. "Kaya nyo bang mag commute ni Mico, Luc?" tanong ni Iwi sabay baba sa kotse

Pinipilit kong pigilan ang sarili ko, kinakaya kong balewalain si Lerwick sa mga sandaling iyon kahit na onti-onting bumibilis ang pintig ng puso ko. "O-oo kaya naman tol, tagaytay lang naman" sagot ni Lucas

"Hindi pre, ako nalang sasama kay Mico. Papahatid nalang kami kay erpat." sabat  ko, tila nabigla si Lerwick sa nasabi ko. Hindi kase sanay si Iwi na tinatawag ko siyang pre, nagagalit siya. Rason niya parang wala daw kaming pinagsamahan, parang hindi ko daw siya matalik na kaibigan. Kaya iisa lang ang ganap sa tuwing tinatawag ko siya at iyon ay kapag hindi kami okay. Agad naman itong tumango "Walang problema PARE" Madiin niyang sagot na para bang isang batang pikon na pikon. Hindi napigilang matuwa ni Jobert at Lucas. Gustong gusto ko na nga ding tumawa sa mga oras na iyon ngunit pinilit kung itikom ang aking bibig. Bakas sa muka niya ang pagkainis at pagkayamot. Maya-maya'y nagulat kami sa pag busina ng isang paparating na kotse. Huminto ito sa tapat namin

"Sorry ang traffic kaya natagalan." pagsusumamo ni Mico.

Hindi ko sukat akalain na nagmamaneho na rin pala si Mico. Bukod sa ikinagulat ko na may kotse na si Iwi, mas dumoble pa yun nang malaman kong may kotse na din si Mico. "Mga bigtime pala tong mga tropa natin eh!!" sabat ni Jobert. "Kay Mics nalang ako sasakay" dagdag pa nito.

Agad namang bumaba si Mico sa kotse, at lumapit saamin. "Ano bang plano? tara na sayang oras!" saad nito "Oo nga! Tara na!" pagaaya ni Lucas

Akmang lalakad ako, papalapit sa kotse ni Mico nang biglang hawakan ni Iwi ang balikat ko na siyang ikinabigla ko. "Saakin ka sasakay!" madiin nitong utos habang nakakunot ang kilay.

Agad naman akong inaya ni Mico "Tara pre! dito ka nalang sa harapan umupo, safe lang ba?" tanong ni Mico habang nakatingin saakin. Nagmadali nang sumakay si Jobert sa sasakyan ni Mico. Agad ko naman tinignan si Iwi, na halatang naghihintay sa isasagot ko. Sa mga sandaling iyon tila pinapangunahan ako ng kaba, unang beses kong maipit sa ganitong scenario at masasabi kong sobrang hirap talagang mag desisyon.

Akmang maglalakad muli ako ng hawakan na ni Iwi ang braso ko ng mahigpit, kasabay nito ang pagtitig niya saakin ng seryoso. "Saakin ka na sumakay. Tara na" bakas sa kanyang mga mata ang pagmamakaawa na nagsasabing huwag na akong mag matigas pa.

Ikinabigla namin nung mag babaan sina Lucas at John sa kotse ni Iwi. "Mics lipat nalang kami sayo, maluwag naman kotse mo parang yung nililigawan ni Berto" Pagbibiro ni John na sinuklian ni Mico ng tawa.

"Fuck you ka John tantanan mo ako!" Sigaw ni Jobert

"Tara na Mics! Kay Iwi na yan sasakay si Carl" Pagaaya ni Lucas. Biglang umaliwalas ang mukha ni Iwi sa mga sandaling iyon na siyang ikinatuwa ko din deep inside. "Hintayan nalang sa entrance!" sigaw ni Mico habang nakangiti itong nakatingin saakin.

"Copy boss!!" Tugon ni Iwi na abot teynga ang ngiti. Nauna na sila Mico umalis, halatang-halata mo sa kilos ni Iwi na sabik na sabik siyang makasama ako. Agad naman akong umupo sa front seat ng sasakyan. Pagkaupo na pagkaupo niya agad siyang tumingin saakin

"Akala ko mas pipiliin mo nang bumiyahe kasama yon kesa saakin eh." saad niya habang nakakunot ang kilay.

"Ang dami mong sinasabi mag maneho ka nalang!" angal ko. Muling tumingin saakin si Iwi

"Sa tuwing ako ang magmamaneho, Walang ppwedeng umupo sa upuan na yan kundi ikaw lang. Tatandaan mo yan!" diin niya sabay bigay ng isang nakakabaliw na ngiti

No comments:

Post a Comment