By: Nickolai214
Nathaniel's POV
Finale Chapter
Nabigla ako sa ginawa ni Mark. Napahawak tuloy ang palad ko sa hubad na dibdib niya saka ko siya naitulak palayo.
Naglakad ako pabalik sa kama pero hinila niya ang braso ko saka niya ako muling hinalikan.
Hindi ko siya sinaway sa pagkakataong ito subalit hindi ko rin naman siya tinugon.
Kumalas siya na puno ng lungkot ang mga mata ngunit hindi ko siya hinayaan na makalayo sa akin.
Hinabol ko ang mga labi niya saka ko sinunggaban ng nagbabagang mga halik iyon.
Nabigla man si Mark ay sandali lamang iyon dahil mabilis niyang tinugon ang mga halik ko.
Sa bawat galaw ng mga labi ko ay siyang buka ng sa kanya. Ganun din ang ginagawa ko hanggang sa tuluyang napasok ng mainit na dila niya ang bibig ko.
Para akong napapaso na napahawak sa maskuladong braso niya kasabay ng paghagod ng isang kamay ko sa matigas na dibdib niya pababa sa flat na tiyan niya.
Napaungol si Mark hanggang sa maramdaman ko na tinutulak niya ako patungo sa kama.
Nagpatangay naman ako hanggang ang sumunod na naramdaman ko ay ang pagtama ng mga paa ko sa dulo at ang malakas na pagbagsak ng likod ko doon.
Ngunit hindi ako nag-iisa. Kasama kong bumagsak si Mark. Nakadapa siya ngayon sa katawan ko at patuloy niyang hinahalikan ang mga labi ko.
Hinaplos ng kamay ko ang braso niya paakyat sa malapad na balikat at pababa sa matigas na dibdib niya.
Napaungol si Mark nang tamaan ko ang maselang bahagi ng dibdib niya. Ngunit hindi hadlang iyon upang tumigil ako sa pagdama sa katawan niya.
Kay tagal kong inasam ang pagkakataong ito. Matagal na panahon kong pinangarap na muling mahahawakan ko si Mark.
Napakatagal kong inasam na muling maramdaman sa mga labi ko ang mga labi niya. Maiinit na halik ang isinalubong niya sa leeg ko kasabay ng paghawak niya sa magkabilang laylayan ng suot kong tshirt.
Sabay naming hinila iyon pahubad sa katawan ko at pagkatapos ay masuyo niyang hinalikan ang balikat ko patungo sa collar bone ko at patungo muli sa mga labi ko.
Habang ginagawa niya iyon ay naramdaman ko na sa bandang hita ko ang malaki at napakatigas na bagay na ikinalaki ng mga mata.
"M-mark!" sambit ko sa pangalan niya.
"Oh please honey don't talk." sabi niya saka niya muling inangkin ang mga labi ko.
Naging napakahaba pa ng gabi. Natapos ang lahat sa tuluyang pag-iisa ng mga katawan namin.
Makalipas ang ilang taon ay muling naangkin ni Mark ang katawan ko na tanging sa kanya ko lang inialay.
Kahit kaunti ay wala akong pinagsisisihan sa mga nangyari. Basta ang alam ko lang ay naging masaya ako sa gabing ito.
Sa piling ni Mark. Sa piling ng bestfriend ko. Sa piling ng nag-iisang lalaki na minahal ko.
Matapos ang lahat ay niyakap ako ng mahigpit ni Mark saka niya isinubsob sa leeg ko ang mukha niya.
Nararamdaman ko ang parehong tibok ng mga puso namin. Kanina lang ay kapawa mabilis ang pintig ng mga ito ngunit halos magkasabay din na bumagal.
"Inaamin ko na minsan akong naging duwag, Nat. Ngunit kailanman ay hindi ako naging makasarili." bigla ay sambit niya sa mahinahon na tinig.
"Nagbase ako ng mga desisyon ko sa kung paanong sa tingin ko ay makabubuti para sayo at para sa ating dalawa. Hindi ko inakala na maling desisyon pala ang napili ko."
