Wednesday, May 6, 2020

Elevator, Truth and the Past (Part 2)

By: thelonelyboy2020

“Tangina Karen pag sumuka ka sa kotse ko tatapon kita sa Pasig.”, reklamo ni Arthur habang naka-alalay silang dalawa ni Camille sa halos hindi na makalakad na kasamahan. Dumungaw ako sa aking relo at nakitang mag-aalas onse pa pala ng gabi. Tila ang agang matapos ng isang “Night-out” kung iisipin. Sabay-sabay kaming lahat naglakad papuntang Parking Lot at tumungo sa nakagaraheng kotse ni Arthur. Dahan-dahan nilang ipinaupo si Karen sa loob. Bagamat hirap, pinilit nilang hindi sila mauntog habang yumuyuko papasok. Si Philip naman ay tila hindi mahila ang hawakan ng pintuan sa harapan kaya naman inalalayan ko na siya.
“Pano ba, hatid ko na tong mga to.”, ang mahinanong pahayag ni Arthur habang binubuksan niya ang pintuan. Buti na lamang at matibay siya sa mga ganitong bagay.
“Sabay na ako kina Amorsolo, Art.”, sagot naman ni Camille habang yakap yakap ang kanyang bag. Pansin ko na din na inaantok si Camille.
Isa-isa na kaming nag-paalam sa mga nakasakay sa kotse. Tumungo kami sa gilid ng daanan at pinagmasdan lamang ang asul na kotse na dahan-dahan umaatras sa espasyo kung saan ito nakaparke. Kumurbada ang direksyon nito at hindi kinalaunan, dahan-dahan na tumulin ang takbo palabas ng parking lot. Naaaninag pa namin si Philip na kumakaway mula sa bintana. Kumaway narin kami.
“Bakit mo pa kasi iniwan yung kotse mo?”, ang pagtatanong ni Camille kay Javi. Sabay-sabay kaming lahat dumating sa KTV Bar sakay ang Ecosport ni Arthur. “Insist-insist kapang para-close, eh ang sikip natin kanina sa likuran”, natatawang  sabi ni Camille. Napakamot lamang ng ulo si Javi habang inaalala an gaming sitwasyon kanina. “Tapos ngayon babalik ka pa ng parking lot sa office para sa kotse mo.”.
“High Street tayo ha, then daan niyo ako ng 11th Av.”, isinabit ni Camille ang kanyang bag sa balikat. Pumuwesto ako sa kaliwa, habang iniwan ko si Javi sa kanan. Napapagitnaan na namin si Camille habang tinatahak namin ang matao at mailaw na Bonifacio High Street.

