By: thelonelyboy2020
Tumango lamang ako ng tanungin ako ni Karen kung gusto ko raw kainin ang Carbonara na hindi niya maubos. “Too much carbs.”, ang pagpapaliwanang niya habang hawak hawak ang kanyang baewang. Inubos niya ang laman ng kanyang sisidlan ng tubig at iniligpit ang pinagkainan. Inipon niya lahat sa iisang tray. Samantalang kaming mga kasamahan niya ay nangangalahati pa lamang sa aming tanghalian.
Biglang tumunog ang silyang nasa dulo ng aming mesa nang hilain iyon ni Javi upang makisalo. “Saan si Arthur?”, tanong ni Karen.
“Hindi pumasok. Emergency daw. Tapos ka na?”, inamoy niya ang mainit na usok na nanggagaling sa kanyang biniling spaghetti. “Hmm”, ang tanging reaksyon niya habang hawak ang tinidor.
“Lakas maka-Italian nitong mga ‘to.”, biglang nagsalita si Philip habang pinipilit nitong ubusin ang biniling Koren Spicy Wings. Pulang-pula narin ang kanyang mukha. Inabutan lamang siya ni Camille ng tubig, kung saan iyon ang naging dahilan upang magsimula na naman ang panunukso ni Karen. Tinutok ni Camille ang kanyang tinidor kay Karen at tila binabantaan siyang tutusukin nito kapag hindi tumigil. Si Karen naman ay pilit na sumisiksik sa aking likod upang magtago. Naitigil lamang ang magulong salu-salo nang biglang tumunog ang aking teleponong nakalapag sa tabi ng aking plato. Nang aking dungawin ay nabigla ako kung sino iyon kaya’t hindi ako nakapag-isip kaagad kung sasagutin ko ba o hindi. Sa halip ay napatitig lamang ako.
“Glen?”, binasa ni Karen ang pangalang nakasulat bago siya tumitig sa akin ng masama. Natahimik ang lahat habang tila naiirita ang mga katabing kumakain doon dahil sa ringtone kong hindi parin tumitigil. “Hoy, ako sasagot?”, ang pagsusungit ni Karen.
“Excuse me.”, nagmadali akong tumayo at naglakad papalayo upang humanap ng puwestong mas tahimik. Nilingon ko muna sila mula sa di kalayuan at napansing nakatingin silang lahat sa akin. Sumandal ako sa pader malapit sa kubeta upang hindi nila ako makita. Sinagot ko ang tawag. Binati niya lamang ako. Hindi naman iyon ang unang beses na narinig ko ang boses ni Glen. Mag-tatatlong buwan narin ng huli ko siyang makasama. Nahihiya ako dahil ako ang biglang tumigil sa pagsagot sa kanyang mga tawag at mensahe, tapos ngayon ay bigla nalang akong sumusulpot.
“Puntahan kita bukas o magkikita tayo somewhere?”, ang kanyang pagtatanong sa akin. Hanggang ngayon ay hati parin ang aking determinasyong makipagkita sa kanya. Alam ko naman ang nais niyang mangyari sa aming dalawa, at bukas naman ang aking isipan sa mga iyon. Ngunit ayaw ko sanang pasukin ang isang sitwasyong wala namang patutunguhan.
“I miss your ass.”, narinig ko siyang tumawa mula sa kabilang linya.
“Fuck you.”, ang tanging naging sagot ko sa kanya. Natawa din ako sa kanyang sinabi at naalala ang aming mga pagtatalo dahil hindi ako sang-ayon sa pagtali niya sa akin sa iisang papel tuwing nasa iisang kama kami.
“Kidding. Nag-promise na ako saiyo diba, you’ll top me, kahit labag sa kalooban ko?”, tumawa ulit siya. Hindi ko alam kung seryoso siya sa kanyang mga sinabi.
“Stop. Ang daming tao dito!”
“Sungit naman nito. So, what do you think?”, sinilip ko ang aking mga kasamahan mula sa kanto kung nasaan ako nakatayo. Masaya silang nagkukwentuhan habang kumakain. Partikular sa isang tao nakatutok ang aking atensyon. Sinasabayan niya sila Karen at Philip sa pakikipagbiruan, at ang laki ng kanyang mga ngiti.
“Okay. I’ll call you tonight.”, at binaba ko ang telepono. Isinilid koi yon sa aking bulsa at naglakad pabalik.
