Monday, May 25, 2020

Brad Mahal Kita, Matagal Na (Part 7)

 By: GuessWho

Ang flashblack na ito ay nangyare noong sembreak nila. Eto yung mga panahong umiiwas si Zion kay Luke at sa Tropang M upang mapag-isa.

Ilalahad ng chapter na ito kung paano tinanggap ni Zion ang pagkagusto niya kay Luke.

Hiniram ko pa ang characters ni blackleaf26 para dito (from WP). Pareho kasi silang taga Bulacan ni Zion.

Si Atong at Baste sa "Anak ng Tokwa".
Dalawang straight na nagkagaguhan tapos nagkainlaban.

***

Flashback

Sembreak. Umuwi ako dito samin sa Bulacan.

Dahil nga sa kahihiyang ginagawa ko kay Luke, hindi ko narin magawang paunlakan ang pag-iimbita nito na mag-outing sa kanila sa Zambales.

Ano pa nga bang mukhang ihaharap ko matapos ko siyang bastusin.

Hanggang ngayon, kahit alam kong lasing ako nung mga oras na yon, sariwa parin sa isipan ko ang pambabastos na ginawa ko sa kanya.

Kinadyot-kadyot ko ang likuran niya.

"Gustong-gusto mo sigurong hinahalikan kita no? Bakla ka no?" Walang hiyang bulong ko sa kanya.

Nagpumiglas siya at humarap sa akin.

Muli kong inilapit ang katawan ko sa kanya at saka hinalikan ng mariin.

Nagpumiglas ulit siya.

Nagpakawala ng malakas na suntok sa mukha ko na ikinatumba ko.

Para itong video clip na paulit-ulit na nagalalaro sa isipan ko.

Ang alam ko kasi nung mga oras na yon. Gustong-gusto ko siyang halikan. Pero hindi ko matanggap sa sarili ko, kung bakit nararamdaman ko yon. Wala akong lakas na sabihin sa kanyang gusto ko siyang halikan.

Tinawag ko pa siyang bakla para lang maitawid ang kamanyakan kong halikan siya! Kagaguhan diba?!

'Ang gago mo talaga Zion, ilang beses mo nang ginago ang kaibigan mo samantalang wala naman siyang ginagawang masama sayo.' sermon ng isip ko.


Iwinaksi ko muna sa isipan.

'Kelangan kong maglibang.'

Naisipan kong maglagalag muna.

Kinuha ko ang motor.

Bahala na kung san ako mapadpad, mawaglit man lang kahit saglit sa isip ko si Luke.

Kung saan-saan nalang ako dinala ng motor ko. Paikot-ikot sa barangay namin. Sa kabilang baragay. May dinaanan rin akong mangilan-ngilan sa mga barkada ko. Tamang kamustahan, kwentuhan at alaskahan.

Pasado alas singko na, nang maisipan kong dumaan sa plaza. Namimiss ko kasing kumain ng fishball. Meron namang fishball sa labas ng school ko. Pero ibang-iba kasi yung fishball sa plaza. Hinahanap ko ang sarap ng sauce.

Pinarada ko muna ang motor sa di kalayuan. Makikituhog na sana ako, kaso napaatras ako saglit dahil sa dalawang taong maiingay na kumakain ng fishball. Nakatalikod sila sa akin.

'Ang iingay ng mga hinayupak nato. Kada subo nagmumurahan, pag-untugin ko kaya to!' sa isip ko.

"Nganga!... sabing nganga!"

"Huy! Hindi porket tayo na ay pinapayagang na kitang ganyan ganyanin mo ako in-front of the public ha! Ginawa mo pa akong babae puta ka!"

"Ayaw mo ba babe? Tingnan mo nga yang mukha mo! Kinikilig ampota!"

"Yuck! Babe ka diyan! Tigiltigilan mo ako diyan! Kokonyatan kita!"

"Basta nganga, susubuan kita. Kundi iba isusubo ko diyan!" Tawang-tawang sabi nung isa.

"Anak ng tokwa! Wala ka talagang manners and right conduct! Kadiri kang ulol ka! Bigwasan kita diyan eh ha!" Pagsusungit naman nung isa.

