Wednesday, May 6, 2020

Brad Mahal Kita, Matagal Na (Part 5)

 By: GuessWho

'Tama, na misunderstood ko lang.'

Marahil ay bago sa pakiramdam ang makahalik ng isang lalake kaya na-misunderstood ko lang.

Special lang talaga ang turing ko kay Luke, maaaring dahil na rin sa mga pinagsamahan namin.

Pilit kong binalewala ang pakiramdam na yon. Ayokong maging dahilan yun upang masayang ang pinagsamahan namin.

Masaya akong nakikita si Luke, which is normal naman dahil magkaibigan kami.

'Tama Zion, wala kang dapat ikabahala. Wala kang ibang nararamdaman para kay Luke. At walang sapat na dahilan para mainlove ka sa isang lalake' Pag kukumbinse ko sa utak ko.

Sabado ngayon. Napag-usapan namin ni Luke na mag practice para sa performance namin sa Lunes.

Sa totoo niyan nagdadalawang isip akong gawin ang scene na naka assign para sa amin. Napakamapagbiro naman kasi ng pagkakataon. Sa dami-rami ng pwedeng mapiling scene ay yun pang may halikan.

Mag aalas dose na ng tanghali kaya pinuntahan ko si Luke upang ayaing kumain. Pagkatapos kasi ng lunch ang usapan naming practice.

"San mo gusto mag practice? Sa kwarto mo o sa akin?" Tanong ko sa kanya habang ngumunguya.

"Sa kwarto ko nalang brad..." sagot niya. "Nga pala napanood mo na ba yung clip sa youtube?" Dugtong niya

Pinanood ko kahapon yun at naasiwa ako, hindi lang kasi isang kissing scene ang nandoon.

"Oo brad... kailangan ba nating gawin talaga yun?"

Tiningnan niya lang ako na tila pinag-aaralan ang reaksyon ng mukha ko. Umiling na may blangkong expression. Saka humigop ng sabaw.

"Ayaw mo ba?." Tanong niya.

Saglit akong natahimik.

"Wala naman tayo magagawa, si Ms. Michin yun. Specialty nun ang mambagsak ng estudyante."

Muli siyang tumingin sa akin at pinag-aralan ang expression ng mukha ko. Saka pailing-iling na ngumiti.

Nang matapos kaming kumain ay nagtungo na kami sa kwarto niya. Sabay naming pinanood yung clip sa youtube. Pinili namin yung pinakalumang version ng Romeo and Juliet. Mga sampung beses namin itong pinanood upang ma-familiarize.

(For reference, yun yung clip na kahawig ni Liza Soberano si Juliet at mejo hawig naman ni Zac Efron si Romeo)

Hindi namin magawang tingnan ang isa't isa at ramdam ko ang tensyon na namamagitan sa amin.

Dahil kailangan naming magawa iyon, humugot nalang ako ng lakas ng loob. Paulit-ulit kong ni-remind ang sarili ko na simpleng halikan lang ang gagawin namin at hindi ako dapat mabahala dahil pareho kaming lalake.

Gaya nga ng napag-usapan ay siya si Juliet at ako si Romeo.

Bale tatlong kiss ang gagawin namin, una ay hahalikan ko ang kamay niya, pangalawa ay ang first kiss at pangatlo ay ang pinakamatagal na kiss.

Pinag-usapan muna namin ni Luke na ang last part na kissing scene ay kung maaari gawin nalang naming mabilis. Pumayag naman siya. Napag-usapan din namin na hindi namin gagawin ang actual kiss ngayon. Sa Lunes nalang dahil hindi naman kailangan na gawin namin dahil practice lang naman ito.

Mag aalas tres narin ng hapon bago kami nagsimula.

Nagawa na namin ang mga naunang bahagi ng script at dadako na kami sa kissing scene.

Dahandahan siyang tumalikod at naglakad habang binibigkas ang linya niya. Sinundan ko naman siya at pumuwesto sa harapan niya na halos isang dangkal lang ang pagitan namin.

"Then move not, while my prayer's effect I take...Thus from my lips, by yours, my sin is purged." Wika ko.