Bago paman ako makaupo ay nakatitig na sa akin si Karen at nakataas ang isa niyang kilay. “Sana All.”, patawang sabi ni Philip. Hinampas ni Camille ang kanyang braso at tinitigan ng masama. Nagsenyas iyon na huwag magsalita si Philip. Ngumiti lamang si Philip sa akin.
Ramdam ko ang mga pagdududa ng aking mga kasamahan base sa tono ng kanilang mga pagtatanong, at base narin sa mga nakakaasiwang mga tingin. Binalewala ko lamang sila at tinapos ang Carbonara sa aking plato. “Sana All”, bumulong ulit si Philip ngunit rinig naman naming lahat. Binato siya ni Karen ng Tissue na nakakumpol. Umiwas siya at natamaan ang babaeng matanda sa kanyang likod. Sabay-sabay silang tumayo at humingi ng paumanhin.
Kinakabahan ako sa mga sinabi ko kay Glen. Wala akong ideya sa kung ano na naman ang papasukin ko. Ngunit tila sinabi narin ng akin isipan na magandang ideya iyon para maibaling sa iba ang aking atensyon, lalo na’t naninibago at nalilito na naman ako sa pagbabalik ni Javi sa aking buhay.
Nagkasalubong ang aming mga mata ni Javi, at wala namang akong nagawa kung hindi ang gumanti lang din ng ngiti.
“May lovelife ka na ah”, ang sabi niya. Agad nag-ingayan ang aking mga kasamahan. Tila hinhintay lamang nila na mayroong magsalita tungkol sa bagay na iyon. Ngunit natahimik lang din sila nang tumitig ako ng masama kay Karen na halos hindi na makahinga sa kakatawa.
“Shh. It doesn’t matter.”, ang tanging sagot ko. Nais kong ubusin ang Carbonara na binigay sa akin ni Karen ngunit nawalan na ako ng ganang kumain. Naisip kong ipabalot na lamang iyon at kakainin ko nalang sa mamaya para sa miryenda. Napansin ko tila pinapanood ako ng aking mga kasamahan. Naasiwa ako sa atensyong binibigay nila. “What?”, tanong ko.
“I know makakaoffend itong itatanong ko, pero—“, hindi ko na pinatapos si Camille.
“I’m seeing a guy, is that what you’re about to ask me?”, napasandal lamang siya at tinakpan ang kanyang bibig. Bakas sa kanyang mukha ang pagkagulat. Maging ang iba ko pang kasamahan ay tila natahimik din. “Oh, tapos na ang pagdudududa ninyo. I’m into guys. “, tumitig ako kay Karen na umaaktong susuntukin niya si Camille. “I’m not offended, but a person’s sexual identity should bother you. Asking is offensive, but you’re my friends kaya okay lang sa akin.”
“Leche ka talaga, pinag-usapan na natin to ah”, binto niya si Camille ng nakakumpol na tissue.
“Sorry na po”, ang pagsusumamo ni Camille.
“Ano ba yan Camille, galing ka ba sa panahon ni Noah?”, ang pagbibiro ni Arthur.
Nagtawanan lamang kaming lahat bago mag-umpisang magsitayuan upang bumalik na ng opisina.
----------
Hinihingal akong nakahiga sa kamang basa ng pawis. Hindi maubos-ubos ang aking ungol nang maramdaman ko ang kanyang dila ng tila kinikiliti ang aking tiyan at dibdib. Napadilat ako nang dumampi sa aking mukha ang init ng kanyang hininga. Maging siya ay hinahabol din ang kanyang hininga. Nakapatong siya sa akin at ilang pulgada lamang ang layo ng kanyang mukha s akin. “How dare you starve me like that?”, bulong nito bago niya ako hinalikan.
Naglalaro an gaming mga dila habang nagpapasahan kami ng laway. Malambot ang mga labi ni Glen, at nalalasahan ko pa ang magkahalo naming likido sa kanyang bibig. Bagamat mas malaman ang kanyang katawan, itinulak ko siya at gumulong ako upang ako naman ang pumaibabaw sa kanya. Tinitigan ko lamang siya bago humalik ng malalim at mabagal. Bumagsak ako sa kanyang katawan at pumikit, habang ang aking ulo ay nakalapat sa kanyang dibdib. Naririnig ko pa ang mabilis na dagundong ng kanyang puso.
Ilang minute din ang lumipas nang walang nagsasalita sa aming dalawa. Himas-himas niya ang aking likod. Damang dama ko ang malalaman niyang mga braso. Nakakabighani ang kanyang amoy. “Drop it.”, bulong nito. Hindi ako sumagot dahil hindi ko naman naintindihan ang kanyang ibig sabihin. “I’ll listen.