"Ang arte mu!"

"Ulul!! Pakyu ka!"

Napangiti na lang ako sa inasta nitong dalawa.

Mga adik ba to?

Maging yung mamang magfifishbol matawa-tawa na rin sa kanilang dalawa.

"Kuya fishball nga bente pesos. Pakilagay nalang sa plastic cup." Sabay abot ko ng pera kay kuya.

"ZION?!" Sabi nung isa.

Napalingon ako sa kanya.

"BASTE??!!.. ui puta pare ikaw pala yan!"

"Taena mo! Antagal mong di nagpakita! Kamusta ka na?!"

"Eto nagkukunwaring mag-aral! Ikaw anong trip mo ngayon?!" Wika ko.

"La bui! Hinto muna ako sa pag-aaral na yan.. mahabang istorya." Tugon ni Baste.

"Ehem!" Tawag pansin nung isang kasama niya.

Sabay kaming napatingin sa kasama niya.

"Siya nga pala pare! Boyfriend ko. Si Atong." Sinabayan pa ng akbay.

Napalaki ang mata ko.

Nagpupumiglas naman itong si Atong, kaya lang mas hinigpitan pa ni Baste ang pagkakaangkla niya sa leeg nito.

"Aray!" Bulalas ni Baste.

Siniko kasi siya nitong Atong, dahilan para makawala ito sa pagkakaakbay niya.

"Ulul ka! Papatayin mo pa ako sa sakal!"

"Atong, kamusta pare? Zion nga pala" Baling ko kay Atong na noon ay nakasalubong ang kilay.

Nilahad ko ang kamay ko. Kaso hindi nito tinanggap. Napakasungit naman pala ng boyfriend nitong si Baste.

"Pare? Hindi kita pare no, hindi ko inaanak ang anak mo. Wala rin akong planong kunin kang ninong ng anak ko." sabay irap.

Natawa nalang ako. Ang cute kasi ng dating nitong si Atong, kahit na magsungit, sa halip na mapikon ka ay matatawa ka nalang.

"Pagpasensyahan mo na itong boyfriend ko, may regla eh." Halos pabulong na sabi ni Baste.

"Gago! Pabulongbulong ka pa diyan naririnig kita! Unggoy!"

Tawanan nalang kami ni Baste.

Napansin siguro ni Baste ang pagtataka sa mukha ko. Sino ba naman kasi ang hindi magtataka. Knowing Baste, napakasiga nito. Kasangga ko ito noon sa tuwing napapaaway kami sa mga dinadayuhan naming liga.

Schoolmate ko rin ito noong highschool. Napag-usapan nga namin na sabay kaming mag enroll sa University na pinapasukan ko ngayon. Kaso nang lumaon ay umatras din, dahil daw sa family business.

"Tara pare umupo muna tayo dun." Turo niya sa sementadong upuan sa di kalayuan. "Atong! sige lang kain ka lang diyan."

Hindi naman siya pinansin ni Atong. Kain lang ito ng kain ng fishball.

Nang makaupo na kami.

"Pare! Seryoso ka? Boyfriend mo yon?" Takang tanong ko.

"Wala eh, tinamaan ako eh." Nakangiti nitong sabi.

"Paanong nangyare?! Puta, Basteng tigasin mauuwi lang din sa lalake." Matawa-tawa ako.

"Pare kapag nainlab ka, hindi mo kailangan bumase sa kasarian. Pag inlab ka, inlab ka! Yun! Tapos! Wala ng madaming tanong." Tila proud pa nitong sabi.

Lumapit siya ng konti sa tenga ko at pabulong na nagsalita.

"Sa totoo niyan pare. Ginamit ko lang siya dati. Kaso wala, ako din yung tinamaan. Straight to the heart tsong!"

Naikwento nga ni Baste na ginamit niya itong si Atong para makapaghiganti sa kuya niya. Dahil yung mismong kuya niya ay may gusto rin dito kay Atong.

Kaso nung nagtagal daw, hindi niya na namalayang mahal niya na pala si Atong. Kaya tinotoo niya na ang panliligaw at sinagot naman siya ni Atong.

"Sana nga huwag nang malaman ni Atong. Ayokong mawala siya sakin pre. Di ko kakayanin yun."