Katamtaman lamang ang bilis ng aming paglalakad at hindi naman kami nababagot dahil nag-uusap naman kami. Karamihan ay puro tungkol kay Javi. Napag-alaman naming nirekomenda siya ng isang Executive kaya’t mabilis siyang nakapasok sa companya. “Kung ganun hindi ka nahirapan kay Ms. Rama?”, ang mausisang tanong ni Camille. “Punyeta, eh impakta kaya yun. Akala mo naman may-ari ng kumpanya, Assitant VP lang naman pala.”.
Tila naiilang si Javi at napatingala lamang sa kalangitan. Hindi siya nakasagot ng ilang segundo. Napatingin na lamang ako kay Javi at tila pinipigilan ko ang aking tawa. Lumingon sa akin si Camille at tila naguluhan. “Oh, bakit?”.
“Tita niya si Miss Rama.”, ako na ang umako sa pagsagot sa tanong ni Camille. Ngumiti lamang si Javi sa aming dalawa. Nanlaki ang mga mata ni Camille at tinakpan niya ang kanyang bibig gamit ang kanyang dalawang kamay. “Joke lang yung sinsabi ko!.”, pa-iling-iling siya. Napatingala kami nang makarinig ng kulog, ngunit tila isinawalang bahala lamang namin iyon.
“Actually Ms. Rama is my dad’s partner for ten years now. My mom passed way when I was 7. Walang akong masyadong memories with her. But Tit-Ms. Rama was there naman.”, lumingon siya sa akin.
“Step-mother mo? “, pahabol na tanong ni Camille. Nakahalukipkip na kaming tatlo dahil malamig ang ihip ng hangin.
“You can say that. But they never married so technically, hindi. Don’t worry, ibang executives ang nag-interview at nag-hire sa akin. Technically naman hindi kami related in all degrees kaya hindi siya complications sa employment ko.”, ipinasok ni Javi ang kanyang mga kamay sa kanyang bulsa.
“Wala naman akong sinabi ah. Tapos ikaw, all this time, hindi ka nagsasalita?”, tumingin ng masama sa akin si Camille. Tumango lamang ako at ngumiti. “I knew it. She interviewed me during my application. I was shocked, to be honest. When I met her four years ago, she even made breakfast for us. Ang bait niya sobra. But the interview was torture. Instant switch to Miss Michin mode.”, nagkasabay kami ng pagtawa ni Javi.
“Alam mo ba hanggang ngayon pinapalo parin niya ang puwet ko.”
“Oh. Nothing has really changed, noh?”, natutuwa ako sa kanyang sinabi.
Sunod-sunod ang pagbabatuhan namin ng mga nakakatuwang karanasan kay Ms. Rama. Magaan parin kausap si Javi, parang walang nagbago. Nagbago lang ang kanyang bihis, mas lalo siyang kumisig at naging mas kahanga-hanga ngunit ang kanyang estilo ng pakikisama at pagbibiro ay hindi parin nagbabago. Mahilig parin siyang magkamot ng batok sa tuwing nahihiya o naguguluhan. Ugali parin niya ang paggalaw ng kanyang ulo upang maiunat ang kanyang leeg sa magkabilang dako. Kanan, kaliwa. Pinapakusot parin niya ang kanyang ilong sa tuwing hindi namin nakukuha ang kanayang mga biro.
“Hindi halata na close kayo no?”, nagpalipat-lipat ang tingin sa amin ni Camille. “Di naman kayo mag-ex?”.
Sabay kaming tumanggi ni Javi. “Straight pa yan sa ruler no.”, tinawanan ko lamang si Camille.
“Okay fine. Paano, andito na ako. 11:25 pm na, baka hindi na ako pagbuksan ng kapatid ko.”, nag-paalam na si Camille at naglakad patungo sa gate ng tinutuluyang Condominum Building. Pinagbuksan siya ng guwardiya at bago pumasok ng tuluyan, kumaway pa siya sa amin.
Nag-umpisa na kaming maglakad at binaybay namin ang 11th Avenue. Kahit alas onse na ng gabi, tila hindi talaga nauubos ang mga tao at mga sasakyan sa kalsada. Mailaw parin at makinang ang halos lahat ng bahagi ng syudad. “How do you go home, ang layo pa ng Cavite?”, ang pagtatanong niya. “Hatid kita?”. Napatingala ulit kami ng marinig ang malakas ng kulog.
Napalingon ako sa kanyang sinabi. Napangiti ako dahil doon ngunit tila nakaramdam din ako ng hiya. “May apartment ako diyan sa malapit. Weekends lang ako umuuwi ng Cavite. And I don’t remember telling you that I live there”.
“Ah, how about y-ah, okay.”, tumango-tango siya at hindi tinapos ang kanyang pagtatanong.
“It’s fine. Ask whatever you want.”
“Wala. Wag mo nang isip--fuck.”, biglang bumagsak ang mga butil ng tubig. Nagkatinginan muna kaming dalawa bago naisipang tumakbo at sumilong sa pinakamalapit na Coffee Shop na aming narrating. Hingal-hingal naming pinanasan an gaming sarili, dahil bahagyang nabasa kami ng ambon. Hinugot ko ang ilang piraso ng tissue mula sa aking bag at iyon ang ginamit ko upang matuyo ang aking mukha at mga braso. Iniabot ko sa kanya ang plastic na lagayan at humugot narin siya. “Thanks.”, pasalamat niya.
“Sure.”, Sinuklay ko ang aking buhok gamit ang aking mga daliri at inayos iyon. May kahabaan na rin ito. Pinunasan ko ang aking salamin gamit ang aking panyo kaya’t hindi masyadong malinaw an gang aking paningin noong sinoot ko iyon muli.
“CR lang ako? Wait for me.”, ang pagpapaalam niya. Tumango lang ako at ako na lamang ang naiwang nakatayo sa bahaging harapan ng Coffee Shop kung saan mayroong Covered Proch. Inabot siya ng halos sampong minuto kaya naman naisipan kong pumasok na lamang. Ngunit  bago paman ako makapaglakad papasok ay bumukas ang pintuang salamin at lumabas siyang may hawak na dalawang kape. “Grande Latte. I assume it’s still your favorite?”, ang tila nakikisuyo niyang pahayag.
Natuwa ako sa kanyang inabot sa akin kaya naman nagpasalamat ako. Inamoy ko ang usok na lumabas sa lid at napapikit. “Hmm. Not the best Latte, but Latte is always the best.”. Dahan-dahan akong humigop habang nanunood lamang ng mga dumadaan na kotse. Ang mga taong nakapayong na naglalakad sa ilalim ng ulan at makulay na ilaw mula sa mga gusali ay tila hindi nababahala sa basang kalsada. May iba na natatalsikan ng tubig sa tuwing may mga humaharurot na sasakyan. Nakakatuwang pagmasdan ang mga replesksyon sa mga naiipon na tubig ulan sa konkretong bangketa.
Walang nagsasalita sa aming dalawa, at mukhang maging siya man nakikiramdam lang din. “Excuse me”, ang sambit na isang babaeng dumaan sa harap namin. Wala din siyang payong kaya naman binalot lamang niya ng panyo ang kanya ulo. Pagdating sa dulo ng shed ay tumakbo ulit ito papunta sa pinakamalapit na masisilungan. Nagkadikit ang aming mga braso nang umatras ako upang bigyan ng espasyo ang babae, ngunit agad din akong dumistansya.
Narinig ko siyang naubo ng mahina kaya napalingon ako. Ngumiti lamang siya. Bahagya lamang ang pagkurba ng kanyang bibig. Tumango lamang ako at agad na bumalik sa pagmamasid ng kalsada. Hindi ko alam kung mayroon ba akong nais sabihin dahil tila nakakabahala ang katahimikan naming dalawa. Nag-iisip ako ng kung ano man ang pweding itanong ngunit nauunahan ako ng hiya.
“You think may magic yung panyo?”, pagtatanong niya. Hindi ko maintindihan ang kanyang ibig sabihin.
“huh?”
“That girl.”, itinuro niya iyong babae na tanaw parin namin kahit may kalayuan na. “So hindi na siya magkakalagnat dahil tinakpan niya ng panyo ang ulo niya?”.
“Oh, come on.”
“So it’s like, as long as your head isn’t soaked, hindi ka magkakasakit?”
“There is no science behind that, you know that. Nasanay lang talaga tayong mga tao.”
“Bakit ikaw, di mo ginamit panyo mo kanina?”.
“I have my personal beliefs. I’m aware of what’s a myth and science.”
“So you’re saying she doesn’t know what’s a myth and science?”
“I said it’s my personal belief. It does not have any implications on others. Cut the fuzz, what’s your point?”

Lumingon ako sa kanya. Nakatingin din pala siya sa akin, nakangiti, at tila hinihintay ang aking iritableng reakson sa mga tanong niya. “Wala. I just thought that it’s really awkward. You’re not talking. I’m not talking.”, tsaka niya ako tinawanan.
 “Hindi ka parin nagbabago.”, pinigilan ko ang aking pagngiti. “Until now, you still can’t let an argument go.”. Hindi ako sumagot sa kanyang sinabi. “We’re… Friends, right?”, ang maamo niyang pagtatanong.