Dinadama ko lamang ang tunog ng kanyang paghinga at ang langitngit ng ceiling fan sa kisame. Mamasa-masa parin an gaming mga balat. Nakapikit parin ako. “Are you dating someone?”, tanong ko.
“That’s not it. It’s supposed to be you telling stories.”
“I’ve got none.”
“Impossible. We won’t even have sex if that’s the case.”, tumawa siya ng mahina matapos niyang sabihin iyon. Nakaramdam ako ng pagkadismaya at hiya sa aking narinig.
“Is that how you see it?”, tanong ko.
“Mali ba?”, hindi ako nakasagot sa kanyang tanong. “And it’s okay. We’ve been like this for a long time now. Wala namang nagbago.”, hinalikan niya ang akin noo. “What’s in that pretty head of yours?”.
*******
MARCH 2016 | ONE WEEK BEFORE GRADUATION
Nagmadali akong umuwi dahil sa nakakabahalang tawag ng aking ina bago pa matapos ang ensayo para sa aming nalalapit na graduation. Dali-dali akong nagpaalam kina Meg at Calvin at napatakbo na lamang ako upang mag-abang ng taxi sa labas ng unbersidad. Kahit na dapat makauwi ako sa lalong madaling panahon, alam kong may mangyayaring hindi maganda base sa sinabi ng aking ina. “Kakausapin ka ng Papa mo. “, natunugan ko na kung para sa iyong pag-uusap. Ilang araw narin nang kumalat ang istoryang pinaskil sa Cofessions tungkol sa akin. Hindi ko rin malaman kung sino ba ang may magawa noon. “Varsity Sucker”, ang titulo nito. Hindi ako pinangalanan sa artikulo ngunit maraming mga nagpaskil ng aking litrato sa mga kumento:
“Confirmed.”
“Bagong miyembro ng federasyon!”
“Daming judgemental.”
“Sinong varsity yan?”
“Nothing wrong in being gay.”
“If this story is true, this is probably the scandal we’ve been waiting for.”
“Swerte ni bakla!”
“Curious ako kung sino si Varsity guy!”
Hindi ko na mabilang ang mga kumentong nanglalait sa akin. Tutoo naman kasi. Oo, bakla ako at tinago ko iyon sa halos buong buhay ko. Oo, may saglit nangyari nga sa amin ni Javi at nagustuhan ko iyon. Dala lamang naman iyon ng impluwensya ng alak ngunit hindi ko inaasahang aabot sa ganito. Ayaw na ring makipag-usap sa akin ni Javi. Naiintindihan ko ang kanyang pag-iwas lalo na’t kritikal ang kanyang posisyon. Ngunit parang sinasaksak ang aking puso sa tuwing iniisip kong hindi man lang niya ako magawang kumustahin, kung tutuusin pareho kaming nasa iisang bangkang nalulunod. Nagkataon lamang na hindi ako marunong lumangoy. Maging sila Meg at Javi ay masama ang loob kay Javi. Dahil doon, tila naglaho ang pagkakaibigan namin.
Ayaw magbigay ng detalye ang nagpapatakbo ng pahinang iyon sa Facebook, ngunit nang sinabi kong hanada akong humingi ng tulong sa autoridad, agad niyang binura iyon. Ngunit huli na ang lahat, at mukhang kahit saang dako ako magpunta ay alam ko na ang iniisip ng ibang tao sa akin. Pasalamat ko na lamang at hindi gumawa ng kung ano man ang administrasyon ng unibersidad na posibleng makaapekto sa aking pag-graduate. Mas malaking problema iyon kapag nagkataon. Di bale na iyong ilang gabi kong paghihirap matulog dahil sa kakaiyak at pag-aalala, aalis din naman ako sa susunod na mga araw. Hindi madali ang piliin ang perspektibo na iyon, ngunit wala na rin akong nagawa.
“Sir, di ka munaog?” (Sir, hindi k aba bababa?), ang iritableng tanong ng tsuper sa akin. Nasa labas na kami n gaming bahay. Mula sa bintana at maluluwag na puwang sa aming gate, tanaw ko ang aking mga magulang sa sala n gaming bahay. Bukas ang lahat ng ilaw sa loob at tila nagtatalo ang aking ina at ama.
Inabot ko ang bayad at bumaba nan g taxi. Nakayuko ako at di malaman ang gagawin. Hindi ko maipaliwanag ang labis na takot at kaba na aking nararamdaman. Pinunasan ko ang aking malalamig na pawis at pumasok na ng bahay.