"Mukhang tinamaan ka nga ng lintik." Sabi ko sabay subo ng fishball.

"Akalain mo yun! Sa gwapo mong yan, sa gwapo ka lang din pala babagsak hahaha. Although mas gwapo talaga ako sayo." Sinabayan ko ng tawa ang pagyayabang ko.

"Ulol! Diyan naman ako hindi papayag. Mas gwapo ako sayo! Andaming nagkakandarapa sakin."

"Ulol karin! Asa ka!, halos lahat ng babae sa school natuhog ko na!" Sabay tawang sabi ko.

"Nagtatalo pa kayong dalawang ugok diyan?! Eh mas gwapo pa ako sa inyo!" Sabat ni Atong. Di namin namalayan na nakalapit na pala siya.

"Pasalamat ka mahal kita!" Sabi ni Baste kay Atong.

"Daming satsat!..Ano dito nalang ba tayo matutulog? Panuorin ko nalang kayong magkwentuhan?! Eh di sana sinabi mo kanina, para nakapagdala ako ng unan at banig." Pagsusungit ni Atong.

"Sige na nga pare. Mauna na kami sayo. Pagbibigyan ko lang tong isa, mukhang namimiss niya na yata." Sabay tawa.

Mag-asawang kutos naman ang natanggap niya mula kay Atong.

Natawa nalang ako sa dalawa. Hindi ko maintindihan, kahit na ganun sila pero answeet nilang tingnan. Teka, naiinggit ba ako??

Muling pumasok sa isipan ko si Luke.

Kaso kaibigan ko lang talaga yun. Kapag hinayaan ko itong nararamdaman na ito. Baka masira ko lang pagkakaibigan namin.


Kinabukasan, tinawagan ko si Baste para ayaing mag basketball. Pumayag naman ito.

Gusto ko lang din may mapagsabihan tungkol sa nararamdaman ko kay Luke. Si Baste lang ang makakaintindi sa akin.

"Burat! Baka matulungan mo ako." Hingal kong sabi kay Baste.

Nasa upuan kami nun, kakatapos lang naming magbasketball.

"Ano yun pre? Wag lang chicks, ekis na ako diyan."

"Hindi!...Lalake."

Tiningnan niya ako ng makahulugang tingin. Saka tumawa ng malakas.

"Puta ka! Tinatawanan mo pa ako kahapon, isa ka din namang inlab sa lalake!" Malakas nitong sabi.

"Pota! Ang ingay mo!"

"Oh, anong maitutulong ko?"

"Kailangan ko ng payo mo."

Ikinuwento ko sa kanya ang lahat kung paano nangyare.

"Brad, sabihin mo ng derecho sa kanya na gusto mo siya! Tapos!" Derechong sagot nito.

"Hindi ko nga sigurado kung gusto ko talaga siya pare. Baka naguguluhan lang ako, dahil nga naninibago ako."

"Taena pare, hindi ka hihingi sakin ng payo kung wala lang sayo. Hindi mo rin siya gusto kung hindi ka naguguluhan ng ganyan."

Oo nga naman.

"Dumaan din ako diyan pare. Nung napansin kong kakaiba na yung nararamdaman ko kay Atong. Umiwas muna ako, naghanap ako ng ibang pagkakalibangan para lang hindi lumala. Kaso wala pre, tiklop, kaya yun tinotoo ko na ang panliligaw sa kanya... at hindi ako nagsisisi na minahal ko si Atong. Wala akong pakealam sa sasabihin ng iba. Basta mahal ko si Atong. Kahit ganun yun, kahit napakasungit at pilosopo nun. Mahal na mahal ko yun pare." Nakangiti nitong pahayag.

Napahanga ako sa sinabi niya. Tama naman lahat ng sinabi niya.

Kung mahal mo, iparamdam mo. Hindi na mahalaga kung anong kasarian yan. Ang mahalaga natuto kang magmahal at handa kang panindigan ito.

"Alam mo pare, nagagamit mo rin pala yang utak mo no?" Pang-aasar ko sa kanya.

Puro pagmumura ang natanggap ko at mangilan-ngilang suntok na inilag-ilagan ko.