Kinailangan ko lang talagang humanap ng trabaho kaya’t pumasok ako sa kumapanyang iyon. Nais kong makapag-ipon sa gagamitin kong panggastos sa aking pang-review at pang-board exam. Napilitang bumalik ng Abu Dhabi ang tatay ko matapos ang isang taon upang mahulug-hulugan namin ang lahat ng nagastos namin sa pag-papagamot sa aking ina. Hindi ko na hinayaan ang sarili kong magtapon ng oras, kaya’t agad akong nagpasa ng aking aplikasyon sa isang kumpanyang naghahanap ng Architectural Designer. Buo ang loob kong maisalba ang sarili ko mula sa pagkakalugmok kaya’t bumiyahe ako ng halos tatlong oras mula Cavite papuntang Metro Manila upang maitawid ang aplikasyon na iyon. Hindi naman ako nahirapan sa unang parte ng pakikipanayam dahil mabait naman ang HR personnel na nakipag-usap sa akin. Ngunit halos di ako agad makapagsalita nang tawagin ako para sa huling interview. Bagamat gulat, pinilit kong sumagot na maayos at pulido sa mga tanong ni Ms. Rama. Tinapos namin ang pakikipapagpanayam sa loob lamang ng halos tatlongpong minuto. Hindi ko hinayaang kainin ako ng pagdadalawang-isip at takot. “It’s nice to see you again, Mr. Pueblas. See you next week.”, ang huling pangungusap na pinakawalan niya matapos ang interview. Kinamayan ko siya at nagpasalamat. Tumalikod at at nag-umpisang maglakad palabas ng silid, ngunit napahinto ako nang tawagin niya ako. Nilingon ko siya. “I’m still your tita Rama, Moy. Hindi mo kailangang matakot.”, nakangiti niyang sabi. Nais ko sanang sumagot na ayaw kong mahaluan ang aking pagtatrabaho ng ano mang pang-personal. Nais ko sanang sabihin na hindi ko na siya tatawaging Tita ulit dahil hindi na kami magkaibigan ni Javi. Nais kong sabihin na wala sa akin kung makarating man kay Javi na dito na ako magtatrabaho. Naisip ko lang, mukhang hindi naman talaga kami magkaibigan. Ngunit napaisip ako, naging magkaibigan man kami o hindi, marahil oras na para kalimutan ang nakaraan. “Thank You, Ms. Rama. I look forward to working with you.”, sinuklian ko siya ng ngiti bago lumabas ng silid.

“Are you suggesting that we weren’t?”, kumunot ang aking noo.
“Hey, it’s not what I meant.”
“We are still friends.”, ngumiti lamang ako bago ko itinuon ang aking atensyon sa pahinto nang ulan at kape sa aking kamay.

******

5TH YEAR | DECEMBER 2015

Pinagmamasdan ko ang mga di mabilang na studyanteng naglalabas-masok sa gate ng unibersidad habang nagkikislapang ang mga ilaw ng sasakyan sa kalsada. Nakaupo ako sa malambot na silya ng Cecil’s habang nakahalumbaba sa mesa. Nangangalahati na ako sa paggawa ng aking Powerpoint Presentation para sa aking Thesis Defense sa nalalapit na Pebrero. Kung tutuusin, maaga akong matatapos kaya naman matutulungan ko pa ang iba kong kaklase kung sakali. Mag-aalas nuebe na ngunit kahit ganoon, buhay parin ang celebrasyon ng unibersidad. Tumunog ang aking telepono na nasa tabi lamang ng aking laptop.
“University Week tapos nagti-thesis ka? Ang Classic!”, ang panunukso ni Meg.
“Bayaran mo ako per day if you need my help sa presentation mo.”.
“Gago ka, uwi ka na in a few minutes. Baka makidnap ka pa.”
“Yes, Ma.”, pagkababa ko ng telepono ay eksaktong tumunog ang chimes na nakasabit sa pintuan ng Cecil’s, kasabay ang pagpasok ng dalawang lalaking pasuray-suray ng lakad. Kakaunti lamang ang tao sa loob ng silid ngunit halos lahat ay nagtataka at nagtitinginan nang tumungo sa kinauupuan ko ang dalawa. Isinara ko ang aking laptop bago paman sila makaupo sa dalawang abakanteng silya sa aking harapan. Sumandal si Arthur sa Glass Window kung saan halos nakadikit ang mesa. “Shit, my head.”, ang pagrereklamo nito. Inilapag ni Javi ang kanyang mga kamay sa mesa at tumitig lamang sa akin. “Rave.”, ang tanging sinabi niya sa akin. Tumango lamang ako at inubos ang natitirang Latte sa aking tasa.
“Kumusta naman ang mga thesis ninyo?”, pagtatanong ko.
“W-wait, wait. No school talk, okay?”, sinaway ako ni Arthur.
“Don’t worry about us.”, itinaas-baba ni Javi ang kanyang kilay na tila sinasabing wala namang dapat ipag-alala. “We’re lucky we got out early. Nagkakagulo na dun. “, natatawa si Javi habang nagkukuwento kung paano naipuslit ng ibang kasapi ng Studen Organizaton ang alak sa loob ng unibersidad. “You seem uniterested?”, bahagya siyang yumuko upang mailapit niya ang mukha sa akin.
“I’m a good boy. Can’t relate.”, sabay kaming nagtawanan.