Walang nagsasalita nang makapasok ako. Tinitigan lamang ako ng aking ama bago niya iabot ang kanyang telepono at iniharap ang screen sa akin. Tiningnan ko ang screen at nakita ang eksaktong larawan at artikulo na kumalat sa aming paaralan. Bagamat burado na iyon, marahil ay may nakapag-save dito kaya umabot sa aking mga magulang.
“Wala kang sasabihin?”, ang galit na pagtatanong ng aking ama. Nais kong magtanong kung sinong nagpadala ng mga iyon sa kanila ngunit walang lumalabas na salita sa aking bibig. Tila ba umurong ang aking dila at sumara ang aking lalamunan. Tahimik parin ako at nakatitig lamang sa bintana. Ayaw kong tingnan ang aking mga magulang sa pagkakataong ito. Ano nga ba ang sasabihin ko, na maraming kontra-bida sa aking buhay at nais akong pabagsakin? Hindi naman ito soap opera.
“Diyos ko tama na!”, inawat ng aking ina ang mga kamao ng tatay ko na hayok bumugbog ng anak na nagbigay ng kahihiyan sa pamilya, ngunit hindi niya kinaya si Papa. Hindi ko napigilan ang aking luha nang maramdaman ko ang walang-kasing sakit na pwersang dinanas ng aking pisngi. Bahagya akong nahilo at pinilit na makatayo mula sa aking pagkakahandusay sa sahig. Hinawakan ko ang gilid ng aking labi na parang namamanhid sa tindi ng tama. Biglang humapdi ang sugat sa aking bibig nang doon tumulo ang aking mga luha.
“Huminahon ka, ano ka ba!”, ang pagsusumamo ni Mama.
Naramdaman ko ang pagtulo ng dugo mula sa pumutok kong labi.
“Bakla ka? Putangina ka!”, ramdam ko ang pagngangalit ng aking ama. Isang tadyak ulit ang aking naramdaman na tumama sa aking tagiliran. Kung hindi sinampal ni Mama ang aking amang tila nawawala sa sarili ay hindi iyon titigil. Napatakbo ako sa aking kwarto at kinandado ko iyon. Hindi ko alam kung paano ko nakayang tawagan si Calvin habang humihikbi. Nakasandal lamang ako sa pintuan ng aking banyo habang nakaupo sa malamig na sahig. Naguguluhan si Calvin base sa kung paano siya makipag-usap sa akin ngunit wala akong maintindihan sa mga sinabi niya dahil nangingibabaw ang ingay ng aking pag-iyak. Malabo narin ang aking mga mata dahil sa pagbaha ng luha. Hindi ko na maalala kung saan tumilapon ang aking salamin. Naibaba ko ang telepono dahil wala rin namang magagawa ang aking paghingi ng tulong sa aking kaibigan.
********
Kasingtingkad ng dugo ang kulay ng mga labi ni Miss Rama habang nakasandal at nakahalukipkip sa kanyang silya. Katabi niya ang ibang mga nakakataas sa aming departamento na tila nababagot na dahil sa hindi matapos-tapos niyang mga tanong sa aking presentasyon. Kinuha niya ang lapis na nakalapag sa mahabang mesa at tila may itinuturong bagay sa aking presentasyon. “I still can’t figure out why the lobby has to be that big. I need a reason. It’s going to add up millions, and let me remind everyone that it’s just a boutique hotel.”, ang tanong niya.
Bukod sa kinakabahan ako, pinipilit ko lang din na hindi ipakita ang aking pag-aalala dahil sa pagloloko ng aking laptop. Hindi ko na lamang pinapansin ang mga nakakatunaw na titig ni Miss Rama at ng iba. Napapadasal na lamang ako sa tuwing ayaw tumugon ng aking laptop sa bawat pindot.
Pinaliwanag ko sa kanya kung gaano ka importante ang pagkakaroon ng maespasyong lobby sa isang hotel. At ipinaalala ko sa lahat na nasa Siargao an gaming lokasyon, isang isalng dinadagsa ng mga turista sa iba’t-ibang panig ng mundo. Nilinaw ko rin na kahit malawak ang espasyong nakalaan sa lobby, makakatipid naman sa kuryente at ilaw dahil nakadisenyo ang buong istruktura na umaayon sa mga prinsipyo ng Green Architecture. Alam kong alam naman iyon ni Miss Rama, ngunit napapaisip akong sinasadya lamang niya ang kanyang mga tanong sa akin.