Tawanan.

Tama si Baste. Kailangan ko gumawa ng hakbang. Sa ngayon, hahanap muna ako ng diversion. Kapag hindi parin nawala itong nararamdaman ko, bahala na si Batman.

END OF FLASHBACK

-----------------------------------------------

Maayos naman naming nagawa ni Luke ang role play.

Halos mawasak ang buong classroom dahil sa hiyawan. Kinilig ang lahat maging si Ms. Domingo

Kami rin ang nakakuha ng mataas na grades.

Panay pang-aasar din ang inabot namin sa Tropang M.


Kinagabihan ay bitbit ko ang gitara at nagdala rin ako ng chichiria't maiinom. Nagmadali akong pumunta kay Luke.

Humugot muna ako ng lakas ng loob. Saka kumatok.

"Oh.. bakit brad?" Seryosong sabi nito.

Napakaseryoso naman nito. Pero hindi ko maintindihan, kahit ano atang expression ng mukha niya ay lalo akong nahuhumaling. Makita ko lang siya, ang gaan na sa pakiramdam.

"Tara samahan mo ako." Mariin kong pagkakasabi.

"Saan?" Taka nitong tanong.

Mabilis kong hinawakan ang kamay niya at hinatak.

"Wag ng madaming tanong."

Wala siyang nagawa kundi sumunod nalang. Isinara ng isang kamay ang pinto tsaka hatak-hatak ko siyang pinasunod.

Sa fire exit na kami dumaan patungong rooftop. Dalawang palapag nalang naman ay mararating na namin ito.

Nang marating namin, saka nagsalita si Luke.

"Gago pare! Bawal tayo dito."

"Puta brad, si Zion to. Relax ka lang diyan." Pagyayabang ko.

Hatak-hatak ko pa rin siya hanggang marating namin ang paanan ng malaking water tank.

"Oh, bitbitin mo tong chichiria. Mauna kang umakyat. Para kung mahulog ka man, masasalo kita." Mariin kong sabi habag tinuturo ang hagdan paakyat sa water tank.

"Gago!" Sabay abot niya ng supot ng chichiria at nagsimula ng umakyat.

Sinukbit ko naman sa balikat ang gitara at sinundan siyang umakyat.

Nang marating namin ang taas ng water tank. Ay pumuwesto kami sa manway na gawa sa bakal na nakapalibot sa water tank na yun.

Nasa mataas na lugar na kami. Dahil matatagpuan ang water tank na yun sa ibabaw din mismo ng dorm building namin.

Mula roon matatanaw mo ang mga maningning na ilaw ng buong syudad. Tanaw rin mula roon ang university na pinapasukan namin.

Magkatabi kaming umupo. Pinagmasdan ko ang mukha ni Luke na manghang-mangha sa tanawin na nasisilayan niya.

"Dito ako natambay madalas." Nakangiti kong sabi.

"Di ko alam may ganitong tambayan pala rito." Sabi niyang nakangiti rin.

"Ayos ba brad?!" Tiningnan ko siya

Tumango lang siya na nakatingin sa akin.

"Oh. Kantahan mo ako." Sabay bigay ko sa kanya ng gitara.

"Dinala mo ako rito para kantahan ka? Lakas tama mo." Pero inabot niya naman ang gitara.

"Daming satsat. Basta kumanta ka nalang diyan. Makikinig lang ako."

Sinimulan niyang tumipa. Inayos niya muna ito sa tono. Saka nagpatuloy.

🎶🎶🎶
When you're down and troubled
And you need some love and care
And nothing, nothing is going right
Close your eyes and think of me
And soon I will be there
To brighten up even your darkest night

Anlamig talaga ng boses. Nakangiti lang akong tumingin sa kanya. Ramdam ko ang bawat lyrics ng kinakanta niya. Pakiramdam ko'y para sa akin talaga ito.

🎶🎶🎶
You just call out my name
And you know wherever I am
I'll come running, to see you again
Winter, spring, summer or fall
All you have to do is call
And I'll be there
You've got a friend

Hindi ko na ata matanggal ang pagkakapako ng mga mata ko sa kanya. Ansarap sa pakiramdam na kinakantahan niya ako. Na kasama ko siya. Kahit na siguro abutin kami ng umaga dito, hinding hindi ako magsasawang titigan siya.