Biglang tumunog ang telepono ni Arthur at nagising siya sa kanyang pagkakaidlip. Dali-dali niyang hinugot ang kanyang telepono sa kanyang bulsa at sinagot iyon. Hindi niya mapindot ng maayos ang screen dahil sa nababaliktad niya ang hawak nito dala ng pagkabigla at hilo. “H-hello Pa!”,tila nagboses bata si Arthur.
Pinagmamasdan lang namin si Arthur habang kinakausap ang kanyang ama sa kabilang linya. Nagkakamot siya ng ulo na siyang nagpagulo ng ayos ng kanyang buhok.
“Papa’s boy parin ang loko.”, ang bulong ni Javi. Siniko siya ng kanyang katabi.
“Ang baby nga ng boses eh.”, dagdag ko. Tumitig siya sa akin ng masama.
Sumandal si Javi sa balikat ni Arthur kung saan malapit sa kanyang teleponong na nakalapat sa kanyang tainga. Agad itong nagboses-babae. “Babe, fuck me hard!”, ang pagbibiro nito. Tinulak siya ni Arthur at muntikan na itong mahulog sa upuan. Napakapit siya sa mesa at umayos ng upo. Hawak-hawak ko ang akin tiyan habang ginagawa ko ang lahat upang hindi ako mapasigaw sa kakatawa. Binaba ni Arthur ang telepono at tumayo. “Gago ka! I’m going home. Nasa Starbucks si Papa.”, umakto siyang susuntukin si Javi, ngunit umupo na naman ito. Nagpalipat-lipat iyon ng tingin sa aming dalawa habang nakakunot ang noo. Tumaas ang isa niyang kilay at ngumiti ng masama. Lumingon siya kay Javi.
“What?”, pagtatanong ni Javi. Nakangiti parin si Arthur sa kanya, pagkatapos ay biglang lumingon sa akin. Bumalik ulit siya sa kanyang katabi at tumawa. Kahit ako, hindi ko iyon maintindihan. Marahil ay kailangan na talaga niyang umuwi.
“Tangina gago”, napamura si Javi habang inipit niya ang bibig ni Arthur gamit ang kanyang mga daliri. “Fuck you, man!”, napabakwis si Arthur at tumayo, tumatawa parin.
“Good bye!”, naglakad siya papalabas, ngunit napapansin ko parin ang paggalawa ng kanyang mga balikat dahil sa pagpipigil sa pagtawa. Tumunog ang chimes at sumara ang salamin na pintuan ng Cecil’s.
“He’ really drunk.”, pailing-iling si Javi habang nag-uunat. Tumango lamang ako. “How about you, paano ka uuwi?”.
Tumingala lang ako sa kisame ng ilang segundo bago sumagot. “Jeep. Taxi. Depende. Di naman ako nagmamadali. Ikaw, kaya mo pa bang mag-drive?”.
Tumitig lamang siya ng ilang segundo bago tumingin sa salaaming pader kung saan tanaw ang mataong gate ng unibersidad.
“Siguro.”, humarap siya sa akin ulit. “Na-try mo na sa Paz’s?”, tila pinapalaki niya ang kanyang mga inaantok na mga mata.
Umiling lamang ako. Matagal ko nang naririnig iyong bagong bukas na Tea House ngunit hindi ko pa iyon nasusubukan.
“Libre kita”, ngumit siya na parang bata. “Please? Ayaw ko pang umuwi.”
“Shit face.”, tinulak ko ang kanyang noo gamit ang aking kamay. “Di mo naman kailangang mag-duck face.”.
“Pero cute no?”.
“Cute nga. Kaya nga type kita.”, tila nanlaki ang kanyang mga mata sa kanyang narinig. Napaatras siya at napasandal sa kanyang inuupuan. “H-huh?”, ang tanging nasabi niya.
“Joke. Alam mo yun?”, tinaasan ko lamang siya ng kilay. Nag-ayos na ako ng aking mga gamit at isinilid ang mga iyon sa aking bag. Tumayo ako at isinabit ang aking bag sa aking balikat. “Hoy, joke lang yun.”, kinabahan ako doon sa aking sinabi. Sana hindi siya mag-isip ng masama, nguni pakiramdam ko ay tila naiilang na siya dahil bigla siyang tumahimik at nag-iba ang mga kilos. Labis ang dagundong ng aking dibdib sa mga oras na iyon.
Tumango-tango siya at sumabay na sa akin palabas ng Cecil’s. Tiningnan ko ang aking relo at nalamang mag-aalas diez na pala. Narinig kong nagpaalam iyong barista sa akin at kinawayan ko lamang siya. Itinulak ni Javi ang pintuan ngunit hindi siya lumabas. Nagkatitigan lamang kami. Tinaas ko ang aking mga kilay at tiningnan lamang siya na tila ba tinatanong ko siya kung di ba siya lalabas. Tumango siya at lumabas nang tuluyan. Sumunod na rin ako. Nilakbay namin ang bangketang maingay sa mga busina ng mga sasakyan. “Saan ka ba nakapark? Ako nalang magda-drive.”, pag-aalok ko.
“Balikan ko nalang mamaya. Gusto kong maglakad-lakad.”
“Sigurado ka bang bukas pa?”, ipinakita ko sa kanya ang aking relo upang makita niya ang oras.
“11pm sila nagsasara. Liko tayo. Ang ingay dito.”, tinapik niya ang aking likuran. Lumiko kami sa ikalawang kalsada at binaybay ang mas tahimik at hindi mataong bangketa. May mga nadadaanan kaming mga nagbebenta ng kendi, magazines, lumang libro at kung anu-ano pa sa ibang bahagi n gaming dinadaanan. Halos dilaw lahat ang kulay ng paligid dahil sa ilaw. Hindi nagsasalita si Javi at nakapamulsa lamang iyon.
“You seem weird.”, bigla akong nagsalita.
“Hm?”
“Baka dina-digest mo parin yung sinabi ko kanina.”, kumunot ang aking noo habang nakatitig sa aking katabi. Tumingin siya sa akin.
“Ha?”, umiling lamang ako sa kanyang sagot. Sinenyasan ko siya na tatawid na kami ng kalsada. Tinahak namin ang mabatong Pathwalk ng parke kung saan mayroong nakahilerang mga puno. Mga mga umiilaw na lampara na nakabitin sa mga sanga nito. Iba-iba ang kulay ng mga ito at napapatingala na lamang ako. May mga batang naghahabulan doon, kadalasan iyong mga batang gala. Iyong iba angbebenta ng Sampaguita. May mga grupo na nag-iensayo ng sayaw doon sa parte kung saan malawak ang espasyo. May mga tumatakbo at nag-iehersisyo. Masigla ang parte na ito ng syudad.
“Moy?”, biglang nagsalita si Javi. Mahina ang kanyang boses ang malumanay ang pagtawag niya sa aking pangalan.
“Yeah?”
“Is it possible...”, tila nahihirapan siyang magsalita. Hindi kami humihinto sa paglalakad ngunit katamtaman lamang ang aming bilis upang hindi kami hingalin.
“Is it possible what?”, napatanong ako.
“A-re you gay?”, napalingon ako sa kanya. Nakita ko ang tila nahihiyang ekspresyon ng kanyang mukha. “Okay, nevermind. Sorry. Silly question!”, kumaway kaway siya na tila ba sinasabing kalimutan ko nalang iyon. Napakamot siya ng kanyang ulo at lumingon kung saan-saan. Kinagat niya ang kanyang labi at iginalaw-galaw ang kanyang ulo.
“Yes.”, ang mahinahon kong sagot. Hindi ko alam ngunit nakaramdam ako ng mapayapang estado matapos kong sagutin iyong tanong niya. Tila natanggala ng tinik sa aking dibdib nang hindi ako nagdalawang isip na sabihin iyon sa kanya. Marahil ay magaan lang talaga ang loob ko sa kanya, kaya’t nasabi ko iyon. Hindi ko inisip kung ano mana ng magiging reaksyon niya. Alam ko naman na halos lahat ng taong nakakasalamuha ko ay may mga ganoong tanong sa kanilang mga isipan. Alam ko namang may mga tao talagang nakakaramdam. Siguro dahil iba ang aking pagsasalita o kilos. Siguro ay iba ang mga hilig ko kumpara sa ibang mga lalaking ka-edad ko. Hindi ko rin masabi kung ano man ang mag iyon.
“Hm.”, hindi siya nagsalita at tumango lamang. Hindi niya hinugot ang kanyang mga kamay mula sa kanyang bulsa at diretso lamang ang tingin. Natatanaw na namin ang Paz’s. Kakaunti lamang ang mga tao sa loob. Ang makulay na disenyo ng silid ang siyang agaw pansin sa kung sino man ang makakakita nito kahit mula sa malayo.
“Yeah. I’m gay. I understand if you feel awkward.”
“H-hindi. Wala akong s-sinabing ganun. Ano. Basta. Wala naman. Na-curious lang.”, pautal-utal ang kanyang pagpapaliwanag na siyang dahilan upang matawa ako. “Bakit ka tumatawa?”.
“Para kang sira.”
“Sorry! Sorry!”
“For?”
“Wala. I feel like napasobra ang mga tanong ko.”
“It’s fine. Guess you ought to know. We’re friends. No problem.”, nagkatinginan kami ng ilang segundo. Halos walang diperensya ang lebel ng aming mga tingin dahil halos magkasingtangkad lang naman kami. Siguro mas nakakalamang lamang siya ng isa o dalawang pulgada ngunit hindi naman iyon malaking pagkakaiba. “Ang awkward mo.”, ang huli kong sinabi bago pumasok ng Paz’s.