“Hm. Is this your idea, Megan?”. Si Ar. Megan ang aking Immediate Head sa aming departamento. Siya ang nagpapasya kung dapat na ba naming ipresenta ang mga disenyo namin para sa mga proyekto ng kumpanya.
“That’s all Amorsolo’s, Miss.”, kumindat sa siya sa akin at ngumiti lamang.
“Well, you submit that to Finance. We need an initial breakdown of the cost.”, Hindi na sinundan ni Miss Rama ang mga tanong at nag-umpisa na siyang mag-ayos ng mga gamit niya. Ito ang badya na tapos na ang pagpupulong.
“Thank You, Mr. Pueblas.”, tumingin lamang siya sa akin ng diretso. “Meeting is adjourned.”.
Isa-isa nang nagsitayuan ang mga tao sa loob ng silid, at pati si Ar. Megan ay binati ako. Nagpakawala ako ng isang malalim ng buntong hininga dahil naitawid ko ang presentasyon kahit na tila ayaw makisali ng aking laptop sa okasyon.
Bumalik ako sa aking mesa kung saan inilapag ko ang aking laptop. “Paayos mo na yan sa taas.”, ang suhestyon ni Karen sa akin. Tumango lamang ako sa kanyang sinabi. Naisip kong dapat ko nga ito dalhin sa kabilang departamento upang matingnan. Nakita ni Karen ang nakakunot kong noo kaya nag-umpisa na naman siya sa kanyang pag-uusisa sa aking personal na buhay.
“Nahihiya ka no?”, nilingon ko siya at ipinakitang hindi ako natutuwa sa kanyang sinabi. Oo, nahihiya ako. Tumawa lamang siya at niyaya akong pumunta na Food Hall para magmiryenda. Mag-aalas tres na pala. “Tara na, idaan na natin yan sa taas bago kumain.”
“Hindi ako nahihiya”, isinara ko ang aking laptop at inilagay iyon sa sisidlang malapat at may kutson sa ilalim. “Why would I?”, pahabol ko. Hindi ko siya tiningnan at nagbalot lamang ako ng aking gamit.
“Whatever. Bilisan mo”.
----
“I’m not sure if kaya kong ibigay to before 6 pm.”, ang pagpapaliwanag sa akin ni Javi. Nakaupo siya at inuusisa ang aking laptop sa kanyang mesa. “Something’s wrong with the OS, and our IT technician is out of town. Pero let’s see kung magagawan ko ‘to ng paraan.”, itinaas-baba lamang niya ang kanyang mga kilay habang nakatingin sa akin. Ako naman, tumango lamang at sinabing tawagan na lamang ako kung kailan pwede ko nang kunin iyon.
“Please, pa-rush naman. Wala akong maggamit na iba.”, nakisuyo ako sa kanya.
“Oo na nga, gagawan ko nga ng paraan.”
“Okay, thanks.”
“Sige. Tawagan kita.”, ngumiti lamang siya at yumuko na at tumutok sa screen ng laptop. May kung ano-ano siyang pinindot doon. “Hey, are you free aft-“, hindi niya natapos ang kanyang sinasabi dahil naramdaman kong tumunog ang aking telepono sa aking bulsa kaya nagpaalam narin ako sa kanya. “I’ll go ahead.”, hindi ko na siya hinintay na makasagot at nagmadali akong lumabas ng opisina nila. Sinagot ko ang tawag nang makarating ako ng hallway. Pumasok ako ng Fire Exit stairs upang doon ko kausapin si Glen.
“Dinner. 7pm.”, nabigla ako sa kanyang sinabi dahil hindi siya basta-basta nagyayang kumain sa labas. Noon paman, ayaw ko ding sumama sa kanya dahil ayaw ko nang gawing mas malalim pa ang aming pagkakakilanlan. Alam kong gusto niya akong kasama, at maging ako man ay nakakaramdam na panatag ang aking sarili sa tuwing magkasama kami.
“You know my answer.”, ang aking sabi.
Bigla niyang sinabi sa akin kung saan siya maghihintay. Hindi na ako nakasagot at nakaangal dahil bigla niyang binaba ang tawag.
-----
Naisip kong tumungo na lamang sa aming napag-usapang lugar ni Glen kung saan kami maghahapunan. Pasado alas siete na at wala paring balita kung maayos na ang aking laptop. Nauna nang umuwi ang iba kong mga kasamahan at naiwan akong naghihintay sa aking istasyon. Tinitigan ko lamang ang aking telepono habang naka loob ng pababng elevator. Tumunog at bumukas ang pintuan, kasabay ang pagbungad sa akin ng mga nag-aabang upang sumakay papuntang itaas. May mga taong nakaupo sa mga sofa sa lobby. Iyong iba marahil ay naghihintay sa kanilang mga kasamahan. Iniayos ko ang pagkakasabit ng aking bag sa aking balikat at nag-lakad patungong labasan, ngunit napahinto ako nang marinig kong may tumawag sa akin.