Eto na yung part na hahalikan ko siya.

Marahan kong hinawakan ang baba niya at pumikit siya habang dahan-dahang inangat ang ulo upang salubungin ang halik ko..

Napatitig ako sa kanya, namangha ako sa husay niya sa pag-arte. Dahil sa husay niya animo'y totoo ang nagaganap.

Napako ang tingin ko sa mapupula niyang labi. Bumalik sa alaala ko ang lahat ng halikang naganap sa amin.

'Lab dab, lab dab, lab dab'

Pakiramdam ko bumagal at tumahimik ang palagid. Tanging ang nakakabinging pag rigodon ng dibdib ko ang naririnig ko.

'Eto na naman siya.' Tukoy ng isip ko sa kakaibang pakiramdam na pilit kong itinatakwil.

Ubod ng kaba habang hawak ang baba niya. Nakatuon pa din sa mga labi niya ang mga mata ko. Pakiramdam ko sa mga oras na yon ay onti-onting pinagdidikit ng magnet ang labi ko sa labi niya.

Kabadong-kabado ako. Hindi ko alam ang gagawin. Nandoon yung pakiramdam na kailangan kong itigil ang ginagawa ko pero ayaw sumunod ng katawan ko.

'Anong nangyayari sakin' sa isip ko.

Hanggang sa dumilat si Luke at napukaw nitong ang atensyon ko. Saka ilang na umiwas ng paningin sa kanya. Hindi ko magawang salubungin ang nagtataka niyang reaksyon.

Nababalisa ako.

Tuluyan akong bumalik sa diwa nang magsalita siya.

"Anong next?."

Balisa naman akong tiningnan ang script sa phone ko. Ngunit hindi ko masundan kung saan na nga ba kami. Ayaw gumana ng utak ko.

"Ah.. ah.. sa.." pautal-utal kong sabi.

"Ah ako nga pala ulit mag sasalita." Saka siya nagsimula.

"Then have my lips the sin that they have took." Pagpapatuloy niya.

Balisa pa din akong tinitingnan ang script.

"Sin.. sin.. sin.. from thy lips? O... o.. o..trespass sweetly urged! Give me my sin again." Pautal-utal kong banggit na halos hindi ako makatingin sa kanya.

"Ayusin mo naman brad. Hindi ka nagpo-focus. Ulitin mo." Sermon niya. "Tsaka pagkabanggit mo sa last part na yan.. hahalikan mo ulit ako, at yun na yung final scene... sige uulitin ko ang line ko.. sundan mo agad." Dugtong niya.

"Sige..pero teka kakabisaduhin ko muna" ilang kong sabi.

Nung makabisado ko na saka kami nagpatuloy.

"Then have my lips the sin that they have took." Pag uulit niya.

"Sin from thy lips? O trespass sweetly urged!
Give me my sin again." Wika ko

Ngumiti siya at hinihintay akong halikan siya gaya nung nasa clip.

"Okay cut!!" Sabi niya. "Basta pagkatapos mong banggitin yan hahalikan mo na ako." Dugtong niya.

Tumango lang ako. Alam ko ding napapansin niya ang pagkabalisa ko.

"Mamaya ulit. Kabisaduhin mo munang maige ang script brad para hindi tayo paulit-ulit."

Tumango lang ako.

Napag-isipan naming mag merienda muna. Naglabas siya ng limang instant pancit-canton at niluto ito. Habang niluluto niya ito ay nagpaalam ako upang kunin ang loaf bread na nakaimbak sa kwarto ko.

Habang kumakain ay nagsimula si Luke ng usapan.

"Kamusta nga pala yung chicks mo na kasama mo noong nakaraan?"

"Si Trisha?.."

Tumango siya.

"Hindi ko alam, hindi ko naman gf yun para alamin kung kamusta siya."

"Iba talaga karisma mo.." Mangitngiti niyang sabi.

"Nga pala.. matagal na tayong magkaibigan pero hindi ko man lang natanong sayo kung nagka girlfriend ka na ba." Tanong ko.

"Hindi pa ako nagkaka girlfriend. Hanggang fling lang, madalas noong highschool ako."