Nakakailang higop na ako ng maanghang na sabaw na kinakain kong noodles nang mapagtanto kong ayaw ko na sa katahimikang bumabalot sa aming dalawa.
“Are you being awkward because you think I have a crush on you?”, itinutok ko sa kanyang mukha ang hawak kong chopsticks. “Buang. I said it was a joke.”.
Umiling-iling lamang siya. Inabot niya ang kanyang Milk Tea at uminom ng ilang lagok. Gumagalaw-galaw ang kanyang pisngi sa pagnguya niya ng Black Pearls. Nilunok niya iyon bago sumagot sa akin.
“Weird lang kasi, di ako nasanay sa honesty mo ngayon. Magdadalawang buwan pa lamang tayo friends tapos ang dami ko nang nalaman sayo. I feel like I’m indebted to you.”
“No pressure. You don’t need to tell me personal things because you feel like you need to return the favor. Hindi naman ako ganun noh.”, hindi siya sumagot kaya naman sinunod-sunod ko na ang mga tanong ko. “Pero okay, sige magtatanong ako. Tutoo ba yung rumors between you and Angel?”
“Fuck, old news. Third year pa kami niyan ah.”
“More like from third year to fourth year.”
“Fuck Bai (Pre).”.
“Akala ko ba you feel indebted. Daming sinasabi.”, kinupit ko iyong natitirang noodles sa aking mangkok at inubos na iyon. Napatingin ako sa kanya nang sumagot siya sa akin. Nilunok ko muna ang aking kinakain at uminom ng Wintermelon Milk Tea na binili niya kasama ng lahat ng nasa mesa namin. “Pero you still hang-out until now, right?”.
“No. Yes. Hindi ko alam. Yes, we spend time together. Alam mo nayun. No, kasi hindi naman naging kami.”, sumandal siya habang umiinom. Nakakunot ang noo at nakatingin ng masama sa akin.
“Busted.”
“Bakit ba interesado ka sa lovelife ko. Crush mo talaga ako no?”, yumuko siya at tumitig ng diretso habang nakalapag sa mesa ang kanyang mga kamay. “Sa lahat ng pwede mong itanong, yun pa talaga.”
“What if I say Yes?”, tinaasan ko almagn siya ng kilay. Tumitig ako sa kanya habang nakasandal sa aking inuupuan. Inilapag ko ang Milk Tea ko sa mesa. Nakahalukipkip lamang ako at tila natutuwa sa ginagawa kong pagtatanong.
“Understandable. Marami naman talagang nagkakacrush sa akin. Sanay ako sa admiration ng mga tao.”, nagbelat siya na tila ba pinapanindigan niya ang kanyang mga sinasabi sa akin. “Na-appreciate ko naman at hindi naman magbabago ang pakikitungo ko sa iyo kahit ma crush ka sa akin. Alam mo, okay lang yan.”.
“Daming sinabi.”, inirapan ko lamang siya. Napatingin ako sa cashier sa dulo na tila ba pinapanood kami. Tiningnan ko lamang siya kaya naman napayuko ito at tila bumalik sa kanyang ginagawa. “Iba ang crush ko.”, gumanti ako ng belat. “Can we continue this conversation outside? Nilalamig ako. Lakas ng aircon.”, tumango lamang siya at nag-ayos ng kanyang sarili. Sabay kaming tumayo at lumabas. Bumalik kami sa parke kung saan kami dumaan kanina. Mas kakaunti ang tao at mas tahimik na ang lugar. Sa isa sa mga konkretong upuan ay pumwesto kami. Napapalibutan parin kami ng mga makukulay na lamparang nakabitin sa mga sanga ng malalaking puno doon. May kalamigan ang hangin ngunit mas kumportable ako sa ganoong temperature kaysa doon sa loob ng Paz’s. Paunti-unti lamang an gaming napag-usapan at ramdam ko na ang antok ni Javi.
“Moy.”
“Hm?”
“Ikaw, how about your lovelife?”, napalingon ako sa kanya dahil nabigla ako sa tanong.
“I have a crush. I badly like him. Pero wala akong lovelife.”
“Have you tried confessing?”, ang tila nanunuyo niyang pagtatanong.
“No chance. Straight siya eh.”.
“Hmm. Makes sense. Another question. Kailan flight mo paalis?”, seryoso niyang tanong sa akin.
“Mami-miss mo ako?”, tumawa lamang kaming dalawa. “April 12. That’s like 10 days after Graduation.”
“For good na talaga no?”
“Wala eh. Naibenta na nila Mama yung bahay. Wala naman kaming mga kamag-anak dito, to be honest. I never wanted to leave this city, kaso andun din naman lahat ng kamag-anak namin. Cavite is more like a less dense place, just like this city. Hindi naman siguro ako mahihirapang mag-adjust.”
“Sa bagay, mag-isa ka lang din.”
“Yes, that’s the whole point kung bakit kami lilipat doon, para magkasama-sama na kami. How about you? Diba Mama mo rin?”
“Hm, actually she’s not my real mom. Partner siya ng daddy ko. She vitis often here, andoon kasi work niya. “
“Ah, so you parents are separated?”
“My mom left us a long time ago. Cancer. Hep, don’t say sorry. Its not your fault. I’m not offended nor sad. Wala naman akong masyadong memories sa mom ko.”, ang dire-diretso niyang pagkukuwento. Hindi narin ako nakaimik at nakahingi ng paumanhin sa aking tanong. Natahimik kaming dalawa pagkatapos noon. Hindi kami nag-imikan at nagmasid lamang sa aming paligid. Napapansin ko ang napapadalas niyang paghikab kaya naman tinanong ko siya kung kaya pa niyang magmaneho. Mag-aala una nan g madaling araw.
“Give me your keys. I’ll drive you home. Magta-taxi na ako pauwi after kitang maihatid.”, tumayo ako habang nakayuko at nakatingin sa kanya. Nakaupo parin siya at hindi gumalaw.
“Ano bang sinasabi mo. Kaya ko”, at naghikab na naman siya.
“First, you drank. Second, you’re too tired.”
“Don’t worry.”
“Daming arte. Give me your keys.”