“Moy!”, napalingon ako. Nakita ko si Javi na tumatakbo papalapit sa akin. Hawak niya ang aking laptop case. Huminto siya sa aking harapan at napayuko siya dahil bahagyang hiningal siya sa kanyang pagtakbo.
“Oh, why were you running?”
“Sorry, I went to your station a while ago pero sabi ng guard nakababa ka na daw… Here”, inabot niya sa aking iyong laptop case. Kinuha ko iyon. Binuksan ko ang aking bag at isinilid ang aking laptop. Napaluhod ako sa sahig dahil inaayos ko nang mabuti ang aking mga gamit. Tumayo agad ako at nagpasalamat.“Teka, uwi ka na ba?”, ang kanyang pagtatanong. Hindi pa naman ako uuwi dahil makikipagkita pa ako kay Glen. Nais kong sabihin iyon sa kanya ngunit napalingon ako sa direksyon kung nasaan ang Reception Desk dahil nakita ko ang isang pamilyar na pigura. May pagka hapit ang suot nitong itim na Polo Shirt at kupas ang maong na suot nito. Bahagyang madungis ang suot niyang puting Chuck Taylor. Hindi nga lang pantay ang pagkakatupi ng dulo ng kanyang pantalon. Maiksi ang kanyang gupit at may makinang na hikaw sa kanang tainga niya. May katangkaran siyang tao.
Nagkasalubong ang aming mga mata. Napangiti siya, kumaway siya sa akin na siyang dahilan upang mas maging kapansin-pansin ang hubog ng kanyang baso. Tumakbo siya papalapit sa aming kinatatayuan ni Javi.
“Why are you here?”, nakakunot ang aking noo dahil nagulat ako nang makita ko siya.
“Ah, it’s 7:20 already. Pinaghintay mo ako.”, sinungitan niya ako ngunit agad naman niya iyon binawi sa pamamagitan ng pagngiti sa akin. Napatingin siya sa lalaking nakatayo sa aking tabi. Ilang segundo kaming natahimik.
“Ah, Si Glen pala. Glen, si…”, napahinto ako sa aking pagpapakilala nang titigan ako ni Glen ng tila may halong malisya.
“Javi.”, nagpakilala si Javi sa kanya. Nagkamayan lamang silang dalawa. Nagkatinginan kami ni Javi at naalalang hindi ko narinig ng maayos ang kanyang sinasabi kanina.
“Ano nga ulit yun?”, ang aking pagtatanong.
“Ah, wala. Bukas nalang.”, ngumiti lamang siya sa akin habang pailing-iling. “Anyway, nice meeting you , Glen. Tapos Moy, if you still have problems with that, dalhin mo lang sa amin. Mauna na ako, ha?”, nagpaalam na si Javi sa aming dalawa. Pinanuod ko lamang ang kanyang imahe na lumiit habang papalayo siya amin. Pinagbuksan siya ng guwardiya at tuluyan nang naglaho sa aming paningin.
“Kaya naman pala.”, bigla kong narinig si Glen na nagsalita. Alam ko na kung ano ang ibig niyang sabihin sa tono ng kanyang pananalita.
“Malisyoso.”, inirapan ko siya at niyaya na siyang lumabas. “Tara na.”
“Sus, namumula nga mukha mo eh.”, sinundot niya ang aking pisngi gamit ang kanyang hintuturo. Inawat ko siya gamit ang aking kamay upang mailais ang kanyang daliri sa aking mukha. “Joke lang.”, sabi niya.
“We’re friends.”, pagpapaliwanag ko. Hindi ako sigurado ngunit pakiramdam ko ay kailangan kung linawin sa kanya na magkaibigan lamang kami.
“So are we.”, nakapasok ang kanyang mga kamay sa kanyang bulsa habang papalabas kami ng gusali. Agad na umihip ang may kainitang hangin pagkalabas namin. “And we’re sleeping together. Do you have the same kind of friendship?”.
“You really want to know?”
Tumawa lamang siya sa akin at umiling. “Biro lang. Ito naman. Baka masaktan lang ako kapag sinabi mong Oo.”
“Bakit ka naman masasaktan, hindi naman Tayo.”, sinundan ko iyon ng tawa. Pakiramdam ko ay nakaganti ako sa kanya. “Fuck!”, ang aking naging reaksyon ng sikuhin niya ako matapos kong sabihin iyon.