"Pinagsisihan ko ng husto ang pagtalikod ko sayo noon. Sana hindi na lang kita hiniwalayan. Sana hindi na lang kita iniwanan nang walang paalam. Sana hindi na lang ako nakinig sa mga magulang ko."
"Masaya tayo noon kahit sa simpleng mga bagay lang. Makasama lang kita kahit wala tayong ginagawa ay napapasaya mo na ako. Hinanap ka ng puso ko sa napakahabang panahon na tinatakbuhan mo ako."
"Hindi ako naniniwala na hindi alam nina Kath at Errol maging ang simpleng contact details mo. Nirespeto ko iyon. Pero hindi ako sumuko. Umasa pa rin ako na magkikita tayo."
"Sumama ka na sa akin sa London. Magpakasal tayo doon. Sa pagkakataong ito ay hindi na kita paiiyakin pa. Mamahalin kita hanggang sa kaya ko. Give me another chance, Nat. Please!" pakiusap niya.
"Nandito ang buhay ko Mark. Hindi ko kayang iwanan ang trabaho ko dito. Masaya ako sa ginagawa ko. Iyon ang passion ko alam mo naman hindi ba?" sagot ko.
Bumangon ako saka ko dinampot ang damit ko na nakasabit sa may upuan. Marahil ay pinalabhan na niya iyon kanina dahil amoy detergent na.
Nag-ayos siya ng upo at tinakpan ang ibabang bahagi ng katawan niya. Nanatili pa ring nakabilad sa mgaata ko ang magandang hubog ng katawan niya.
Pinagmasdan lang niya ako habang nagbibihis. "Saan ka pupunta?" masuyong tanong niya.
"Uuwi na ako. Salamat sa pagsagip mo sa akin kanina sa pool." sagot ko.
"Nakahanda ako na iwanan ang London. Maninirahan ako dito kasa mo kung papayag ka." sabi niya.
Napahinto ako sa pagbubutones ng polo ko saka ako napasulyap sa kanya. Seryoso siyang nakatitig sa akin.
"Hindi ko madedesisyunan ngayon ang mga bagay na sinasabi mo. Sa totoo lang napakagulo pa rin ng isip ko hanggang ngayon." sabi ko.
"Kahit naipaliwanag ko na sayo ang lahat?" tanong niya.
Bahagya akong napatango saka ko na ipinagpatuloy ang pagbibihis ko.
"Sige hahayaan na muna kitang makapag-isip sa ngayon." aniya. "Pero hanggang sa martes na lang ang bakasyon ko dito sa Pilipinas. Kailangan ko munang bumalik ng London at ayusin ang mga naiwan ko doon bago kita mababalikan dito."
Hindi ko siya sinagot. Tinapos ko na ang pagbibihis ko saka ko siya pinagmasdan. Ngumiti ng mapakla si Mark.
"Sa nakikita ko sayo ay naguguluhan ka pa nga talaga. Well," he shrugs. "Hindi na kita kukulitin sa mga susunod na araw. Hahayaan muna kita na makapag-isip ng mabuti. Kung ano man ang mapagpapasyahan mo ay irerespeto ko."
"Sa martes ng hapon ay magkita tayo sa Cloud Garden Tower 4pm. Maghihintay ako sayo doon hanggang 10pm. Kapag hindi mo ako sinipot isa lang ang ibig sabihin nun. Wala na talaga akong halaga sayo, Nat. Kapag nangyari yun. Hindi na ako magpapakita pa sayo kahit kailan."
Humakbang ako patungo sa pintuan ng silid pero nagpahabol pa siya.
"Maghihintay ako Nat!"
Napahinto ako ngunit nagpatuloy din kaagad ako sa paglabas. Nagtaxi lang ako pauwi sa bahay dahil naiwan sa hotel ang sasakyan ko.