Nanibago ako sa sasakyang minamaneho ko. Hindi naman talaga ako sanay magmaneho, ngunit hindi ko din kayang hayaang umuwi siyang mag-isa lalo na’t pinipilit lamang niyang dumilat. May kalayuan pa naman ang Village nina Javi. Buong biyahe ay tulog lamang siya. Madalas ay yumuyugyog ang kanyang ulo kaya naman madlaas ko ding ipuwesto iyon ng maayos upang hindi sumakit ang kanyang leeg. Napaisip ako kung bakit ayaw niyang umuwi na kung tutuusin ay pagod na pagod siya dahil sa mga pinaggagawa niya buong gabi.
Gumarahe ako sa tabi ng itim na gate. Inalog ko ang kanyang balikat upang gisingin siya ngunit tila hilik lamang ang kanyang ginaganti sa akin. Napabuntong hininga na lamang ako at naisip na bumaba. Pinindot ko ng ilang beses ang door bell bago ako pagbuksan ng isang may kaliitang babae. Tangin iyong maliit na bintana lamang ng gate ang binuksan niya. Tantsa ko nasa mahigit kuwarenta anyos na. Bilugana ng mga mata nito at tila nangungusap. Yumuko ako upang kausapin siya.
“Good Eve—Morning po. I’m Javi’s friend.”, lumipat ang tingin ng babae sa kotseng nasa likuran ko. Sumara ang bintana at tumunog ang mga bakal ng mas malaking pintuan. Bumukas iyon at lumabas ang babaeng sa maliit na butas ko lamang nakikita kanina. “Gosh, what happened?”, matalas ang boses ng babae ngunit nakaramdam naman ako ng kabaitan sa kanyang pananalita. “Thank You. You’re Amorsolo, right?”.
“Ah, yes po.”, palingon-lingon ako sa kotse at sa babaeng kaharap ko. Nagtataka din ako kung paano niya nalamana ng pangalan ko. “Um, Maam I think we should get him out of the car now. I’ll help him get inside the house.”,
Tumungo kami ng kotse. Binuksan ko ang pintuan at ginising si Javi.
“Javi… Javi”, ang sunod-sunod kong bulong. Nakaramdam ako ng tapik sa aking balikat. Nagpresenta ang babae na siya na lamang ang gigising sa binatang nahihimbing. Bigla siyang sumigaw at napabikwas si Javi sa kinauupuan. Maging ako ay nagulat sa kanyang ginawa. “Ang now you’re mumbling! Pasaway.”, tila nainis ang babae dahil hindi makapagsalita ng maayos si Javi.

