Monday, May 25, 2020

Flicker (Part 52)

By: Loverboynicks

Kiel's POV

Madaling araw na nang sa wakas ay matunton ko ang bahay nina Renz. Inabutan pa ako ng malakas na ulan.

Natatandaan ko pa rin ang itsura nito dahil kahit matagal na panahon akong hindi nakapunta ay wala naman masyadong pinagbago ito.

May nakabukas na lampshade sa isang silid sa itaas at maliban doon ay puro kadiliman na ang makikita sa loob ng bahay.

Bumaba ako sa sasakyan at binuksan ko ang payong na palagi kong dala sa kotse ko. Ngunit balewala rin iyon dahil nabasa rin ako sa lakas ng hangin.

Nagdalawang isip pa ako kung pipindutin ko ba ang doorbell o hindi. Pero basang-basa na ako. Putcha wala rin palang silbi itong payong ko.

Marahas ko iyong inihagis sa tabi ko saka ako nagpasyang pindutin na ang doorbell.

Nakita ko na bumukas nang bahagya ang kurtina sa silid na may liwanag ng lampshade pero dahil napakadilim sa paligid ay hindi ko naaninag kung sino iyon.

Sumunod kong nakita ang isa-isang pagbukas ng mga ilaw at halos dalawang minuto rin ang hinintay ko bago ko nakita ang paglabas ni Tita Rina sa main door.
Patakbo siyang lumapit sa gate at tila minumukhaan pa niya ako.

Nanlaki ang mga mata niya nang marahil ay matukoy niya kung sino ako.

"Kiel?" malakas na sambit niya sa pangalan ko.

"Pasensya na po kung naistorbo ko kayo. Inabutan na po kasi ako ng napakalakas na ulan." sabi ko.

Mabilis naman niyang binuksan ang gate saka niya hinila ang kamay ko papasok doon.

"Sandali lang po. May kukunin lang ako sa kotse." sabi ko saka ko dinampot ang payong.

Mabilis akong bumalik sa kotse at kinuha ko ang dufflebag ko doon.

"Bilisan mo at basang-basa ka na sa ulan." nag-aalalang sigaw naman ni Tita Rina sa akin.

Mabilis naman akong bumalik sa gate saka niya ako hinawakan sa braso habang papasok kami sa loob.

Nahiya naman ako kaya inilayo ko ang katawan ko sa kanya. "Tita mababasa po kayo." sabi ko.

Ngumiti naman siya saka niya inayos ang nagulong buhok ko. "Sa akin ka pa ba naman nahiya? Para ka namang iba sa akin." malambing na sagot niya.

Pagkapasok namin sa loob ay inakay na niya ako patungo sa itaas. Tumanggi ako dahil kakalat ang tubig na mula sa katawan ko ngunit mapilit siya at patampong sinabi na magagalit siya kapag hindi ako sumunod sa kanya.

Nahihiya man ako ay sumunod na lamang ako sa kanya hanggang sa makapasok kami sa isang silid sa itaas.

Pinaupo niya ako sa isang bakanteng upuan saka niya hinila pataas ang laylayan ng basang tshirt ko.

Nataranta ako kaya mabilis kong pinigilan ang mga kamay niya. Napahinto siya sa akma niyang paghuhubad sa damit ko.

Tumingala ako sa kanya at nagsalubong ang mga tingin namin. Seryoso na ang anyo niya habang nakatingin sa akin.

"Hubarin mo na iyang damit mo at baka magkasakit ka pa." aniya saka siya nagtungo sa isang cabinet at doon ay kumuha siya ng isang malinis na tuwalya.

Hinubad ko na ang tshirt ko at mabilis naman nakalapit sa akin si Tita Rina at siya na mismo ang nagpunas sa basa kong katawan gamit ang towel na hawak niya.

"Pasaway kang bata ka. May payong ka naman pero nagpakabasa ka pa rin sa ulan." aniya habang pinupunasan ang likod ko. "Magkakasakit ka sa ginagawa mong iyan."