“Feeling ng gago.”, ang sabi niya. Nagbelat lamang ako sa kanya bago at sinundan ulit iyon ng tawa.
“Seriously Glen, you need to find someone who best suits you.”
“Hindi naman ako damit.”
“Someone who truly deserves you.”
“Hindi naman ako trophy.”
“Someone who loves you.”
“Hindi mo naman ako mahal.”, natahimik ako nang sabihin niya iyon. Napatingin lamang ako sa kanya at nagkasalubong ang aming mga mata. Una siyang umiwas at tumitig lamang diretso sa bangketang tinatahak namin. Mailaw ang paligid at mgay mga dahong nalalaglag sa tuwing humahangin. Nakahilera ang mga naglalagas na puno. “Joke.”, sabi niya.
“Alam ko.”, pinilit kong ngumiti. Narinig ko ang kanyang buntong hininga. “I want to see you happy.”, ang sabi ko.
“You’re judging me. Tingin mo malungkot ako?”, tanong niya.
“I’m not sure. Why are you still on Grindr, if you’re not lonely?”
“Judgemental talaga.”, binatukan niya ko ng mahina. “Porket nasa Grindr malungkot na agad? Hindi ba pwedeng libog lang while being emotionally stable?”.
Siguro tama din si Glen. Ngunit hindi ako magsisinungaling na ang dahilan kung bakit ako gumamit ng aplikasyon na iyon noon ay dahil pakiramdam ko, nag-iisa lamang ako. Hindi ko naman maipipilit ang aking mga prinsipyo at paniniwala kay Glen. Marahil nga iyong dahilan niya ay iyon talaga. Marahil balido din naman ang aking dahilan. Kanya-kanya nga, sabi nga nila.
“Anong kakainin natin?”, tanong ko.
“Ikaw.”, ngumiti siya ng masama sa akin. Inapakan ko ang kanyang puting sapatos na siyang nagpa-aray sa kanya.
“Sabi ko, ikaw, anong gusto mong kainin!”, paliwanag niya mula sa aking likuran. Nauna na akong pumasok sa restawran habang pinipigilan ang aking tawa. “Wait for me.”
Humarap ako sa kanya at ngumiti lamang. Nasaksihan ko siyang nagmamadaling habulin ako. Pinunasan niya ang kanyang pawis sa noo gamit ang kanyang kamay. Ang makakapal niyang mga kilay at magagandang mata ang siyang tila nagpahinto ng oras. Kahit kailan, may kung anong elemento sa kanya ang nakakahumaling. Nakakagaan ng kalooban. Glen, hindi ka ba talaga malungkot?
********
2016 | GRADUATION REHEARSAL
Habang iniensayo namin ang pagmamartsa at ang pagtatalga ng mga upuan, diretso lamang ang tingin ko sa etablado kung saan nandoon ang mga propesor na abala sa pagmamando sa lahat ng estudyanteng kalahok sa nalalapit na graduation. May mga mula sa mababang lebel ang gumagawa ng disenyo ng entablado. Mga artipisyal na bulaklak, kurtina, mga malalaking letra, at marami pang iba. Naririnig ko ang mga pagrereklamo ng mga kasamahan ko dahil anrin sa hindi pinaandar ang Aircon ng gymnasium. Pinunasan ko ang aking pawis na tumuko sa aking mukha at agad akong napa-araw dahil nalimutan kong may sugat pala ako sa gilid ng aking bibig. Nasa magkabilang hilera sina Meg at Calvin kaya wala akong makausap. Hindi ko mahagilap kung nasaan sina Arthur. Magkaiba naman an gaming kurso kaya’t nasa may bandang huli sila naka-upo. Napaisip ako, bakit ko pa ba sila hahanapin?
Itinuon ko na lamang ang aking atensyon sa pakikinig sa mga instruksyon. Ngunit napupukaw lamang ang mga eksana sa aking isipan kung paano ko sinapit ang lahat ng ito. Narinig ko ang mahihinang bulong mula sa aking likuran mula sa mga hini ko naman kilalang tao. Paano ba ako magbibingi-bingian sa ganitong sitwasyon. Hindi ko alam kung paano. Hindi ko alam kung gaano pa ito katagal. Ang nais ko lamang ay maglaho na sa sitwasyong ito.