"Ibig sabihin hindi ka pa naiinlove?"

Ngumiti siya at tinapos ang nginunguya saka nagsalita.

"Nainlove na rin." Nakangiti siya.

"Pero sabi mo wala ka pang naging gf? Pero nainlove ka na?" Patuloy kong pag iinteroga.

"Freshman highschool ako nun nang makita ko siya.." Ngumiti muna siya na parang may masayang iniisip. "Pero mahabang kwento yun.. saka nalang natin pag-usapan."

"Teka, bakit interesado ka ata sa lovelife ko?" Nakangiting tanong niya.

'Teka bakit nga ba kami napunta sa usaping ito.' Usal ng isip ko.

Hindi ko din maintindihan kung bakit parang gusto kong malaman kung nainlove na siya. Neto lang ako nagkaroon ng interest na makilala pa siya lalo. Samantalang dati hindi namin napagkukwentuhan ang mga ganitong bagay, kahit na ba sabihin nating close kami.

Siguro gusto ko lang din malaman kung paano mainlove si Luke?. Pero teka, di ko naman dapat alamin yun.

"Na.. napag-uusapan lang naman." Depensa ko.

"Bakit ikaw ba nainlove na?"

Ang totoo niyan ay hindi ko pa naranasan ang mainlove. Katulad niya ay hanggang fling-fling lang din.

"Hindi pa. Tsaka di ko naman hinahanap yan. Andami diyang nagkakandarapa sakin. Kung sex lang, hindi tayo mawawalan niyan." Ngiti kong pagmamayabang.

"Wow! Lakas brad!" Sinabayan niya ng tawa.

Napailing nalang din akong mangiti-ngiti.

"First sex mo?" Tanong ko.

Tumawa muna siya.

Natanong ko lang naman, since nag-uusap naman na din kami ng tungkol sa lovelife. Mas maganda na din yung kilala namin ang isa't isa.

"Seryoso ka?" Patuloy sa pagtawa.

Tumango lang ako.

Matawa-tawa siyang nagkwento ng first sex niya. Labing anim na taong gulang daw siya nun. Sa overnight swimming daw naganap yun.

Shinare ko din yung first sex pati yung mga wild sexperience ko. Pati yung pinakamasarap na sexperience ko na ishare ko na din.

Tawanan kami habang nagkukwentuhan.

"Pinakamemorable mong kiss-perience?" Tanong niya.

Napaisip ako, binalikan ko ang mga nakaraang kiss-perience ko. Parang wala naman akong maalalang memorable na kiss-perience.

Hanggang sa nagflashback sa utak ko ang unang beses na dumampi ang labi ko sa labi niya.

Walang malay na napatuon ang mata ko sa labi niya. Mga tatlong segundo siguro yun bago ko binawi ang tingin noong mapansin kong nagtataka siya sa inasta ko.

Nakaramdam ako ng pagkailang, ganun din siya.

Marahil pareho kaming naalala ang tagpong yun.

Ang kanina lang na masayang usapan ay binalot ng tensyon.

Bakit nga ba kasi biglang pumasok sa utak ko yun.

"Ah.. tara magsimula na tayo." Wika niya.

Ramdam kong iniwasan niya sagutin ko ang tanong niya about sa kiss. Tama lang din dahil hindi ko alam kung paano sasagutin ito. Dahil sigurado na akong, siya ang pinaka memorable na kiss ko.


Nagsimula na ulit kami sa pag-iinsayo. Nagawa na din namin ang unang bahagi ng script at muli na kaming dadako sa first kiss ni Juliet at Romeo.

Habang papalapit ng papalapit ang part na ito ay lagi akong kinakabahan. Marahil ay naiilang ako.

"Then move not, while my prayer's effect I take...Thus from my lips, by yours, my sin is purged."

Kagaya nung una ay hinawakan ko ang chin niya at pumikit siya habang dahan-dahang inangat ang ulo niya upang hintayin ang halik ko.

Kagaya din ng tagpo kanina, nabibingi ako sa tibok ng dibdib ko. Na eestatwa na naman ako habang nakatitig sa mga labi niya. Para bang nag-aanyaya ito.