"Pasensya na po kung naistorbo ko pa kayo." nahihiya kong sabi sa kanya pagkatapos ay kinuha ko na ang tuwalya mula sa kanya at ako na ang nagpunas ng basang buhok ko at katawan.

"Ikaw talagang bata ka oo. Magbihis ka na at baka lamigin ka pa. Magpapainit lamang ako ng tubig sa baba para makahigop ka ng mainit na gatas." aniya habang naglalakad patungo sa pintuan.

Huminto siya saka siya muling tumingin sa akin. "Ikaw ba ay kumain na ha?" seryosong tanong niya.

Nahiya naman akong magsinungaling kaya marahan akong umiling. Mula nung maliit pa ako ay hindi na itinago ni Tita Rina ang adoration niya sa akin.

Sa aming magkakapatid ay mapapansin na ako ang pinakapaborito niya. Mula sa

"Hindi pa po. Pero kumain naman ako ng biscuit kanina sa sasakyan." sabi ko na lang.

"Hindi biscuit ang kailangan ng katawan mo. Pasaway ka talagang bata ka. Mabuti na lamang at may pagkain pa sa baba. Iinitin ko para magkaroon ng sustansiya ang katawan mo."

Pagkasabi niya niyon ay tuluyan na siyang lumabas ng silid. Hindi ko man lang naitanong kung nandito ba si Renz.

Mabilis na akong tumayo saka ako nagbihis. Pagkatapos ay nagpasya akong sumunod kay Tita sa labas. Nakakahiya na masyado kung iaakyat pa niya dito yung pagkain.

Paglabas ko sa silid ay napasulyap ako sa dalawa pang silid na naroon. Natukso ako na lapitan ang silid ka nasa bandang kaliwa dahil ang nasa kanan ay silid ni Tita Rina.

Doon ko kasi nakita yung nakabukas na lampshade kanina.

Nang makalapit na ako sa silid ni Renz ay bahagya kong binuksan ang pinto saka ako sumilip.

Walang tao sa loob at parang tambakan ng mga lumang gamit ang silid. Imposibleng silid iyon ni Renz.

Nagtataka man ako ay isinara ko ma iyon. Lumapit ako sa isa pang pintuan. Binuksan ko iyon at wala rin akong nakita na tao sa loob.

Wala si Renz dito. Pero saan naman kaya siya nagpunta? Napakamot ako sa ulo saka ko napagtanto na hindi uuwi dito si Renz nang ganun na lang matapos ang nangyari sa bahay nung nakaraang araw.

Nagpasya na akong bumaba at naabutan ko doon si Tita Rina na naghahanda ng pagkain.

"Wag na po kayong masyadong maghanda. Kaunti lang ang kakainin ko. Matutulog na rin naman po ako niyan. Bukas ay babalik na ako sa maynila." sabi ko.

Ngumiti naman siya saka niya ako inakay paupo sa dining table. "Hindi ako papayag na matutulog ka nang walang laman ang sikmura mo. Kumain ka dito dahil kapag hindi mo naubos ito ay magagalit ako."

Humigop ako ng sabaw pagkatapos ay napangiti ako nang sa wakas ay muli kong natikman ang napakasarap na luto ni Tita Rina.

Naaalala ko pa noong maliit ako. Kapag binabalikan ako ng mga bangungot sa nakaraan ay palagi na lamang si Tita Rina ang hinahanap ko.

Nang wala pa kasi si Renz ay siya ang nagsilbing tagapag-alaga ko. Nakatira pa siya noon sa bahay namin dahil kasalukuyan siyang naghahanap ng trabaho.

Halos isang taon din kaming nagsama at masasabi ko na mas naging close pa ako sa kanya noon kaysa kay Ruth.

Sobrang maalaga sa akin noon si Tita Rina. Sa kanya ko lamang naramdaman ang pagmamahal ng isang ina na hindi ko kailanman naramdaman kay Ruth.

Pero isang araw ay bigla na lamang siyang pinalayas ni Ruth sa hindi ko alam na kadahilanan.