Natapos niya na itong kantahin. Nagrequest pa ako ng isang kanta. Noong una ayaw niya pa. Pinilit ko hanggang sa napapayag ko rin. Hanggang natapos niya ito.

"Oh.. ayoko na. Baka gusto mong pakainin mo ako ng mga daladala mo. Baka lang naman."

Binuksan ko ang isang chichiria at inabot ko ito sa kanya kasama ang isang juice na nakalagay sa plastic na bote.

Nagbukas rin ako ng para sa akin. Sabay kaming kumain.

Nakatingin lang kami sa buong syudad na abot ng aming mga tanaw.

"SM yun diba?" Tukoy niya sa malaking mall na tanaw na tanaw sa hindi kalayuan.

Tumango lang ako at tiningnan siya.

Tahimik.

"Ang galing natin kanina. Lalo na dun sa kissing scene natin.. hiyawan.. Gustong gusto mo siguro yun no?" Biro ko.

"Gago! Anong gusto! Ambaho nga ng laway mo.! May halitosis ka ba? Sukang-suka ako eh!!" Biro nitong sinabayan ng halkhak.

"Tanga mas mabaho bunganga mo, amoy beef steak na nabulok!"

Tawanan..

Kwentuhan..

Asaran..

Panakaw na tingin..

Katahimikan.

"Brad, hindi naman tayo nagde-date ano?" Wala sa hulog na tanong niya.

"Aw.. gusto mo ba mag date tayo? Sana sinabi mo nang nakapagbihis man lang ako." Ani ko.

"Ulol, kinaklaro ko lang."

"Bakit mo naman natanong yan. Inlab ka na ba?" Sinabayan ko ng nakakalokong tawa.

"Pakyu!" Sabay suntok sa braso ko.

Saglit siyang natahimik. Saka nagsalita.

"Napapansin ko lang nitong mga nakaraan.. parang iba ka na. nakakapanibago, hindi naman tayo ganito dati." Sabi niya habang nakatingin sa malayo.

"Ayaw mo ba?" Simple kong sagot.

"Hindi naman sa ganun.. nakakailang eh."

Nalungkot ako sa sinabi niya. Naisip ko na baka hindi niya gusto itong mga ginagawa ko para sa kanya.

Pero sa kabilang banda, naisip ko rin na hindi niya naman kailangan magustuhan agad ito. Ginagawa ko ito dahil gusto ko. Hindi niya naman siguro ako itataboy nang ganun-ganun na lang. Kaibigan niya kaya ako. Malay mo balang-araw gustuhin niya na rin ako.

Tama si Baste. Kapag gusto mo ang isang tao, ipakita mo. Walang pero pero.

Tiningnan ko ulit siyang bising-busy kakakain ng chichiria. Habang ang mga mata'y nakatuon sa malayo.

"Luke."

"Mmmm?"

Nagtitigan kami.

'Gusto kita' pero syempre sa isip ko lang.

"Swerte ko, naging kaibigan kita." Nakangiti kong sabi.

"Taena mo, ambaduy mo! Nakakapangilabot ka.!"

Tawanan...

Totoo naman yung sinabi ko. Naiintindihan ko din naman kung bakit naninibago siya.

"Luke."

"Oh?"

Nagkatitigan ulit kami.

"Sorry.. Hindi ko alam ang nangyayari. Pero gustong-gusto ko tong gawin sayo."

Hindi ko na hinintay reaksyon niya at mabilis kong nilapit ang mukha ko sa kanya at mariin na hinalikan.

Tumagal din ng kalahating minuto ang paglalapat ng labi namin.

Nang maramdaman kong wala siyang reaksyon ay agad na din akong bumitiw. Binaling ang tingin sa malayo.

Gustong-gusto ko nang sabihin sa kanya na gusto ko siya. Kaso nauunahan ako ng hiya. Kailangan ko pa ng sapat na lakas ng loob para masabi ito sa kanya.

Pero sigurado ako dadating ang araw na masasabi ko rin ito sa kanya.