Eto na naman ako. Pinipigilan na naman ang sarili. Ano ba ang meron sa labi niya bakit hindi ko ma resist.

Mixed emotion.

'Lab dab, lab dab'

Hindi ko na ata kaya pang pigilin.

Pumikit ako at hinayaan ang kung sinumang espirito na sumanib sa akin na nagnanais halikan ang mga labing yon.

Namalayan ko nalang ang sarili kong dahan-dahang lumalapit sa kanya. Maya-maya'y nagtagumpay itong halikan ang mga labi ni Luke.

Kagaya nung dati, napakalambot nito. At ang init na dulot ng halik na yon ay lumukob sa buong pagkatao ko, na mistulang naging mitsa upang mag nais pang palalimin at patagalin ang halik na yon.

Dahil sa nakapikit ako ay hindi ko na nakita ang reaksyon ni Luke. Para rin siyang na eststwa sa ginawa ko.

Dahil sa apoy na bumalot sa pagkatao ko, kusang gumalaw ang mga kamay ko upang mas lalong pagdikitin ang mga katawan namin. Dahil sa pagdidikit ng aming katawan ay tuluyan na akong inanod ng sensayon. Tinalo nito ang utak kong kanila lang ay gustong mag pigil.

Ang kaninang damping halik lang ay naging mas maalab. Kusang kumilos ang aking mga labi ulang paglaruan ang mga labi niya.

Habang ginagawa ko yun ay mas lalong sumabog ang init nito nang maramdaman kong sumasabay na siya sa ritmo ng halik ko.

Niyakap ko siya ng mahigpit gumanti naman siya at lalong pinatindi ang pag halik. May sariling buhay ang mga katawan namin na tila sumasayaw ng mabagal sa musikang kami lang ang nakakarinig.

Papusok ng papusok ang halikan namin. Hanggang sa dinala kami ng mga paa namin sa double deck at dahan-dahan ko siya hiniga sa ilalim na bahagi ng higaang iyon.

Tinigil ko muna ang paghalik upang hubarin ang damit ko.

Ngunit biglang nagising ang diwa ko at napalitan ito ng pagkailang. Maging siya ay ganun din. Bumalikwas siya sa pagkakahiga upang umupo. Umupo na din ako sa tabi niya na nakasampa ang ulo sa dalawang palad ko.

Tinapiktapik ko pa ang pisngi ko upang patuloy na magising.

Nagpakiramdaman kami. Hindi namin magawang tumingin sa isa't isa.

Maya-maya'y.

"Brad, practice lang to diba?!." Nagkatinginan kaming halos sabay na binanggit ang mga salitang yon.

Sa pagkakailang ay sabay din kaming yumuko. 

Katahimikan.

"Oo practice lang to.. practice lang ito." Wika ko.

Dahil di ko matagalan ang ilangan namin mabilis akong tumungo sa CR. Mabilis kong isinara ako pinto at napansandal doon.

'Ano yon? Nagpadala ka na naman sa tukso ng mga labi niya. Hindi kasama sa usapan yun. Hindi ka kailanman magkakagusto sa lalake. Hindi ka ganun Zion.'

Nakita ko ang itsura ko sa salamin. Namumula ang mga pisngi at tainga ko. Agad akong naghilamos. Binasa ko din ng konti ang buhok ko, nang sa ganun ay mahimasmasan ako. Tinapik tapik ang pisngi.

Nang mahismasan ay dahan-dahan akong lumabas ng banyo.

Nakita ko siyang nakaupo pa din, nagba-browse sa phone.

Nakatayo lang akong pinagmamasdan siya.

From that moment, kumbinsido na ako.

Something gets really weird...

Kahit na gaano ko paglabanan ang nararamdaman, sa huli ay sumuko rin ako. It's not  just about misunderstanding. 

It's more than that..

And from that moment.. I knew.

Gusto ko siya..

-------------------

Matapos silang mag ensayo ay nagpaalam na din si Zion.

Alas singko na rin ng hapon sila natapos.

Pagkalabas ni Zion ay tulalang isinara ni Luke ang pinto.