Tumayo ako at naisip na hindi ko na tatapusin ang ensayo. Tutal, halos araw-araw naman namin itong ginagawa kaya’t kabisado ko narin ang lahat ng mga gagawin. Hindi ko na pinansin ang mga nagtitinginang mata sa aking pagtayo at nagmadali na lamang naglakad upang lumabas. Nakita ko sina Meg at Calvin sa di kalayuan. Bakas ang pag-aalala sa kanilang mga mukha ngunit hindi ko na muna pinansin iyon. Lumabas ako at tumungo sa napabayaang hardin sa likod ng PE Building. Natiyempo kong walang tao doon at tumungo sa lilim ng isang maandang Acacia. Napasandal ako sa puno at napapikit na lamang. Pinipigilan ko ang aking mga luha sa pamamagitan ng paghinga ng malalim. Hingang malalim upang mapigilan ang aking pagsabog.
Napadilat ako nang marinig ko ang lagaslas ng mga patay na dahon sa lupa. May naglalakad papalapit sa akin. Nakita ko ang malungkot sa mga mata ni Javi. Hindi ako sigurado kung ang kalungkutan na iyon ay para ba sa akin.
Siguro.
Siguro hindi.
Ibinaling ko ang aking tingin sa malayo at hindi kumibo. Huminto siya sa paglalakad at sumandal din sa parehong puno. Hindi kami nag-imikan at nararamdaman ko ang kanyang presensya sa aking tabi. Kaunti lamang ang distansya sa pagitan naming dalawa. Naglalaro ang emosyon sa aking dibdib. Hahawakan ko ba ang kanyang kamay, o hahablutin ko ang kanyang kwelyo upang suntukin siya? Napapikit ulit ako habang iniisip iyon.
“Yung… sa mukha mo.”, narinig ko siyang nagsalita. Hindi ko parin siya tinitingnan. “Anong nangyari?”.
“It doesn’t matter.”, ang tanging sagot ko. Walang intonasyon o emosyon ang aking boses. Wala akong salitang narinig mula sa kanya pagkatapos ko siyang sagutin. Marahil hindi din niya alam ang sasabihin. Napaisip ako, nais ko nang tapusin ang paghihirap na ito. Itong kinimkim ko ng mahigit apat na taon. Iton nagpapabigat sa aking kalooban. Ito marahil ang magpapalaya din sa akin. Wala na din naman akong maisasalba pa.
“I’m inlove with you.”, naramdaman kong gumalaw ang kanyang ulo. Nakatingin na siya sa akin.
“Matagal na. You may not know it, but I am… I was, I guess.”, pinilit kong magpakawala ng mahihinang pagtawa sa aking sinabi. Hindi siya nagsasalita kaya’t ipinagpatuloy ko ang aking pagpapaliwanag.
“I’m telling you this not because I’m expecting something in return. How could I? You’re just someone who’s very far from me. You’re totally out of my league.”, ibinaon ko ang aking mga kamay sa aking bulsa.
“I’ve been confused all my life. I don’t know who I was, or what I really wanted.”,lumingon ako at nagkasalubong ang aming mga mata. “UntiI met you.” Yumuko ako at tinigan lamang ang mga patay na dahon sa aming paanan.
“I’m telling you this because I want to give myself a favor. Ang unfair naman kasi, puro ikaw lang laman ng utak ko sa napakaraming taon. Gusto ko lang maging malaya.”
“Thank you for everything, Javi. For being a friend. For being a great guy.”
“Moy…”, ang mahina niyang sabi. Tila hindi niya alam ang kanyang sasabihin.
“You don’t have to say anything. “, ngumiti lamang ako sa kanya. “Masaya ako at hindi ka nadamay sa problema. Inabot nga lang ako ng sapak ng tatay ko, pero okay lang naman yun. In a few days, I’ll be leaving this city. I’ll be meeting new friends. I’ll probably find a very handsome guy—God please.”, tinawanan ko ang aking sarili kahit tila nababasag na ang aking boses.
“I just want to say Good Bye.”, ang pinakahuling sinabi ko bago ako makarinig ng ingay mula sa di kalayuan. Nakita ko si Meg at Calvin, nakatitig lamang sa akin. Kinawayan ko siya at dumistansya na mula sa puno at kay Javi. Hindi ako nagsalita at tumango lamang sa kanya upang magpaalam. Naglakad ako papalapit sa kinatatayuan ng aking mga kaibigang nag-aalala. Ngumiti lamang ako sa kanila ngunit ang aking mga mata ay hindi nakapagpigil sa pagpapakawala ng aking luha. Hindi ko na siya nilingon sa aking likuran. Nais ko nang makalimot.

No comments:
Post a Comment