Lumipas nga ang mga araw na hindi talaga nagparamdam sa akin si Mark. Ngunit ang hindi ko maintindihan ay kung bakit palagi akong nagche-check ng cellphone samantalang hindi ko naman ginagawa dati iyon.
Hindi ko man aminin ay alam ko sa sarili ko na umaasa akong magpaparamdam sa akin si Mark. Sa totoo lang ay namimiss ko na siya sa pagkakataong ito.
Namimiss ko na ang mga ngiti niya. Ang mga halakhak niya. Ang mga sweet gestures niya. Ang mga yakap niya. Ang matamis niyang halik.
Napahawak ako sa leeg ko. Nakatago doon ang kwintas na iniregalo sa akin ni Mark noong graduation namin.
Nanlaki pa ang mga mata ko nang marealize ko iyon. May nangyari sa amin ni Mark nung nakaraang gabi. Ibig sabihin ay nakita niyang suot ko ito.
Sumapit ang araw ng martes. Naging abala ang buong team namin para sa premiere night ng pinakaunang palabas na pagbibidahan ko sa big screen as an actor.
Hindi lang ako basta extra dito kundi isa sa mga main characters kaya hindi ako talaga kailangan na mawala sa event.
9PM na at nagdadagsaan na sa mga malls ang mga tao na manonood. Hindi ko inasahan na susuportahan nila ang movie namin kahit na baguhan ako.
Nagkikislapang mga camera at sigawan ng mga fans ang bumungad sa amin nang makarating kami sa isang sikat na mall sa Makati.
Hindi nawawala sa tabi ko ang manager ko. Katabi rin namin ang director at ang co-stars ko na pawang mga magagaling sa aktingan.
Hindi ito ang kauna-unahang BL movie sa Pilipinas ngunit ito ang pinakaunang series na ginastusan ng isang sikat na TV network.
Sikat at award winning drama actor ang naging katambal ko sa proyektong ito at nagpapasalamat ako sa kanya dahil inalalayan niya ako sa bawat eksena namin na talagang nahihirapan ako.
Nakaupo na kami sa sinehan nang biglang may dumaang alaala sa isip ko.
Maghihintay ako Nat!
Mabilis akong sumulyap sa relo ko at bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa matinding kaba.
Sa dami ba naman ng makakalimutan ko ay ang mga huling paalala pa ni Mark ang nawala sa isip ko.
Mabilis akong nagpaalam sa mga kasama ko na nagkaroon ako ng napakahalang emergency kaya kailangan ko nang umalis.
Hindi sana papayag ang director ngunit wala na siyang nagawa nang tumakbo na ako palabas ng sinehan patungo sa parking area ng mall.
Sumulyap ako sa oras.
9:45PM
Nasa Pasay ang Cloud Garden Tower. Nasa Makati ako. Hindi kakayanin ng fifteen minutes ang byahe patungo doon.
Mabilis na akong umalis sa Mall na iyon para maabutan ko si Mark. Ilang taon na kaming nagkahiwalay at hindi ako papayag na muli niya akong iiwanan sa pagkakataong ito.
Ipaglalaban ko na siya. Ngunit kung mamalasin ka talaga ay naipit pa ako sa traffic.
Damn! It's already past ten bakit traffic pa rin? Dahil sa inis ko ay pinindot ko nang pinindot ang busina ko.
Gumalaw naman ang nasa unahan kaya nakahinga ako ng maluwang kahit papano ngunit pagdating sa susunod na kanto ay traffic pa rin.
Sumulyap ako sa oras.
10:18PM
Gusto ko nang umiyak dahil sa frustrations. Mabuti na lamang at gumalaw na ang mga sasakyan na sinabayan ko ng mabilis na pagliko.
Nag-iba ako ng ruta para makaiwas sa traffic. Nakalusot naman ako ngunit maabutan ko pa kaya si Mark doon?
Hello! Kanina pa kaya siyang 4pm dun sa tingin mo naman hihintayin ka niya hanggang 12MN? 12:30AM ang flight niya diba? kontra ng isip ko na lalong nagpasakit sa ulo ko.