Tumungo siya sa upuan sa harap ng study table niya.

Okupado ang isip tungkol sa naganap na practice nila kanina.

Napahawak siya sa labi at marahan itong hinaplos ng daliri niya.

Nanariwa sa isip niya ang bawat sensasyong naramdaman nang mga oras na yun. Maging siya man ay hindi niya malaman kung bakit nangyari yon.

'Anong ginagawa sakin ng taong yon? Sa tingin niya ba laro lang ang ginawa niya?.. Ang usapan namin ay walang halikang magaganap ngayon.. Pero teka, bakit nga ba ako nagpadala kanina? At parang.. may something sa halik niya...' sa isip niya.

'Bakit parang umaasa akong totoo yun?.'

'Ah... Luke isipin mo practice lang yun... masyado lang mapangahas yang kaibigan mo. Diba nga ilang beses ka na nyang hinalikan? Para namang hindi mo kilala ang isang yun. Sira ang ulo nun..'

'Wag ka nang umasa, masasaktan ka lang.. ULIT.. panindigan mo ang desisyong kalimutan ang lahat.'

Napailing nalang siya.

Mag aalas syete na ng gabi at naantala ng tunog ng katok ang pagbabasa ni Luke ng libro.

Tumayo siya mula sa pagkakaupo at dahan-dahang nagtungo sa pinto at binuksan ito. Bumungad ang tila balisang si Zion.

"Oh brad.. naparito ka?" Tanong niya.

"Ah.. ku.. kumain ka na ba??" Tila may pagkailang na tanong ni Zion.

'Ano kayang nangyayari sa isang to? Magtatanong lang naman kung kumain na ako, pero bakit parang tensyunado siya?' Sa isip ni Luke.

"Ah... hindi pa.. pero baka hindi na ako maghapunan, busog pa din ako nung kinain nating meryenda kanina.." sagot niya.

Inobserbahan niya si Zion. Naguguluhan siya sa inaasta nito.

"Ah... ganun ba?... sige brad, alis na ko." Pilit itong ngumiti na may pagkadismaya at dahan-dahang tumalikod.

Naiwan namang nagtataka si Luke. Pailing-iling at marahang isinara ang pinto.

Babalik na sana siya sa pwesto upang ipagpatuloy ang pagbabasa ngunit muling may kumatok sa pinto.

Binuksan niya uli ito at si Zion pa rin ang bumungad sa kanya. Nakapamulsa ito.

"Ma.. may lakad ka ba bukas?" Nag-aalangang tanong nito.

"Bakit brad?" Balik tanong niya rito.

"Ah... ah... aayain sana kita sa amin sa Bulacan.. May nag-aya sa akin ng basketball..." napahinto ito at napaisip na pahimashimas pa ng hintuturo sa baba, saka muling nagsalita. "Tama! Tama, may nag-aya sa aking maglaro ng basketball.. isasama sana kita kung pwede ka.. Tsaka.. tsaka..may mga kukunin din akong damit na susuutin para sa Lunes.. Tama! Yun nga.. magbabasketball tayo tapos kukuha ako ng damit .." mahabang sabi niya.

Halatang balisa ito at parang batang gumagawa ng dahilan para maaya niya si Luke.

Patabinging pinagmasdan ni Luke si Zion na lalong ikinailang ng huli.

"Ayos ka lang ba?" Tanong ng pagtataka.

"Ha?.." hindi ito makatingin ng tuwid.

"May sakit ka ba?" Hinipo niya ang noo nito at agad na binawi nang maramdamang normal naman ang temperatura nito.

Napapigil pa ito ng hininga sa ginawa niya.

(Pasingit lang, mas updated ang story na ito sa wattpad @RyanTime01)

"Dati-rati, kung ayain mo ako, hindi ka naman humihingi ng permiso ko... Luke magbasketball tayo.. Luke tara uminom tayo.. Luke gisingin mo ako baka malate ako.."

Nabigla ata ito ngunit agad namang bumawi.

"Ah.. ga..ganun ba?" Napahimas ng batok at pilit na ngumiti. Senyales na napahiya ito.

Muling ipinasok ang mga kamay sa bulsa at nagsalita.