Inalalayan ko siyang makapaglakad dahil tila hilong-hilo ito. Napagtanto kong kaya na niyang maglakad mag-isa sa kalagitnaan ng pathwalk papasok ng bahay kaya’y hinayaan ko na siya at binitawan ko na ang kanyang kamay. Nakatingin lamang ang babae sa amin sa buong magdamag na naglalakad kami papasok ng bahay. Pagkabukas ng pintuan, naabutan naming pababa ng hagdanan ang isang lalaking matangkad at makisig. MArahil iyon ang kanyang ama. Nagmadali itong bumaba at napakamot na lamang ng ulo ng makita niya ang hitsura ng anak.
“My god, where have you been. We’re in the middle of---“, hindi siya pinatapos ng babaeng kasama namin.
“Robert!”, napasigaw siya. Tumitig lamang ang kanyang ama sa babae at tinawag ang kanilang kasambay na nasa kusina. Pinaupo ako ng kanyang ama sa isang malaking sofa sa kanilang sala. Hindi nagtagal ay dumating ang kasambahay nilang may katandaan na rin. Naglapag siya ng tubig sa maliit na mesa. Si Javi ay nakayakap sa parisukat na unan at nakasandal lamang at tahimik.
“Ah, Amorsolo”, napaubo siya ng mahina. “Ang haba naman ng pangalan mo,”, nakangiti ang babae at tumabi sa akin.
“Call me Moy, Maam.”
“Okay Moy, Call me Tita Rama. You want cookies? Nag-bake ako kanina pagkadating ko. You know, Halos eekends lang ako makabisita dito sa Mindanao kaya naman I make sure to make the most of my limited time. “, hinawakan niya ang aking kamay na siyang ikinalito ko. Hindi ako umumik kahit na nagtataka ako. Napansin kong nakatitig lamang sa amin si Javi, tila nagugulat sa paghawak ni Tita Rama sa aking kamay. “Linda, pakilabas nga nung cookies. Then gatas narin. Also, may cinnamon rolls sa ref, paki reheat.”.
“Ay, Wag na po. Paalis na din po ako.”, kinaway-kaway ko ang aking mga kamay upang maipakita ang aking pagtanggi.
“Paano ka uuwi, it’s almost 2:30 AM? “
“Mag-tataxi nalang po ako. Meron naman po dun sa gate ng Village niyo.”
“No. I won’t allow you. Delikado. You can stay here for tonight. Linda, prepare mo na yung guest room para makapagpahinga naman si Moy.”, umiling-iling ako upang maipakita ko ang aking pagtanggi. Kahit ang gaan at ang bait ng impresyon nila sa akin, wala akong balak matulog sa bahay nila. Nahihiya ako.
“Hijo, you better sleep in Javi’s room. Kasya kayo sa kama niya. Hiram ka nalang ng damit. I won’t allow you to risk the night. Delikado na ang panahon ngayon.”, Sinenyasan lamang niya ang kanilang kasambahay na bumalik na sa kwarto. “Moy, thanks for bringing my son home. “, nakatayo lamang ang ama niya sa espasyo malapit sa kinauupuan ni Javi. “Feel at home ka lang, hijo. Ikaw, Javi. Maligo ka bago matulog. Amoy alak ka pa. Hay bat aka. Love, sunod ka na sa taas.”, naglakad siya papuntang hagdanan upang bumalik na sa kanilang kwarto.
“Javi, take your friend upstairs na. Don’t worry hijo, you’re very much welcome here. It’s been a long time since dinala ni Javi ang friends niya dito sa bahay. Sawa na ako sa mg amukha nila ni Arthur at Stacy. Anyway, feel at home, okay? I’ll cook breakfast tomorrow.”, ngumiti siya at tumayo. Tumungo na din siya ng hagdanan.

Moderno ang disenyo ng bahay nila Javi. Hindi naman iyon ang pinakamalaking bahay na aking nakita, ngunit para sa apat na tao, masyado iyong ma-espasyo. Neutral Colors, iyon ang tema ng disenyo sa loob.
“Psst”, sinitsitan ko siya upang matigil ang kanyang pagiging tulala. “Bakit ang tahimik mo.”
Inirapan lamang niya ako at tumayo. “Ignore them. Weird talaga mga tao dito.”, tumayo na siya at nag-unat ng katawan. “Tara na. I’ll let you wear my clothes. Medyo maluwang nga lang for you but it’ll do.”.
Tumango ako at hindi na nagsalita. Sumunod ako sa kanya patungong kwarto niya. “Weird” ang mga tao, gaya ng sabi niya. Sa tutoo lang, oo. Lalo na iyong si Tita Rama.

Tahimik akong nakatitig sa kisame ng kanyang kwarto. Suot ko ang maluwang na T-shirt at shorts na kanyang pinahiram. Nakapaghilamos at nakapaglinis narin ako ng aking katawan. Dinig ko ang ingay na nanggagaling sa banyo kung nasaan si Javi ngayon. Kinakabahan ako dahil matutulog ako katabi niya. Pilit kong pinapatahan ang aking sarili. Bumukas ang pintuan at lumabas siyang nakasando at nakaboxers lamang. Kahit hindi ako lumingon, natatanaw ko sa gilid ng aking paningin ang kanyang mga barso at bindi. Mabuhok ang ibabang parte ng kanyang mga binti.
Isinabit niya ang kanyang tuwalya sa silya ng kanyang Study Desk. Bumasak siya sa kama at gumalaw-galaw ang aking pagkakahiga dahil doon. Hindi ako nagsasalita at pumikit na lamang. Ayaw ko nang pagmasdan siya ng matagal. Nakakabahala dahil naaakit ako.

“Good Night”, ang mahina niyang pagbati.
“Good Morning”, ganti ko. Tumagilid ako upang humarap sa kabilang parte na kanyang kwarto. Naaasiwa ako na tumingin sa aking tabi kung nasaan siya. Napansin kong mayroong Kodaline Poster na nakadikit sa kanyang pader. Tila may mainit na sensasyon ang bumalot sa aking dibdib.
“You listen to Kodaline?”, nagtanong ako ngunit nakatalikod parin ako sa kanya. Tanging ilaw lamang mula sa isang maliit na night lamp ang nagpapaliwanag sa buong silid.
“You too?”
“You have excellent taste in music.”, patawa kong sagot.
“Hm. Excellent talaga taste ko. Palaging excellent yung mga nagugustuhan ko. Unlike yours.”, narinig ko siyang tumawa ng mahina.
“Sige, agree na ako sa sinabi mo. Parang tama naman.”, nagpakawala din ako ng mahinang pagtawa. Ngunit hindi dahil sa galak, dahil ayaw ko lang mapansin niya ang pag-iba ng aking emosyon.
“Oh? Why?”
“Di ako gusto ng gusto ko eh. Haha.”, nakuha ko pang bumanat kahit na inaantok na ako.
“Drama naman this guy.”, nakaramdam ako ng paggalaw niya ngunit hindi ko iyon ininda. Unti-unti nang pumipikit ang aking mga mata. “Does it really hurt?”.
“Hm. You can say that. I’ve been inlove with this person for more than four years now.”
“Wow. Gusto mo lang kanina tapos ngayon inlove na. That quick, huh?”, natawa ako sandal sa sinabi niya. Wala talaga siyang ideya.
“Good Night, Javi.”, ipinikit ko ang aking mga mata at hinayaan na lamang ang aking sarili na makatulog. Malamang dahil pagod din ako kaya’t biglaan din ang aking pagkakahimbing.