Nang mapansin kong tulala lang siyang naktingin sa akin, saka ako nagsalita.

"Tara na."


Pagkatapos ng gabing yun ay mas lalo kaming naging malapit sa isa't isa. Hindi nga lang talaga maiwasang magkailangan minsan.

Tila araw-araw ay excited akong pumasok para makita siya. Gumaganda na rin ang grades ko.

May mga pagkakataong nagtataka siya dahil sa pagseselos ko. Kahit ba naman kasi makita ko lang ang kahit isa sa tropang M na nakadikit o nakaakbay sa kanya, pinagseselosan ko na. Ayoko lang na may ibang dumidikit sa kanya.

Alam kong napapansin narin ng tropa na may something ako para Luke. Pero wala naman akong pakialam dun. Mahalaga masaya akong kasama siya.

Pinapanay-panay ko rin ang pagiging sweet sa kanya, para masanay siya. Para kapag sinabi ko na sa kanya ang totoo ay hindi na magulat pa.

------

"Luke, siguro panahon na para malaman mo. At sana hindi mo ako layuan dahil dito sa sasabihin ko....Gusto kita. Gustong gusto kita Luke. Sana hayaan mo akong patunayan sayo yun."

Napatingin ako sa sarili ko sa salamin.

'Ah! Puta! ambaduy! bahala na. Basta kailangan kong sabihin sa kanya ito' sa isip ko.

Biyernes ng hapon ngayon.

Nakapag desisyon na akong sabihin sa kanya ngayon. Ilang araw nalang kasi at matatapos na ang school year. Magbabakasyon na naman. Hindi ko na mahintay kung patatagalin ko pa ito.

Kahit saan ako mapatingin mukha ni Luke ang nakikita ko. Kahit nakapikit ako, siya pa rin ang naglalaro sa isip ko. Kahit nga sa panaginip siya parin ang laman nito. Pucha ambaduy ko talaga.

'Bahala na nga'

Lumabas ako ng kwarto para puntahan si Luke at para masabi ko na nga sa kanya.

Excited pero kinakabahan ako habang tinutunton ko ang kwarto niya. Magkatabi lang naman kami ng kwarto pero parang antagal ko itong narating.

Nang marating ko ang kwarto niya, kakatok na sana ako. Kaso napansin kong bahagya itong nakaawang.

Tila may naririnig akong nagtatalo sa loob. Nakiramdam muna ako.

"Patawarin mo na ako Luke. Alam ko naman kasalanan ko ang lahat. Madami akong pagkukulang sayo. Pinagsisihan ko na ang lahat ng yun. Hayaan mo naman akong bumawi sayo. Please bumalik ka na."

Boses lalaking tila nagmamakaawa kay Luke.

Kinabahan ako.

Hindi ako makatiis at tuluyan kong binuksan ang pinto.

Gulat at tila piniga ang puso ko sa nakita.

Sabay silang napatingin sa akin at mabilis na kumalas sa pagkakayakap.

May itsura din ang lalake at mas matangkad ito kay Luke.

Parehong namumula ang mga mata nila na tila galing sa pag-iyak.

'Anong ibig sabihin nito' sa isip ko.

"BRAD!" Bulalas ni Luke. Bakas ang pagkagulat sa mukha niya.

Hindi na ako sumagot at kaagad na sinarado ang pinto.

Mabilis akong naglakad, hinayaan ko nalang ang mga paa ko kung san ako dadalhin nito.

Ang gulo ng isip ko.

Siya ba ang dahilan?

Siya ba yung taong minahal ni Luke? Na sinaktan siya at nagmamakaawang balikan siya ni Luke? At hanggang ngayon mahal parin ni Luke?

Sa nakita kong pagkakayakap nila kanina. Maaring siya nga.

Gusto kong sugurin ng suntok ang lalaking yun kanina. Pero wala ako sa lugar.

Kung gaano ako ka-excite kanina na sabihin sa kanya, katumbas nun ang kirot na nararamdaman ko ngayon.

Hindi ko naman siya shota pero...

Tang-ina! Ansakit lang!

Huli ka na Zion.

Hindi umabot ang bola sa last second.

Gameover na.

No comments:

Post a Comment