Mula nang iwanan ako ni Tita Rina ay naging matamlay na ako at wala kahit sino man ang makapagpatahan sa akin sa aking pag-iyak.

Pero si lolo ay naging masigasig at ginawa niya ang lahat mapasaya lamang ako. Sina Lolo lamang at Kuya Jordan ang tanging naging sandalan ko hanggang sa nagbinata ako.

Ngunit sa aking paglaki ay dala ko pa rin ang hinanakit ko para kay Tita Rina. Napahinto ako sa akma kong pagsubo nang magbalik sa akin ang lahat.

Napatingin ako sa kanya na nakangiti habang nakatitig sa akin. Sinalubong ko naman ang mga tingin niya ngunit blanko ang anyo ko. Walang mababakas kahit anong klase ng emosyon.

"Napakalaki mo na. Hindi ako nagkamali nang hinala noon na lalaki kang isang makisig, matalino at napakagwapong binata." puri niya sa akin.

Natuwa naman ako sa mga sinabi niya ngunit ang magandang aura sa pagitan naming dalawa ay bigla na lamang nagdilim dahil sa mga sumunod niyang sinabi.

"Kung nakasama lamang sana kita ng mas matagal pa ay maraming bagay pa sana akong naituro sayo." masaya niyang bigkas.

Natawa naman ako ng mapakla saka ko na binitawan ang mga kubyertos na hawak ko pagkatapos ay nagpunas ako ng labi.

Tumigas ang anyo ko at lahat ng galit ko sa kanya noon ay unti-unting nagbalik sa akin.

"Hindi na ako bata para bolahin mo pa nang ganyan. Iniwanan mo nga ako nang hindi ka man lang nagpaalam sa akin diba?" malamig kong sita sa kanya.

Nawala naman ang mga ngiti sa napakaganda niyang mukha. Napalitan iyon ng pagkalito. Tumingin siya sa kung saan sa loob ng ilang segundo saka siya muling sumulyap sa akin.

"Hindi na ako pinayagan ni Don Renato na magpaalam sayo dahil alam niya na hindi ka papayag na umalis ako. Pero maniwala ka sana na hindi ko gustong iwanan ka noon." paliwanag niya.Sa oras na makita ko si Renz ay hindi ko na papayagan na makalapit ka pa sa kanya."

"Pero umalis ka pa rin. Bakit? Anong dahilan mo?" sabi ko sa kanya at hindi ko itinago ang pagdaramdam ko.

Umiling siya saka siya malungkot na tumingin sa akin. "Hindi mo na kilangan pang malaman ang dahilan ko dahil hindi na rin naman mahalaga iyon sa panahong ito. Maayos na ang lahat at-"

"Akala mo lang ay maayos na ang lahat pero ang totoo ay napakagulo pa rin." galit na putol ko sa sinasabi niya.

"Sayo na nga rin mismo nanggaling na kung ano man iyon ay hindi na mahalaga ngayon. Hindi na kita tatanungin pang muli tungkol sa bagay na iyan pero mananatili pa rin dito sa puso ko ang hinanakit ko para sayo."

Mahabang katahimikan ang namagitan sa aming dalawa bago ako muling nagsalita.

"Pasensya ka na kung nakaistorbo ako sayo ngayon dito. Pagkatila na pagkatila ng malakas na ulan ay aalis na rin ako."

"H-hindi mo naman kailangan magmadali sa pag-alis mo. Patawarin mo ako kung hindi ko kayang sabihin sayo ang lahat. Sadya lamang talagang may mga bagay na hindi mo na kailangan pang malaman dahil alam ko na masasaktan ka lang."

"Putang-ina naman. Buong buhay ko ay puro sakit at kalungkutan na ang dinanas ko. Nakayanan kong lahat iyon. Mga kasawian sa buhay at ang isa-isang pag-iwan sa akin ng mga taong pinahalagahan ko. Kaya kung ano mang klase ng sakit ang maidudulot sa akin ng sikreto mo ay balewala na iyon." mahina ngunit matigas kong litanya sa kanya.