"Oh sige!....Luke, samahan mo ako bukas sa Bulacan. Ayos na ba??" Napabuntong hininga pa ito at bakas pa rin ang pagkaalangan.

"Anong oras ba?"

"Alas singko ng umaga. Baka kasi matraffic tayo.." wika niya.

"Ha?? Ang aga naman.. humihilik pa ako niyan. Tsaka linggo bukas brad, walang traffic.."

"Ah.. oo nga pala." Patango-tangong tugon nito.

"Sige, samahan kita bukas. Alas ocho!"

Hinihintay lang ni Luke na umalis si Zion. Pero parang nag-iisip pa ito, saka dahan-dahang tumalikod..

Isasara niya na sana ang pinto nang muli itong humarap sa kanya.

"Oh.. may sasabihin ka pa ba?" Mediyo iritable niyang tanong.

Napahimas ulit ito ng batok.

"Ah.. ano kasi.. sira kasi yung aircon ko sa kwarto. Pu-pwede bang makitulog muna ako sayo?.." ngumiti ito ng alanganin.

Nagmistula itong batang nagpapacute, na tuliro, na ewan.. Pero naging cute ito sa paningin ni Luke. Biruin mo ang isang tigasing Zion, may ganito palang tinatagong ugali.

Tinugon lang siya ni Luke ng mapagdudang tingin.

"Sige na brad.." nagpapacute itong nagmamakaawa.

"Ganoon ba? sige silipin ko ang aircon mo baka magawan ko ng paraan." Hahakbang na sana siya.

Bigla siya nitong pinigilan sa pamamagitan ng paglapat ng kamay sa dibdib niya. Na parang nakadakma sa boobs ng babae.

Sabay silang napatingin sa kamay na nakalapat sa dibdib niya. Agad naman itong binawi ni Zion nang mapagtantong, malaswa pala ang dating ng pagkakadakma niya.

Nang makabawi.

"Hi..Hindi na brad.. nasilip ko na yun. Ayaw talaga gumana."

Hindi pa rin kumbinsido si Luke, nahihimigan niyang nagsisinungaling lang ito.

"Titingnan ko nga." Hahakbang na uli sana siya, nang pigilan siya ulit nito.

Tinapunan niya ito ng mapagpunang tingin.

"Oo siya! sige na. Walang sira ang aircon ko." Napabuntong hininga nalang ito.

"Hay! Ang hirap naman nito....Okay Luke, ako si Zion.. diyan ako matutulog sa kwarto mo."
Matigas nitong sabi at derederechong pumasok sa kwarto niya.

Hindi malaman ni Luke kung matatawa siya sa inaasta ni Zion. Makikitulog lang pala, andami pang sinasabi.

Napailing nalang siyang nagsara ng pinto.

Nakakapagtaka naman talaga ang inaasta ni Zion nitong mga nakaraan. Ang kilala niya kasing Zion ay siga, basagulero, babaero, hindi marunong humingi ng permiso at higit sa lahat kapag may gugustuhin gagagawa at gagawa ng paraan para mapasakanya ito.

Kapag may kailangan ito kwarto ni Luke ay kusa nalang itong pumapasok at kukunin kung ano ang kailangan nito, saka magpapaalam kung kelan hawak-hawak niya na. Madalas ding dumerecho ito sa personal ref niya at nangangalkal ng kung anong makakain. Nagugulat nalang din siya minsan na may naghihilik na sa upper deck.

Pero itong Zion na nasa loob ng kwarto niya ngayon ay iba. Ibang-iba.

"Hoy! Nagsa-shabu ka ba?"

Ngunit hindi na siya pinansin nito.

Nagtataka man ay napangiti nalang si Luke sa mga isipin na yun.

'Pero teka, kung iisipin kong maige. Nagsimula siyang nailang sa akin nung nag-away kami dahil sa babae, tapos nasundan pa nung mga halik. Pero ibang-iba yung pagkakailang niya ngayon..' napaisip siya ng malalim.

"Hindi kaya dahil sa halikan namin kanina? May naramdaman rin kaya siya?' Kumabog ang dibdib niya sa isiping yun.