Nakaramdam ako ng mainit na sensasyon na bumalot sa aking katawan. Hindi ko alam ngunit tila ba gumagalaw iyon at kumikiskis sa aking balat. Mga braso at binti pala iyon ni Javi, yumayakap sa akin. Napadilat ako ng aking mga mata at napagtantong panaginip lang pa iyon. Gumalaw ako ng dahan-dahan upang mapagmasdan ang kanyang maamong mukha. Mahimbing siyang natutulog. Parang batang anghel sa mga lumang litrato. Nanginginig, hinawakan ko ang kanyang pisngi at hinaplos ng dahan-dahan. Isang kalmadong pakiramdam ang nangibabaw sa akin. Tinanggal ko ang aking pagkakahawak sa takot na baka magising siya, ngunit labis ang aking saya nang ipikit ko ang aking mga mata upang matulog ulit.

********

Inabot ako ng alas siete bago makalabas ng opisina. Nauna nang umuwi sila Karen dahil naghalf-day lamang siya. Naisip kong kumain na lamang sa labas dahil bukod sa kakasweldo ko pa lamang noon nakaraang biyernes, hindi pa ko nakakadaan ng Grocery simula pa noong isang linggo. Dalawang kanto mula sa aming Office Tower ay mayroong isang di kalakihang Mall kung saan ko naisip maghanap ng makakainan. Hindi naman iyon kalayuan dahil hindi naman ako inabot ng halos sampong minuto upang makarating doon. Palingon-lingon ako sa mga nakikita kong mga restawran, ngunit napagdesisyunan kong maglakad-lakad na lamang sa magarbong Roof Deck area ng mall, kung saan mayroong mga Coffee Shops, magandang pwesto at mga upang makapagmasid sa bong syudad.

Lumapit ako sa Fountain Pool kung saan may mga batang naglalaro. Pamilyar iyong nakatalikod ng lalakeng naka-asul ng polo at itim na pantalon. May maliit na bag siyang nakasabit sa balikat, at tila may binabasa ka kanyang telepono. Hindi na ako nagdalawang isip na kalabitin siya mula sa likuran. Napalingon siya agad sa akin.

“M-moy?”, bakas ang gulat sa mukha ni Javi nang harapin niya ako. Agad niyang isinilid ang hawa na telepono sa kanyang bulsa.
“What are you doing here?”, simpleng pagtatanong ko. Nginitian ko lamang siya.
“I-I’m m-meeting some-one. Ikaw?”, ipinasok niya sa bulsa ang kanyang mga kamay.
“I’m looking for food, actually. Dito kayo magkikita? A little mainstream ah.”.
“Di lang ako familiar sa place. “.
“I’m glad you’re socializing that quick.”, ngumiti ako dahil natutuwa akong malamang mabilis siyang nag-aadjust. Hindi siya nakasagot sa di ko malamang dahilan at napayuko sandali. Tila naiilang o nahihiya. Di ko malaman alin sa dalawa.

“Hi, Moy.”, isang mahinhin na boses ang nagpalingon sa akin. Nasemento ako sa aking kinatatayuan dahil hindi ko inaasahang makikita ko ulit siya. Hindi parin naman siya nagbabago, at sa katunayan ay napaka-amo parin ng kanyang mukha. Nagbago lang ang kulay ng kanyang buhok ngunit hindi nabawasan ang angking karisma ng babaeng nakatayo sa aking harapan. “It’s been a while.”, ngumit lamang si Angel sa akin. Lumapit siya sa akin at nakipag-beso.
“W-wow. It’s been… Like… 4 years?”, pinilit kong ngumiti sa harapan nilang dalawa.

Putang-ina.

Marahil naiilang si Javi dahil malamang naiisip parin niyang maapektuhan ako sa pagkikita-kita naming tatlo. Ano bang papel ko para mapaektuhan, wala naman kung tutuusin. Hindi na dapat siya nag-iisip ng ganoon dahil hindi na dapat iyon iniisip.

Maiksi lamang ang aming pag-uusap dahil ang-alam na agad ako. Bigla kong naalala kung bakit ako naparito, at iyon ang maghapunan. Ngunit nawala ang gana kong kumain kaya’t dumiretso nalang ako ng Supermartket at doon itinuon ang aking pansin. Napailing ako dahil nais kong ibahin ang aking inisip. Habang nakatayo ako sa pababang Escalator hawak hawak ang eco-bag kung saan nakalagay ang lahat ng aking pinamili, napabuntong hininga na lamang ako at hindi na ako nagdalawang-isip na buksan ang aplikasyong matagal ko nang hindi binubuksan. Nanginginig ang aking kamay sa labis na pagkadismaya, hiya, at inis ngunit pinilit kong mabuksan ang matagal ko nang iniwang chatbox.

“Glen?”, ang tanging lamang ng aking mensahe.
Ilan segundo pa lamang ang nakakaraan nang tumunog ang aking telepono. “Miss you.”, ang mensahe mula sa kabilang linya.

Pinatay ko ang aking telepono pagkatapos kong basahin iyon. Napapikit ako at huminga ng malalim. Ano ba ang gagawin ko?

No comments:

Post a Comment