Nakarating ako sa Cloud Garden Tower saktong 10:45PM.
Mabilis akong sumakay ng elevator patungo sa pinakatuktok ng building. Doon kasi ang Garden ng building na ito. Sikat na tourist spot dito sa Pasay.
Pagbukas ng elevator ay patakbo akong lumabas patungo sa mismong Garden.
Naglakad na ako paikot sa buong paligid. Lahat ng tao na nadadaanan ko ay pinagmamasdan ako ng mabuti sa pagbabakasakali na makita ko pa si Mark.
Nakadama na ako ng matinding kaba nang halos maikot ko na ang lugar ay hindi ko pa rin siya nahahanap.
Mabilis kong binunot mula sa bulsa ko ang cellphone ko at sinubukan ko na tawagan ang number na ginamit ni Mark nung nakaraan ngunit nakapatay na iyon sa panlulumo ko.
Nagpatuloy pa ako. Umikot akong muli sa pagbabakasakali na nagkasalisi lang kami. Ayokong mawalan ng Pag-asa sa pagkakataong ito.
Mark!
Nagpalinga-linga ako sa paligid ngunit wala talaga akong mahanap kahit anino ni Mark.
Nanlulumo ako na napaupo sa isang bench na naroon. Hindi ko na napigilan ang mga luha na kanina pa gustong kumawala sa mga mata ko.
Hindi ko na alintana kahitbna makita pa ako ng mga tao doon na umiiyak. Inilabas ko ang lahat ng sakit na naipon sa dibdib ko.
Mga kalungkutan at pangungulila. Panghihinayang at pagsisisi. Lahat na ng negatibong bagay ay nasa akin na.
Katulad noon. Malupit talaga para sa akin ang mundo. Para sa aming dalawa ni Mark na hindi man hinayaang manatili na masaya.
Sa tuwing nagsisimula na kaming mabuo ay dinudurog na kami ng tadhana. Bakit ba napakalupit mo sa akin?
Nagpatuloy ako sa pag-iyak ko hanggang sa abutin na ako ng ambon. Hinayaan ko ang mga iyon na basain ang mukha ko. Linisin ang mga luhang walang tigil sa pagdaloy.
Wala na si Mark. Sa ikalawang pagkakataon ay nawala siya sa akin nang wala akong kalaban-laban.
Nagsimulang bumuhos ang malakas na ulan at hinayaan ko ang sarili ko na mabasa doon. Nagsitakbihan na papasok ang mga tao sa paligid.
Parang nang-iinis lang na dumaan ang ulan. Nagtagal lamang iyon ng halos limang minuto pagkatapos ay huminto na.
Nanlulumo ako na tumingala sa madilim na kalangitan. Hanggang sa malakas na ihip ng hangin ang nagpaginaw sa buong katawan ko.
Nagpasya na akong umuwi. Wala na halos tao sa lugar maliban sa mga crew ng building na naglilinis sa paligid.
Tumayo ako sa harap ng elevator at hinintay ang pag-akyat nito mula sa ground floor.
Halos isang minuto rin ang lumipas bago tuluyang bumukas iyon. Napakurap pa ako sa nakita ko.
Isang pamilyar na anyo ang nabungaran ko na sakay ng elevator na iyon. Ngumiti siya sa akin nang makilala niya ako.
End
******
"Minsan nasasaktan tayo ng mga taong minamahal natin. Mahal natin sila kaya tayo nagagalit, nagtatampo. Pero minsan dahil sa galit at tampo natin ay hindi natin namamalayan na unti-unti na pala silang napapalayo sayo. Dahil minsan napapagod na sila na magsorry at maghintay. At kadalasan kung kailan handa ka nang magpatawad ay saka pa sila tuluyang mawawala sayo."
- Nathaniel Rodriguez
Thank You for reading.
Nickolai214 (Author of Flicker)

No comments:
Post a Comment