Pilit niyang inalis sa isip yun.

'Kung ayaw mong masaktan ulit. Wag kang mag-isip ng kung anu-ano' Sermon ng utak niya.

----------

Nakapatay na ang ilaw at tanging lampshade nalang ang nagbibigay liwanag sa apat na sulok ng kwartong iyon.

Nakapuwesto na sila upang matulog. Si Luke sa lower at sa upper deck naman si Zion.

May bagay na bumabagabag kay Zion. Isa ito sa dahilan kung bakit gusto niyang matulog sa kwarto ni Luke, upang itanong ang tungkol sa tanong niya kaninang hapon.

"Luke! Gising ka pa ba?" Pagtawag pansin niya dito.

"Bakit brad?"

"May gusto lang akong itanong." Ramdam sa boses ni Zion ang hiya.

"Ano yon?"

"Ah.. sabi mo kanina.. nailove ka na, pero wala ka pang girlfriend.."

"Oh tapos?"

"Pwede ba yun?"

Di agad sumagot si Luke.

Maya-maya.

"Pwede naman." Tipid niyang sagot.

Katahimikan.

"---"

"---"

"Ma..maganda ba siya?.. ah..ibig kong sabihin.. saan mo siya nakilala at paano ka nainlove sa kanya.? Inlove ka pa rin ba sa kanya?" Sunud-sunod niyang tanong.

Habang binabanggit ni Zion yun, may kakaiba siyang naramdaman. Hindi niya matukoy kung ano. Selos?

"Hahahaha." Tanging tawang sagot ni Luke.

"Bakit ka natawa?" Sinabayan ng pekeng tawa.

"Seryoso ka ba talaga sa tanong mo?"

"Bakit naman hindi?.. Hindi ba pwedeng.. gusto lang kitang makilala pa?.." lakas loob niyang sabi.

"Hahaha.. nakakapanibago lang. Ang weirdo mo loko!"

Di maiwasan ni Luke ang mapangiti.

"Gago! Seryoso nga.. sabihin mo na."

Mga tatlong segundo rin bago siya nagsalita.

"Freshman highschool ako nun.."

"Tapos?"

"Tapos.. bigla na lang siyang sumulpot para tulungan ako.. Hindi ako nagkaroon ng chance na magpakilala sa kanya, dahil umalis kaagad siya.. Noon una, hinahangaan ko lang siya.. Gusto ko ngang mapalapit sa kanya, pero nahihiya ako.. Tapos.."

Huminto si Luke. Bumalik kasi sa alaala niya yung sakit.

Naramdaman niyang, hindi niya muna dapat sabihin ito. Minabuti niya ng huwag ituloy.

"Tapos?" Naghihintay na tanong ni Zion.

"Brad."

"Oh?" Si Zion.

"Saka nalang.. inaantok na ako. Sa ibang araw ko nalang ikukwento."

"Daya naman nito." Pagmamaktol ni Zion.

Gusto niya talaga kasi itong malaman.

"Sige na. Maaga pa tayo bukas. Kapag tinamad akong gumising, hindi na kita sasamahan." Pagbabanta niya.

"Tsk!.. Oo na! Sige na.. di na ako mangungulit."

Maya-maya ay narinig ni Luke na nagmu-murmur si Zion.

"Ano yon?"

"Wala!" Sa tonong parang batang hindi pinayagan maglaro sa labas.

Katahimikan...

"Luke." Mahinang pagtawag niya.

"Oh?" Sagot niya sa boses na inaantok.

"Good night." Tipid pero napakalambing pakinggan na sabi ni Zion.

Hindi na sumagot si Luke. Sa halip ay napangiti nalang siya.

Oo, makwento si Zion dati, pero hindi siya parang batang matanong na tulad ngayon. Siya yung tipong puro pagbibida sa sarili ang bukambibig.

Kailan pa siya nagkainterest malaman ang buhay ng iba.

Nakatulog si Luke na may ngiti sa mga labi.

Habang si Zion naman, hindi mapakali sa kakaisip dahil hindi siya nakakuha ng sagot.

To be continued...

No comments:

Post a Comment