Umiling si Tita Rina. Puno ng lungkot at pagkabahala ang magandang mukha niya.

"Hindi! Hindi mo na kailangan pang malaman iyon. Kumain ka na diyan pagkatapos ay magpahinga ka na Kiel. Ihahanda ko lamang ang tutulugan mo sa itaas."

Mabilis siyang tumayo at nagmamadaling umakyat sa itaas. Ako naman ay nawalan na ng ganang kumain. Ininom ko na lamang ang gatas na tinimpla niya sa akin saka na ako mabilis na sumunod sa kanya sa itaas.

Napapitlag pa siya nang bigla na lamang akong pumasok sa silid na pinagdalhan niya sa akin. Kasalukuyan niyang pinapalitan ang bedsheet.

"Napakabilis mo naman? Hindi ka naman yata kumain." nag-aalalang sabi niya.

"Wag mo na akong alalahanin Tita. Hindi ko pababayaan ang sarili ko. Ininom ko yung gatas na tinimpla mo sa akin sa baba. Ako na ang magtutuloy niyan at magpahinga na rin po kayo." sabi ko sa ngayon ay mababa nang tinig.

Sinisikap ko na ibalik sa normal ang pag-uusap naming dalawa. Ngumiti naman siya at sinabi na siya na ang tatapos ng ginagawa niya.

Nakapaglagay na siya ng bedsheet pagkatapos ay lumingon siya sa akin. "Magpahinga ka na. Bukas ka na umalis. Mukhang magdamag na naman ang ulan dito. Tag-ulan ngayon at may bagyo dito sa lugar namin. Delikado ang bumiyahe ng ganyan ang panahon."

Tumango na lamang ako kaya naglakad na siya patungo sa pintuan. Akma na siyang lalabas nang bigla siyang mapahinto. Bumaling siya sa akin saka siya muling nagsalita.

"Kapag may kailangan ka ay katukin mo lang ako sa kabilang silid."

Hindi ko na siya sinagot pa kaya tuluyan na siyang lumabas ng silid. Naiinis ako sa sarili ko dahil sa ginawa ko kanina sa kusina.

Maayos niya akong kinakausap pero para akong gago na bigla na lamang nagalit sa kanya. Hindi ko na naman nakontrol ang temper ko.

Kahit ano pa ang naging issue ko sa kanya dahil sa ginawa niyang pag-iwan sa akin noon ay hindi ko pa rin siya dapat binastos nang ganun.

Nanay pa rin siya ni Renz. Nanay ng taong minamahal ko. Kaya kung gusto ko na magkatuluyan kami ni Renz ay dapat si Tita Rina ang una kong nililigawan.

Napapikit ako saka na ako nag-ikot sa silid na iyon. Kung anu-ano lang ang pinakialaman ko. Mga gamit ni Renz.

Nagtungo ako sa closet na naroon at inusisa ko ang laman nito. Natigilan ako nang makita ko doon ang pamilyar na mga damit ni Addy.

Mayroon pa siyang brief doon. Ano ito extension ng silid niya? Kailangan kasama ng mga gamit ni Renz? Putcha! Nakakagago na talaga.

Tumigas na naman ang anyo ko at hindi ko napigilan ang pagngitngit ng mga ngipin ko sa galit at pagkainis.

Hindi naman lingid sa akin na nagtungo sa lugar na ito sina Renz at Addy nung nakaraan. Pero ang kaisipan na magkatabi silang matulog sa iisang kama ay hindi ko makayanang isipin.

Mabuti sana kung natulog lamang sila. Paano kung ginalaw siya ni Addy.

Padabog kong isinara ang pintuan ng cabinet saka na ako mabilis na lumapit sa kama at ibinagsak ko pahiga ang katawan ko doon.

....sa oras na makita ko si Renz ay hindi ko na papayagan na makalapit ka pa sa kanya.

Fuck! Nag-iinit talaga ang ulo ko sa mga naiisip ko.

Nasaan ka na ba Renz?

Sigaw ko sa isip ko.

No comments:

Post a Comment